Mapagpalang araw! Ako po si @romeskie at narito ako para ilahad ang karugtong na kwento ng Tagalogserye ng Ikalawang pangkat. Upang lubos ninyong maunawaan ang aming istorya, mangyari po lamang na basahin ang Unang bahagi sa panulat ni ginoong @twotripleow.
Unang-una samahan niyo kaming gunitain ang "Buwan ng Wika" ngayong Agosto. Kaya naman tara na simula na natin ang kinasasabikang Tagalog Serye.
ANG NAKARAAN...
"Zera anak. Ayon kay detective Rafael si Charloise ay nandiyan din sa Mindoro Oriental. Hanapin mo at magmadali ka pagkatapos ay dalahin mo siya sa akin, nang sa gayon ay matupad ko na ang aking layunin dito sa ating mundo." Boses manyakis ng tatay-tatayan ni Zera sa cellphone.
Opo itay. Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya upang makuha si Charloise. Hindi pa naman niya ako kilala at wala siyang kamalay-malay sa mga plano natin. Sige po tay huwag po kayo mag-alala at ipaubaya mo na po sa akin ang lahat-lahat. Inis na inis na sagot sa ama.
AT SA PAGPAPATULOY NG ATING SERYE...
Naisipan ni Charlois na maglakad-lakad sa dalampasigan. Sa di niya malamang kadahilanan ay nanlalata siya sa pagod. Hindi normal sa kanya ang makarmdam ng pagkahapo dahil isa ito sa mga umano ay regalong ipinamana ng kanyang abuela.
Magkakaroon ka ng pambihirang lakas at ng kakayanang malaman ang panganib na nasa iyong paligid. Lalabas ang mga katangiang ito sa tamang panahon.
“Si lola, ang lakas maka-Aldub,” natatawang sabi niya noon dahil hindi siya naniniwala sa mga kapangyarihan at mga bagay na walang siyentipikong paliwanag.
Simula noong insidente ng tangkang pagdukot sa kanya sa Maynila ay nakaramdam na siya ng mga kakaibang pagbabago sa kanyang katawan.
"Ganyan talaga pag nasa 'puberty' period. Abang-abangan mo, mangangailangan ka na rin sa wakas ng cup B man lang,” biro pa sa kanya ng housemate nang minsang mabanggit niya ang mga nararamdaman niyang kakaiba. Sa tangkad niyang 4'11 ay madalas nga siyang napagkakamalang estudyante pa lamang kahit na ilang taon na siyang nagtatrabaho. Madalas din siyang binibiro sa opisina dahil mukha rin naman talaga siyang dalagita. Sino ang mag-aakalang isang mabangis at makapangyarihang nilalang ang nananahan sa kaniyang katawan?
Nakuha niya kasi ang mga katangian ng kanyang lolo. Isa itong sundalong Hapon na may mataas na katungkulan. Isa ito sa siyam opisyales na Bikyu at dito nananahan ang asong lobo na may siyam na buntot. Nabighani ito sa kanyang lola at nagpasyang mamuhay na normal sa piling ng abuela. Batid ng kanyang lolo ang bigat ng kanyang kapangyarihan at alam niyang sasailalim sa pang-aalipin ng Hapon ang buong Pilipinas kapag siya ay patuloy na pumanig sa kanilang pamahalaan. At dahil sa pagmamahal nito sa kanyang lola, nagdesisyon ito na tumiwalag sa grupo at mamuhay nang mapayapa.
Astig na lolo ni Charloise na inuna muna ang lablayp bago ang tungkulin. Charot
Habang abala ang mga kakampi niya sa pakikipaglaban, si lolo, busy sa love life!
Nagtago ang kanyang lolo at lola pero nahanap sila ng mga dating kasamahan ng kaniyang lolo sa kabundukan ng Rizal. Alam ng kaniyang lolo na hinding hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi nila nakukuha ang asong lobo na may siyam na buntot sa kanya kaya napagdesisyonan ng kaniyang lola na sa kanya na lamang ipasa ng kaniyang lolo ang nilalang na iyon. Nakalayo na ang kaniyang lola nang matagpuan ng mga Hapon ang halos walang malay na katawan ng kanyang lolo.
Napukaw ang kaniyang pagmumuni-muni nang biglang kumirot ang kaliwa niyang braso. Isa ito sa mga nararamdaman niyang pagbabago sa kanyang katawan. Napansin niya ang mapusyaw na mga linya na lumabas sa buong braso na animo’y unang layer ng tattoo. Hindi niya pa mahinuha kung ano ang tattoo na iyon pero may hinala na siya. Mahaba ang manggas na suot niya ngayon kaya hindi niya napansin na may pagbabago ulit na nagaganap sa kanyang braso. Napapangiwi siya sa tindi ng sakit na nararamdaman kaya naisipan niyang magpahinga sa nadaanang kapihan. Nang masabi ang order ay naupo na siya habang hinihimas ang braso, nananalangin na sana ay maibsan ang sakit kahit papaano.
Di alintana ni Charloise ang dalawang matang nagmamatyag sa kanya. ”Kung sinuswerte ka nga naman! Sana pala ay nagkape na lang ako dito kanina pa, siya pala mismo ang lalapit,” nakangiti si Zera habang unti-unting hinihigop ang mainit na kape. ”Tiyak na matutuwa si Tatay sa akin nito,” hindi talaga mawala ang ngiti niya sa swerteng nangyayari sa kanya ngayon.
Magdadalaga pa lamang siya at baguhan sa Kalakhang Maynila nang makilala niya si Dr. Jaypian Asalor. Nagsisimula nang dumilim noon at hindi niya maalaala kung paano pabalik sa inuupahang apartment. Eksakto lang ang pamasaheng dala niya kaya natataranta na siya. Ayaw niyang ipahalatang naliligaw siya kaya’t tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya. Lalo siyang nabahala nang may itim na van na mabagal na sumusunod sa kaniya. Nagbaba ng windshield ang pasahero nito at nagtanong sa kaniya.
Hija, pagpasensiyahan mo na, nagkamali-mali itong drayber ko at hindi na namin alam ang daan palabas dito. Alam mo ba kung paano ang papunta sa Roxas Blvd?
Nahintakutan man ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Zera sa isiping dalawa na silang naliligaw ng manong na ito. Pareho pa sila ng lugar na hinahanap. Marahil ay naramdaman ng lalaki na nahihintakutan ang dalagita ay naisipan nitong bumaba ng sasakyan at sinabayan siya nito sa paglalakad. Nakipagkwentuhan ito sa kaniya at nakagaanan niya ng pakiramdam ang lalaki lalo na nang mamalayan niya na lang na nasa kahabaan na sila ng Roxas Blvd at unti unti nang nagiging pamilyar ang dinadaanan niya. May pakiramdam siyang hindi talaga naliligaw ang lalaki, tinulungan lang talaga siya nito. Binigyan pa siya nito ng pangmeryenda. Hindi niya napansin na may nakaipit palang pera sa calling card na iniabot sa kaniya ng lalaki.
Kung may kailangan ka, nariyan ang address ko, huwag kang mahihiyang puntahan ako. Pwede mo rin akong tawagan kahit anong oras. Kasama naman iyon sa job description ko.
Muling nagkrus ang landas nila nang manganak ang kaniyang ate. Ito ang doctor na nagpaanak sa ate niya. Simula noon ay naging malapit silang magkaibigan. Tinulungan siya nito sa pag-aaral niya kaya malaki ang utang na loob niya rito. Noong una ay binilinan siya ng ate niya na mag-ingat sa doktor dahil notoryus na manyakis ang pagkakakilala rito. Nagkataon lamang na mura ito sumingil ng panganganak kaya wala na silang choice kundi sa klinika na lamang nito manganak.
Kaya siguro pinili niyang maging OB Gyne.
Pero napakabait ni Jaypian, maloko lang, pero mabuti ang kalooban kung tutuusin.
Naramdaman niya ang pag-init ng tatlong paru-parong tattoo sa likuran niya. Alam niyang napakalapit niya lang sa taong sadya niya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng pagkakataon, nilapitan niya ang dalagang tila namimilipit sa sakit. ”Hi sis, ok ka lang ba?” Tanong ni Zera nang makalapit kay Charloise. ”Ok lang. Nilalamig lang siguro ang braso ko,” pasubali ni Charloise.
”Ok lang bang makiupo? Nalulungkot kasi akong mag-isa,” tanong niya bago humila ng upuan. ”S-Sige, ok lang.” Nagkwentuhan ang dalawa at nagpalitan ng numero at facebook account.
Agad na nag text si Zera sa tatay-tatayan para mag-report.
Samantala, napatili si Charloise nang Makita ang braso nang hubarin ang long sleeves nito.
ITUTULOY...
Narito ang prompt para sa linggong ito.
Mga Karakter:
Hero: Charloise (didiskarte na siya sa susunod na kabanata, pramis!)
Villain: Jaypian Asalor at Zera.
Bilang ng mga salita: 1,000
Maari kayong magdagdag ng tatlo pang karakter ang limit ay limang karakter lamang para hindi masyado nakalilito sa mambabasa ang mga pangalan. ( Ang lumagpas sa 5 characters may poknat kay Junjun sa ruler at saka minus points sa buong team)
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Slavery.
Tattoo.
Rescue.
Tema ng Tagalog-Serye:
Action, Sci-fi, Fantasy, Thriller, Suspense and Adventure.
Unang Pangkat
Username
@johnpd
@iyanpol
@czera
@chinitacharmer
@beyonddisability
Ikalawang Pangkat
Username
@twotripleow
@oscargabat
@blessedsteemer
@romeskie
@jemzem
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord
Pukares na iyan! OB nga talaga haha. Bitin na bitin ito. Banat na manong @oscargabat. Malinaw na malinaw ang kasaysayan nang pagpasa ng Bikyu haha nakalalamang na maiba ang istorya kay manong haha.
Master sino na susunod? Hehe si manong? Para abang na lang ako..hhehe
bar na lang pagkain na yung bikyu nyo..
barbikyu,,, joke lang po
nabitin naman ako dun
nice one bes
Galawan ng mga manyakol para legit at di halata.
Pag lalake, maging OB Gyne. Wahahaha sabi din yan ng isa kong tropa kaya gusto nyang maging OB din. Di lang buntis ang makikilala mo pati rin mga chicks.
Medyo #mayrespetoparin ang kwento. Tapos madaming punchline talaga. Tatak @romeskie yung mga pabebe na linyahan. Good job sa clinging na tagpo sa ending, yung picture ng Kyubi talaga pasaway din ang lakas maka Naruto.
Hahaha. Nagbagong buhay na ako @toto-ph. Sinibukan ko talagang lagyan ng respeto ang kwento.. wahahahah
Ewan bakit natatawa ako sa pagiging OB gyne ni Jaypian. Siguro dahil nga notorious na manyakis ang pagkakilanlan ng doktor. 😂
Pero sobrang naengganyo ako sa pagbabasa. Detalyado kasi na pati ang kasaysayan ng paging bikyu at ang nakaraan ni Zera ay idinitalye rin. In fairness, gustong-gusto ko ang mga nangyayari sa kwento. Ang galing mam Rome! Matagal na akong hindi nakabasa ng mga isinulat mo at masasabi kong mas lalo kang gumaling ngayon. Nice one! ❤
Awww.. salamat @jemzem. Haha.. namimiss ko na rin magbasa ng mga akda mo. Inaabangan ko ang come back is real mo ha.. hehehe