Magandang araw sa inyong lahat!
Ako ay naeexcite na ihatid sa inyong lahat ang pangatlong bahagi ng dugtungang kwento mula sa pangalawang pangkat. Sana ito ay magustuhan ninyo!
Halos na mabasag sa pagkakahawak ni Don Norman Serrano ang basong naglalaman ng mamahaling red wine. Hindi matigil-tigil na pumapadyak ang kanyang mga paa na nagpapakita kung gaanong hindi siya mapakali.
“Hindi maaring ma-bankrupt ang kumpanyang itinaguyod ng pamilya namin ng ilang henerasyon.” Turing niya sa sarili habang binabasa ang reports ng finance and audit department ng Serrano Group of Companies. Nakakunot na ang kanyang mga noo sa kakaisip kung paano niya maso-solusyanan ang problemang hinaharap ng kanyang pamilya.
Napag-isipan niyang dumaan muna sa sementeryo bago dumiretso pauwi at bisitahin ang mga labi ng kanyang mga yumaong magulang. Habang namimili siya ng bulaklak ay nahagip niya ang dalang basket ng isang matanda at dali-dali niya itong tinulungan.
Nabigla siya ng mahigpit siya nitong hinawakan sabay sabi ang mga katagang;
“Ang iyong puso at isip ay nababatid kong balisa. Naririnig ko ang sigaw ng iyong kaluluwa at nais kong ikaw sana ay tulungan.” Wika ng matanda sa kanya.
Bakas ang pagkalito sa kanyang mga mata kaya nagsalita muli ang matanda.
“Heto ang pulang singsing. Sa pagdating ng kabilugan ng buwan, ibigay mo ang hinihiling nito kapalit ng iyong nais makamit.”
Balisa man siya at nahiwagaan sa tagpong iyon kasama ang matandang babae, pilit niya itong winakli sa isip niya. Desperado siya sa sitwasyon na pinagdaraanan ng kanilang negosyo ngunit hindi niya kayang paniwalaan ang sinasabi ng matandang iyon.
Dumaan ang ilang araw at aburido pa rin ang utak ni Don Norman hanggang sa dumating ang kabilugan ng buwan at napansin niya ang pag-aninag ng pulang singsing.
“Ibibigay ko sayo ang kayamanan kapalit ang mga buhay ng pitong babae.” Bulong ng isang anino sa kanya.
“Gawin mo ito at sa isang kurap ay magiging pinakamayaman at pinaka makapangyarihan kang nilalang sa buong mundo.” Pagka wika ng anino nito ay bigla itong nawala kasabay ng pagkawala ng ilaw ng singsing.
Beep, beep beep…
“Hello Sir, I am so sorry to call you at this hour but you are needed in the office.” Tila nagmamadaling sabi nito sa kanya.
Dali-daling umalis si Don Norman papunta sa kanyang opisina at tila gumuho ang mundo niya ng makitang gumuho din ang mga gusaling itinatayo ng kumpanya nila. Kasabay nito ang balitang ni raid ng PDEA at NBI ang barko nilang galing China na sana ay may dalang mga furnitures ngunit nakitaan ng mga shabu.
“Sir, the legal officer of the Armeda Group of Companies are threatening to sue regarding the incident. Should I call the company lawyer?” tanong ng sekretarya niya.
“No. I will take care of it Cassandra. Thank you.” sagot niya.
Hindi na niya alam kung paano niya aayusin ang lahat. Napa buntong-hininga na lamang siya.
“Gawin mo ito at sa isang kurap ay magiging pinakamayaman at pinaka makapangyarihan kang nilalang sa buong mundo.”
Muli niyang naisip ang sinabi ng anino.
Gustuhin man niya ang ninanais nito ngunit hindi niya magagawa ang pumatay ng tao. Paulit-ulit itong nasa isip ni Don Norman hanggang sa kanyang pauwi. Balisa siya. Aburido. Gusto niyang magalit sa sarili ngunit ...
“Aaaaaaaahhhhh!”
Nagulat siya sa narinig at muntik niyang masagasaan ang malaking kahoy ng mangga dahil sa kagustuhan niyang iwasan ang dalawa pang babaeng nasa gilid ng kalsada. Agad siyang bumaba ng sasakyan at nanginginig ang buong katawan niya ng makita ang isang babae na ngayon ay duguan na. Wasak ang ulo at kahit na dalhin man ito sa ospital ay hindi na rin mabubuhay.
Tinawagan niya kaagad ang sekretarya at ang kanyang abogado upang asikasuhin ang lahat. Hindi pa man nawawala sa isip niya ang nangyari ay nagpakita ulit sa kanya ang anino.
“Magaling kang pumili. Dahil jan, ang isang napatay mo kanina ay okay ng downpayment. Ipagpatuloy mo at gagantimpalaan kita.”
Gusto niyang sagutin at sumbatan ang anino ngunit biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone.
“Sir, good news! We have settled the issue with the Armeda Group. Also, the NBI and PDEA could not find a valid probable cause to involve us with the drug case.” Puno ng kaligayahang sabi ng kanyang company vice president.
Dahil sa insidenteng iyon ay nagtuloy-tuloy ang paglago ng negosyo ng mga Serrano at nabaon sa utang na loob si Don Norman sa anino at ito ang utang na hinding-hindi niya kayang bawiin pa kailanman kahit hanggang sa kamatayan.
POV ni Nolan
Tok. Tok. Tok.
Pagkapasok ng taong kumatok sa pinto ay inikot ko ang swivel chair upang harapin ang babaeng kanina lang ay tinitingnan ko ang resume. Malalim ang aking paghinga dahil kaagad na nabalot ng kanyang mabangong amoy ang aking buong opisina.
Tiningnan kong maigi ang babae. Matangkad. Maganda. Pang sekretarya ang dating.
“Alright Ms. Trina, you may sit down.”
Hindi ko maalis ang aking paningin sa magandang dalagang nasa harapan ko. Ngunit pinigil ko ang aking sarili at pinilit na maging boss-empleyado lamang ang magiging takbo ng usapang ito.
“Pinatawag kita dahil nasabi sa akin na ikaw ay scholar ng kumpanyang ito na pinag-aral namin sa Harvard at nagkataong nangangailangan ako ngayon ng taong pwede kong maasahan dito sa opisina. Ang aking sekretarya ay biglang nawala kaya kailangan kitang magsimula na ngayon."
Tila may bahid ng inis ang mukha ng dalaga ngunit itinago niya ito sa malakas na tawa.
“Dahil may utang na loob ako sa kumpanyang ito at sinuportahan ako sa aking pag-aaral ay pwede na lang akong utusang gawin kung ano ibig ninyo ano?” Sarkastikong sagot nito sa kanya.
Nabigla ako sa sagot niya. Sanay akong palaging nakukuha ang gusto ko at kahit na kailan ay wala pang nakagawang hindian ako at sagutin ako ng pabalang. Ngunit, kakaiba ang babaeng ito.
Nagpatuloy ang aming sagutan ngunit ito ay nagugustuhan ko rin. Kakaiba nga ang babaeng ito.
POV ng tagapagsalaysay
Bakas sa mukha ni Wade na hindi pa siya nakakatulog. Masakit na ang kanyang ulo at hindi pa rin tumitigil ang mga bumubulong sa kanya.
“Iligtas mo si Trina,” ang paulit-ulit na sabi ng mga ito. Nag-aalala man siya ay hindi niya alam kung paano niya ito matutulungan dahil na rin sa wala siyang kilalang Trina ang pangalan.
Bilang ng salita: Saktong 1000
Mga Karakter
Karakter | Deskripsyon |
---|---|
Don Norman Serrano | Kung kanino nag simula ang sumpa |
Nolan Serrano | Tagapagmana ni Don Norman Serrano |
Wade | Nakakarinig ng mga espiritung nabiktima ni Nolan |
Trina | Scholar ng kumpanya, bagong sekretarya. Love interest ni Nolan |
Diablo at Anino | Nag-aanyong tao sa pamamagitan ni Nolan |
Mga Elemento sa Kwento
Amulet/Anting Anting (singsing na ruby)
Rivalry o tunggalian( ang taong Nolan at ang dyablong Nolan)
Tema ng Ikalawang TagalogSerye
Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan"
Narito po ang bumubuo ng tatlong pangkat
Mga Pangkat
Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes
Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes
Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes
About the Author
If you want to know how Steemit influenced my life,
you may check my previous post here.
You can also check this post including this link for more Steemit tips.
I write fiction stories and poems too!
I would really appreciate it if you would check them out.
Also, please drop your comments and suggestions for my next post.
I would love to hear all your thoughts.
Let us make this interactive!
Oh, by the way, penny for my thoughts?
Awesome. Marvelous. Splendid
yung kwento na hindi ko alam saan patungo ay lalong napaganda ng mga kagrupo ko
Maraming Maraming Salamat
@ailyndelmonte @valerie
sana pwede lumagpas ng 1000 salita para mawakasan ng husto. Pakiramdam ko ay kukulangin ang dalawa pang writers para tapusin ang kwento.Nakasalalay na ngayon kay @jemzem ar @itsmejayvee ang lahat
Sobrang ganda ng kwento!!!
Uu nga, hahaa andami ko sanang idadagdag pa kaso lumagpas nko knina kaya nagbawas na naman ako ng salita. hahaha Salamat po!!!
pwede yan lagpasan. Hindi naman mahigpit si @tagalogtrail haha
kinikilabutan ako @valerie habang nagbabasa. Ang saya
Wahahaah nakakataba nman ng puso ang sinabi nyo. Masaya talaga ang kwentong pinangunahan mo kaya nasayahan akong dugtungan. Good job tayo jan!
Sa totoo lang mapepreaaure na ko ! Nababaliw na ko d ko alam paano tatapusin yan huhu
kaya mo yan @itsmejayvie
Ano kaya hakbang na gagawin ni Wade para mailigtas si Trina, ang bagong sekretarya?
Malalaman na kaya ni Wade na ang dyablong lagi nyang naririnig na umuungol at kumukuha ng kaluluwa ng mga babae ay walang iba kundi ang alter ego ni Nolan?
Ano ang kinalaman ng pualng singsing na nakuha ni Don Norman sa matandang babae sa nakuha namang asul na singsing ni Wade na nakuha rin nya sa isa pang matandang babae?
Magtutunggali na ba ang mapag-isang si Wade at ang dyablong Nolan?
Sino ang magwawagi?
Sino kaya nag mawawagi sa susunod na sagupaan sa NBA?
Ang mga bumubulong ba kay Wade ay yung mga kaluluwa ng mga naunang nabiktima ng dyablong Nolan? Kung gayon sila ba ay buhay pa?Saan sila napunta?
Saan din pupunta si Dora at lagi syang may backpack?
Abangan ang ikaapat na bahagi ng @tagalogserye ng Ikalawang grupo..
baka makatulong ito
basta Gotiko ang tema ngayon
Maganda ang sinimulan mong kwento, @beyonddisability na mas pinaganda pa nina @ailyndelmonte at @valerie15. Sana talaga kahit mapanatili ko na lang ang ganyang klase ng takbo ng kwento. Doble na ang pagkaka-pressured ko ngayong ako na ang magdudugtong. 😅 Good luck sa amin ni @itsmejayvee. 😂
Kaya nyo yan guys!!! Good luck!!
Fiction, Katatakutan at Kamatayanmamats @jemzem. kaya nyo yan. basta Gotiko ang tema ngayon. Halo-halong
Kering keri mo yan sis @jemzem hehe na e-excite na ko mabasa gawa mo astig nitong dugtong ni sis @valerie15
Ayun may flashback! Ayos! Magandang ideya na nilagyan mo ng kwento ng pinagmulan ang singsing. Sana lang kayanin ng brain cells ko na dugtungan ito. Ako na pala ang susunod. 😅
Uu para naman malinawang lahat at maayos ang takbo ng kwento. Hahahaha Aja! Kaya mo yan!!! Ipapasa ko na po sayo ang korona.
may pondo tyo na 500 words dahil di kami umabot ng 1000 salita ni @ailyndelmonte. Kaya kung lalagpas okis lang .wahahahahahah
Haha 1000 mahigit sana sakin kaso lang binura ko sa noteboon yung iba kala ko kasi bawal lumagpas ng 1k hahaha
Wew! Sana mapanatili ko ang ganda ng takbo ng kwentong inumpisahan n'yong tatlo. Aja! 😄
baka makatulong ito @jemzem
Ano kaya hakbang na gagawin ni Wade para mailigtas si Trina, ang bagong sekretarya?
Malalaman na kaya ni Wade na ang dyablong lagi nyang naririnig na umuungol at kumukuha ng kaluluwa ng mga babae ay walang iba kundi ang alter ego ni Nolan?
Ano ang kinalaman ng pualng singsing na nakuha ni Don Norman sa matandang babae sa nakuha namang asul na singsing ni Wade na nakuha rin nya sa isa pang matandang babae?
Magtutunggali na ba ang mapag-isang si Wade at ang dyablong Nolan?
Sino ang magwawagi?
Sino kaya nag mawawagi sa susunod na sagupaan sa NBA?
Ang mga bumubulong ba kay Wade ay yung mga kaluluwa ng mga naunang nabiktima ng dyablong Nolan? Kung gayon sila ba ay buhay pa?Saan sila napunta?
Saan din pupunta si Dora at lagi syang may backpack?
Abangan ang ikaapat na bahagi ng @tagalogserye ng Ikalawang grupo..
Ano kaya hakbang na gagawin ni Wade para mailigtas si Trina, ang bagong sekretarya?
Malalaman na kaya ni Wade na ang dyablong lagi nyang naririnig na umuungol at kumukuha ng kaluluwa ng mga babae ay walang iba kundi ang alter ego ni Nolan?
Ano ang kinalaman ng pualng singsing na nakuha ni Don Norman sa matandang babae sa nakuha namang asul na singsing ni Wade na nakuha rin nya sa isa pang matandang babae?
Magtutunggali na ba ang mapag-isang si Wade at ang dyablong Nolan?
Sino ang magwawagi?
Sino kaya nag mawawagi sa susunod na sagupaan sa NBA?
Ang mga bumubulong ba kay Wade ay yung mga kaluluwa ng mga naunang nabiktima ng dyablong Nolan? Kung gayon sila ba ay buhay pa?Saan sila napunta?
Saan din pupunta si Dora at lagi syang may backpack?
Abangan ang ikaapat na bahagi ng @tagalogserye ng Ikalawang grupo..
Ang ganda! Pang horror movie, Val. Isa sa pinaka nagustuhan ko yun mga dialogue dahil kita yun karakter na nagsasalita. Kelangan ko pang magback-read para sa mga naunang chapters nyo, pero looks promising so far.
Pwede na bang pang curie @jazzhero jazzy? Nyahahaah! Thank you!
Yes, basahin mo rin yung mga naunang chapters. Masaya tu promise!! hahahah
icucurie tyo ni @jazzhero. yehey!
Haha, magdilang anghel nawa kayo ni @beyonddisability. Sana balang araw may ma-curie na tagalog posts hehe. Wishful thinking,
Ay palakpalak ang galing nito parang isang lang talaga ng kwento haha astig ng pag kakadugtong nito sis Val
Salamat din sis! Dinugtungan ko lang kung saan pa punta ang kwentong nilahad nyo. Hihihi!
Push push natin to sis
Ang ganda po @valerie15.
Sobrang mas kapana-panabik na ang mga eksena ngayong araw. Ano na kaya ang mangyayari kay Wade? Paano nya matatalo ang Diablo tapos yung munting pa flashback sobrang nakatulong din iyon para mas maintindihan ng mga tao ang nangyari sa kanila at bakit may sumpa.
Pero ang pinaka nagdala talaga ay ito
Nyahahahaha!!! Eto nman... yan pa napansin mo. Lol! Salamat!!
Sympre naman po! Fan ako ng Bagani eh. Yan pa ba ang papalagpasin ko.
Hahaha. Mekeni mekeni! 😂 Good job sister! Sister tlga kita ba! Galing galing!
Syempre sis.. mana ako sau. 😎 salamat sister!!! Busy kau ko lately ayyy.. wa nkoi tym makigchika2😥
Iba din ha Anak ang galing mana sa tatay hahaha. ( Nagbuhat na ng sariling bangko)