Para maiwasan ang matagal na pagbabad sa masalimuot na mundo ng SOCIAL MEDIA, bibigyan ko kayo ng alternatibong pagkakaabalahan. Tadtarin ninyo ng comments ang mga kwentong ito kasabay ng isang-daang porsyentong boto at pagbabahagi (resteem). Utang na loob, BASAHIN muna bago mag-komento.
Yelo at Gatas na Unang Bahagi
Langka, Saging at Kamote sa Ikalawang Bahagi
Sago't Gulaman at Asukal para sa Ikatlong Bahagi
Kaong, Makapuno, Pinipig, Beans at Garbanzos na Ika-apat na Bahagi
at ang toppings na pangwakas-- Leche Flan, Ube Halaya, Ice Cream at Cherry na ihahatid ng inyong lingkod para makumpleto ang Halo-halong tema para sa TagalogSerye.
Ang Nakaraan...
"Maraming salamat at ako ay iyong niligtas" pagpapasalamat ng lalaki.
"Walang anuman po" magalang na sagot ni Lopnayi.
Maya-maya may tumawag sa lalaki. "Mr. Cortez, okay lang po kayo?"
Nang marinig ni Lopnayi ang kanilang apelyido, ito ay natuwa dahil kaapelyido niya si Heneral Cortez.
Si Heneral Cortez nga ba ang tinawag na si Mr. Cortez?
Ang Pagpapatuloy...
"Kayo po ba si Heneral Cortez?", gulat na tanong ni Lopnayi.
"Oo, ako nga si Mister Cortez. Pero hindi ako Heneral.", sagot naman ng dakilang extra na binayaran ng 500pesos ng production staff dahil sa one-liner at physical appearance.
"Kung ganon, maiwan ko na po kayo dito. Hindi pala kayo ang hinahanap ko na si Heneral Cortez.", sabay talikod ni Lopnayi sa kausap.
Tinignan ni Lopnayi ang gadget at muling binuksan ang kanyang social media account. Napanood niya ang napakaraming video ng Kiki Challenge. At sa bawat video na napanood niya ay merong bashers at keyboard warriors na nag-iiwan ng comment. Nagtrending lahat ng videos dahil sa napakahabang pag-aaway ng mga bashers at nag-upload ng video.
Sa ibang video naman, mga tao na nagbubuhos ng tubig na may yelo sa kanilang katawan. Tinawag itong ice bucket challenge. Napakadaming gumagawa nito at nasaksihan pa mismo ni Lopnayi sa kanyang harapan ang isang matandang babae na nagbuhos ng isang baldeng tubig na may yelo at nabukulan dahil hindi natibag ang isang bloke ng yelo na halos singlaki ng braso nito.
Gusto sanang tulungan ni Lopnayi ang matanda subalit napalibutan siya ng mga tao na nagvivideo sa matanda at mabilis na in-upload ito sa kani-kanilang social media account. Wala agad rumesponde na tulong. Nauna pang makakuha ng 1000likes ang isang post bago makarating ang ambulansiya.
Naguguluhan na si Lopnayi. Napakagulo na ng mundo. Masyado na itong keyotik (chaotic) para sa kanya, kaya para makatakas ay tumakbo na lamang siya. Gusto niyang mapag-isa. Umakyat siya sa tuktok ng building para makalanghap ng hangin at maging malinaw ang isip sa kaguluhang nangyayari. Subalit lalo siyang na-shookt sa nakita. Mga taong nakadapa sa dulo ng building (edge) at hindi gumagalaw. May mga kaibigan din sila na kinukuhanan sila ng video habang naka-flat ang katawan sa sahig. Ito ang tinatawag na planking.
Hindi nagtagal ang isang minuto at nagtrending na naman ang mga video sa social media. At sa parehas na pangyayari, napakarami na naman ng bashers. Hindi na inisa-isa pang basahin ni Lopnayi ang mga komento. Inilagay na niya sa sleep mode ang cellphone.
Tumakbo siya at dumaan sa FIRE EXIT ng building. Nakasalubong niya ang napakaraming tao na nakatigil sa may hagdanan. Tila ba napahinto ang mga ito sa ginagawa at parang mga estatwa na hindi gumagalaw. Kanya-kanyang pose sila at ang iba ay kakaiba talaga at mahirap ang mga posing. Ito ang tinatawag nila na mannequin challenge. Iniwasan na lamang ni Lopnayi ang mga ito at nagmadali sa pagbaba ng building.
Tumakbo nang tumakbo si Lopnayi. Hindi niya lubos maisip kung ano na ang nangyayari sa paligid. Ang dating tahimik, normal at organisadong pamumuhay ng mga tao ay nabago at nagulo dahil lamang sa impluwensiya ng tinatawag na social media. Sa huling pagkakataon ay muli niyang binuksan ang cellphone at chineck ang kanyang account. Nakita niya na may naka-tag sa kanya na live video. Napanood niya ang sarili sa video, kung ano mismo ginagawa niya at ang kinatatayuan niya. Hinahanap niya kung sino ang kumukuha sa kanya, subalit nabigo siyang matunton ito. Nagtanong na lamang siya sa comments section kung sino ang kumukuha.
May isang tao na sumagot... "Ako ito, si Gen. Cortez. Wahaha! 😂". Muli ay naging alerto si Lopnayi sa paligid at hinanap ang kumukuha ng video sa kanya. Napagod na siya sa kakalingon pero wala siyang mahuli. Nagtanong muli siya, "Nasaan ka?" at sinagot naman siya ng "Hulaan mo! Wahaha! 😂"
Napuno ng takot ang dibdib ni Lopnayi. Dahan-dahan siyang humakbang paatras. Hindi niya namalayan na nasa dulo na pala siya ng bangin. Sumikip ang kanyang dibdib at kinapos siya ng hininga. Nawalan siya ng malay at saktong mahuhulog ang katawan sa dulo ng bangin.
May isang kamay na mabilis na kumapit sa kanya, dahilan para manatilu siyang nakalambitin at huwag mahulog sa bangin. Mabuti na lamang at mabilis din ang reflexes ni Ahmen at nahawakan niya ang kamay ng kapatid. Nailigtas siya ng kaniya g kuya Ahmen. Matapos ang pangyayari, nagpasya ng bumalik sa kanilang bahay ang magkapatid.
"Kuya, maraming salamat at iniligtas mo ako" wika ni Lopyani sa kanyang kuya.
Habang naglalakad, napansin ni Lopyani sa di kalayuan ang isang lagusan. Inakala nyang isa itong maiksing daan pabalik sa kanilang bahay, ngunit iba ang kanyang natuklasan.
"Lopnayi dali! Tignan mo. May makalumang pintuan dito. Tara pasukin natin. Baka may kayaman diyan sa loob kagaya ng mga napapanood ko sa pelikula" wika ni Ahmen.
Ayaw gumalaw ng mga paa ni Lopnayi. Sa isip niya, nagproseso ang ideya na "nangyari na ito" parang Déjà vu. Hindi niya sinamahan ang kanyang kuya, nanatili ito sa kinatatayuan at pinagmasdan lamang ang kanyang kuya.
Sa likuran ni Ahmen ay biglang lumitaw ang itim na usok at napalibutan siya. Nawalan siya ng malay at humandusay sa lupa. Tila ba nanaginip siya at paulit-ulit na naririnig ang katagang...
ta i e
ga ka dis
log wa yon
ser long
ye
At paggising niya ay meron na siyang tattoo sa noo at nakalagay ang mga katagang
gu ng
ma tay
mit tan
ka dyel
Sa kabilang dako...
Naramdaman ni Apo Lopmayd ang isang nakakakilabot na aura.
"Nabuhay na nga siyang muli! Kailangan ko ng kumilos upang muling sugpuin ang kasamaan ni Tragnetti." sambit ni Apo Lopmayd sa sarili.
Naglakbay ang matanda at hinanap ni Apo Lopmayd sina Ahmed at Lopnayi. Nakita niya ang dalawa na nasa isang lagusan kaya bumulong siya ng isang matinding orasyon upang kontrahin ang sumpa na kumapit sa dalawang apo. Subalit nabigo siya. Bigla niyang naalala ang matamdang kaugalian na baliktarin ang damit para makawala sa engkanto. Agad namang sinunod ng dalawa ang sinabi ng matanda. Nalipat ang sumpa kay Lopnayi at nawala ang sumpa kay Ahmen. Muli ay binaliktad nila ang damit at bumalik ang sumpa kay Ahmen, nawala naman ang kay Lopnayi.
Nakaisip ng maganda at madiskarteng ideya si Lopnayi.
"Kung babaliktarin namin ang aming damit, babaliktad din ang makakatanggap ng sumpa. Siguro kung wala na lang kaming damit, baka wala na rin ang sumpa!", nag-ding ang bumbilya sa utak ni Lopnayi.
Agad na naghubad ng damit ang dalawang magkapatid. Wala silang itinira na kahit anong saplot. Tama nga si Lopnayi, nawala na ang sumpa. Sa pag-aakalang lubusan ng nawala ang sumpa, isinuot na niya ang salawal. Pagkasuot niya ay bumalik na naman ang sumpa. Kaya tukuyan na niyang hinayaang hubad siya.
Naglakad silang pauwi na wakang kahit anumang tumatakip sa katawan.
Nakita sila ng mga tao. Kinuha ang cellphone at kinuhanan sila ng mg tao. Agad na in-upload sa social media site ang kanilang video at tinawag na "naked man challenge". Nagtrending na naman ang video at dumami ang likers at bashers.
Hindi matatapos ang kwentong ito hanggat nakatutok ka sa social media. Magiging cycle lang ang lahat dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyang panahon. At hanggat hindi mo binibitawan ang gadget mo, hindi ka makakawala sa sumpa.
WAKAS
Narito ang prompt para sa linggong ito.
Mga Karakter
Hero: Madiskarteng Bida (Lopnayi, sa pagtanggal ng damit)
Villain: Ang "Virus" (social media virus)
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Slavery: (naapektuhan ang pamumuhay ng tao)
Tattoo: (lumabas sa noo ni Ahmen)
Rescue: (pagsagip ni Apo Lopmayd sa magkapatid)
Bilang ng salitang ginamit: Kasing-dami ng followers ni sweetsssj
"Wahaha! Mabango ba ang Albatross? Eh amoy kasilyas" sabi ng lalaki.
"Kanina ka pa ha!" galit na galit na bulyaw ni Tragnetti.
Sa galit ni Tragnetti, lumabas ang kaniyang kapangyarihan na natapon ang lalaki at shoot pa ang kaniyang ulo sa inidoro na amoy ihi.
Hinila ni Tragnetti ang lalaki na nakataas gamit ang sariling kamay nito. Binuksan ni Tragnetti ang kaniyang bibig na pagkalaki, at ang diameter nito ay 5 pulgada.
Sa isang sulok ay tahimik na kumukuha ng video ang isang lalaki (itago natin sa alias na K. Rondall) at naaktuhan na nakabuka ang bibig ni Tragnetti na 5pulgada ang diameter. Agad niya itong in-upload sa social media site at tinawag itong "the big mouth challenge". Segundo lang ang bilis, nagtrending agad ito at dumami ang likers at bashers.
Ibang klase yung open ended na ending nito. Isa ka talagang alamat kuya Jampol! At ang mga patawa, klasik! Hahaha
nyahaha! if you need help, press1. naging light ang mood ko kahapon ate @romeskie dahil sa'yo.
for not so best help, press 2. nyahaha! kaya nasulat ko din na ganyan ang ending ng kwento. thank you! 😙😘😚
Hahaha. Ano ginawa ko sayo? Lakas ng trip mo kuya jampol ha. Hahaha
Laki ng bibig ni Tragnetti. Haha
nyahaha! galing sa'yo ung idea na un boss @iyanpol12. nagtrending pa siya sa social media. nyahaha! 😂
Hahaha tawang tawa ko dun sa orasyon. Napakagaan ng storya dahil sa mga patawa. Ang husay po! 🙂
thank you @czera may mga parte dyan na kinopya ko sa gawa mo. malaking tulong din ung kwento mo para magawa ko ung looping sequence nung kwento. salamat. 😊
ang tagal ko itong inintay. At may wakas na. Salamat sa nakapgandang wakas na tila may kasunod pa @johnpd.
maganda kasi naging kagrupo na rin kita sa wakas. nyahaha! nasaan na kaya ang ending ni lodi @jemzem?
asan na nga kaya. ang saya kasi sa wakas naging groupmates tayo , kagroup pa natin si @czera at boss @iyanpol12
Congratulations @johnpd! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP