TagalogSerye: Ang Huling Yugto (Unang Pangkat)

in #tagalogserye7 years ago (edited)

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam bakit ko pinasok to. Sadyang mahirap lampasan ang mga ginawang kwento ng mga nauna kong kasama at gayun na rin ng ikalawang pangkat. Sa mga nagtataka po, ito po ang huling kwento para sa unang hamon ni @tagalogtrail para sa Dugtungang Kwento.

Narito po ang mga naunang gawa ng aking mga kasamahan sa pangkat at maari po sanang basahin nyo po muna ang kanilang gawa upang mas maunawaan ang karugtong ng kwento na ginawa ko.

Unang Araw na gawa ni @tpkidkai

Pangalawang Araw na gawa ni @beyonddisability

Pangatlong Araw na gawa ni @rodylina

Pang-apat na Araw na gawa ni @cheche016.


girl-1856654_960_720.jpg
Pinagkunan

Ang bunga ng Eden ang magiging sagot ng lahat.
Ang Propesiya

Pinagmamasdan ko ang digmaang nasa harap ko. Eto ang rason kung bakit kami tumakas nuon.

Nkakunot ang aking noo habang matalim ang mga matang nakatingin sa pamilyar na mukhang kasalukuyang hawak ko ang leeg at sinasakal. Si Charlie; ang dating tagapag silbi sa mansyon ni Abraham na minsan ay nagsilbi rin sa amin. Masakit sa loob kong sa ganitong sitwasyon kami muli at huling magkikita. Hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya hanggang sa tila sya ay parang isdang inahon sa tubig at nahihirapang huminga. Nakalabas na ang kanyang dila at ang mga mata ay nagmamakaawa. Ngunit hindi, hinigpitan ko pa ang aking pagkakahawak sa kanya hanggang sya ay malagutan na ng hininga.

Pinako ko ang atensyon sa paparating na bagong kalaban na may dalang balaraw. Mabilis ko itong sinipa at ng mabitawan niya ito ay tila nawalan din sya ng lakas na lumaban. Eto na ang pagkakataon kong tapusin ang laban. Pinagmasdan ko rin ang lima pang mga kasamahan ko habang may katunggali din sila.

Sipa. Tadyak. Suntok.
Sipa. Tadyak. Suntok.
Sakal. Baril. Saksak.

Hindi ko na mabilang kung ilan na silang napatay ko. Marahil ay ganoon rin ang nararamdaman ngayon ng mga kasamahan ko.

Nakikita kong nahihirapan na si Uriel kaya dali-dali akong pumunta sa kanyang dako upang siya ay tulungan. Ngunit ang mga malalaking kamay ang pumigil sa akin habang ang isang kasamahan ng kung sino mang humablot sa akin ay sinuntok ako sa may tiyan. Nais kong lumaban ngunit hawak pa rin ako ng kanyang kasamahan.

Lumapit sa akin ang taong sumuntok sa akin at kahit sa kunting pagkahilo ko ay naaninag ko pa rin ang mukha ng diablong nasa harap ko. Si SP03 Ricardo Dalithay. Walang hiya. Kampon din sya ni Rafael?

“Maligayang muling pagkikita, suki.” Sabi ng manyakis na matandang baboy sa harap ko.

Lumapit siya sa akin hanggang sa halos magkadikit na ang aming mga mukha. Batid ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata. Ngunit ito ay napalitan ng poot ng muli na niya akong sinuntok at hinablot ang aking buhok. Ang kaninang mapagnasa niyang mga mata ay napuno ng galit at mabilis niyang dinukot ang kutsilyo sa kanyang bulsa.

Ngunit, bago pa man ito dumapo sa aking leeg ay malakas na sipa ang nagpabagsak sa kanya. Napadaosdos sa gilid si SP03 Dalithay at napuno ng takot ng makita niya kung sino ang kanyang kaharap.

stop-1131143_960_720.jpg
Pinagkunan

“Hindi ba malinaw sa inyo ang utos ko?! Walang gagalaw sa anim na anghel! Inutos ko lang na dalhin sila dito upang malinawan ang lahat.” Puno ng galit at pag-aalala ang mata ni Rafael ng makita niya akong mahina at duguan.

“At sinong nagsabi sa inyo na saktan si Mikaela?!” Pagalit niyang sabi.

Sa mga panahong iyon, nabatid ko kung paano siyang nag-aalala sa akin at kung paanong nagkamali ako. Halos limang linggo akong nagpanggap na kaanib sa grupo niya. Ni minsan hindi ko binuksan ang aking isip sa kung ano man ang plano ni Rafael sa Eden at sa buong mundo. Kinain ako ng galit. Kaya nadala ako ng paghihiganti. Eto ang nagtulak sa akin na ibalewala kung paanong ginusto ni Rafael na baguhin ang mga plano ng kanyang ama.

Masyado akong nadala sa malalim na pag-iisip kaya nabigla ako nung marinig ko ang malakas na ugong ng baril ni Barachiel na nagpabagsak kay Rafael.Habang si SP03 Dalithay at ang isa pa niyang kasamahan ay tinutukan na rin ng baril nina Uriel at Gabby. Maswerte at sa paa lang natamaan si Rafael ngunit akmang babarilin sya ulit ni Barachiel sa ulo.

“Huwag!” Ang tanging naisigaw ko.

“Huwag, maawa ka sa magiging anak namin.” Pakiusap ko sa mga kasamahan ko.

DQmNRYDZiw1sMR3tcGhRXK5ydaax9SsF342h3SVETiYrimb_1680x8400.png

Flashback

girl-1258739_960_720.jpg
Pinagkunan

Muli siyang hinagkan ni Rafael. Nag-aalab ang pag-ibig nila para sa isa't isa na kayang pag-ihawan ng hotdog at marshmallow. Mas naging mapusok pa ang mga sumunod na tagpo.

Hinagkan niya ako. Mainit. Mapusok. Nakakapanghina. Nakakainis dahil ang ilang taong galit ko sa kanya ay kayang tunawin ng ilang segundong halik niya.Ganyan ba ako karupok pagdating sa kanya? Kahit anong tindi ng galit ko sa kanya, hindi ko pa rin magawang hindi sagutin ang mga halik niya. Nawala na ako sa wisyo nung dumampi ang nag-aapoy niyang mga labi sa aking labi, sa leeg, sa dibdib. Pababa ng pababa.

Nakatulog ako matapos ang mainit na pagtatagpong iyon. Nagising ako mga madaling araw na parang naglalakad sa ulap. Eto na naman ako, umaasang bumalik siya dahil sa mahal niya ako. Masaya ako ngunit may kalakip na pangamba.

Pinanuod ko ang file na nasa USB at yun ang sagot sa lahat na muling nagwasak ng aking puso at pag-asa. Bumalik ba si Rafael para ipagpatuloy ang plano ng kanyang ama? Hindi para sa akin. Ang lahat ng ito ay hindi tungkol sa akin o sa amin. Ang lakas ng loob niyang gamitin ang pag-ibig ko sa kanya para sa kasakiman ng kanyang ama.

Nang makatanggap kami ng liham na dala ng isang kalapati alam na naming anim na ito ay galing sa Eden. Imbitasyon galing kay Rafael. Ano na naman kaya ang plano niya?

Naghanda kaming anim para sa aming paglalakbay dahil alam namin na kung may plano man si Rafael, hindi ito magiging pabor sa amin lalo na at ito ay teritoryo niya.

Kaya ng salubungin kami ng mga bandidong tauhan dati ni Abraham papasok ng Eden ay hindi na kami nagtaka. Oo, anak ni Abraham si Rafael ngunit kahit na ganuon ay naniniwala pa rin kaming marunong siyang makipaglaban ng patas. Mali kami.

babe-2972221_960_720.jpg
Pinagkunan

Matapos kong maisilang ang aming anak, nasaksihan ng lahat kung paano sa mga mata ng batang karga ko makikita ang magandang Eden na simula ngayon ay magiging tirahan naming lahat. Mapayapa. Masaya. Buong galak ang aming naramdaman ng ngumiti ang mahiwagang batang ito ng makita niya ako at ang kanyang ama na buong sayang sinalubong siya. Batid kong masayang pamilya ang nais niya. Masayang Eden.

Wakas

DQmNRYDZiw1sMR3tcGhRXK5ydaax9SsF342h3SVETiYrimb_1680x8400.png

Bilang ng salita: 985


Maraming salamat sa inyong paghihintay. Gusto ko mang tapusin ito kagabi pagkatapos makauwi galing opisina ngunit ang mga brain cells ko ay pumipikit na rin. Kaya itinulog ko na lang. ***The spirit is willing but the flesh is weak.*** ika nga nila kaya muli, patawad po! Alam kong masyadong bitin ang kinalabasan ng kwento. Nawa'y nagustuhan nyo pa rin ito.

Sa aking mga ka grupo at kay @tagalogtrail, maraming salamat sa inyong walang pantay na talento at galing. Totoong ako ay nahirapan ngunit batid ko naman ang saya sa paglikha ng dugtungang kwentong ito. Gawin natin ito ulit!


Ako ay gumagawa rin ng tula sa parehong lengwaheng Filipino at Ingles. Maari ninyo itong silipin dito at dito rin.

Mahilig din po ako magsulat ng mga tips kung paano mas gumaling ka pa sa Steemit. Eto po ang sampol ng aking mga gawa at eto rin.

Maari lamang pong bisitahin din ang aking mga akda;
5 Tips That Will Help You Last in Steemit

My 2018: A Tour Around My Town and A Free Invitation From The Lucky One

Rooftop Whirlwind Romance

A Failed Fairytale: Haiku and Fiction Combined

Kaamulan 2018 and Throughout Generations

Muli, salamat sa inyong lahat!

Sort:  

Ganda ng ending! At nabuhay si Ricardo Dalithay ulit haha.

Magaling din ang patatapos ng kwento at pag wrap up sa mga naunang elemento. Isa sa pinakanagustuhan ko ay ang maaksyon na umpisa, at kitang kita talaga ang internal conflict sa karakter ni Mikaela. Mahusay, Val :)

Hahaha nairaos ko rin @jazzhero!! Salamat naman at may isang nagandahan dito😂

olrayt.. pag-ibig ang nagwagi well kahit namn ipaglaban nya ang ang kanyang angkan love parin un
... pero pagmahal mo talaga tanggap kahit anu o sinu pa sya.. salamat sis Val tinapos mo .. hahahahaha

Love wins @cheche016. Nyahahaha pero sabi mo nga "walang forever!"

Hehehe mahusay parin ang pagkaka eksekyut ng ending. Napagtagni-tagni parin sa bandang dulo. Na enjoy namin ito ni Junjun

salamat tagalogtrail para sa patimpalak natu. Enjoy ding gumawa ng kwento!

Na enjoy din naming magbasa kaya patas lang 🍿 Salamat at good luck sa susunod na hamon! 💕 💕

Ang Halamanan ng Eden ay isa ng Paraiso kung saan payapang nabubuhay ang iba't ibang uri ng mga nilalang. Ang lahat ay pantay-pantay. Walang naktataas na uri ng nilalang. Ang husay po pagrupong @valerie15.. Sana maging pelikula ito :) :) :)

ang napansin ko lang yung kwento ng grupo namin ay punong puno ng aksyon hanggang sa higaan me aksyon

hahahahahaha thank you @beyonddisability! Naku, wag kasi sisimulan yang mga labanang yan. Kung saan2 napupunta. hahahah!