nang mabasa ko ang mensahe na ito ay sobra akong natuwa dahil ang akda ko para kay nanay ang napili sa patimpalak nila.
ikasampu ng umaga nang dumating ang package na ito sa aming bahay. Ang nilalaman nito ay isang bag na SECOSANA kalakip nito ay ang mensahe na naisulat ko sa aking akda na pinalaminate ni toto at junjun.
Nang matanggap ito ni nanay ay halos maiyak siya at parang batang eksayted sa regalong bubuksan. ABA ! at inaalam pa nya kung magkano daw ba ang bag na yun.
narito ang litrato ng aming nanay Lucia na suot ang bag na bigay ni @tagalogtrail.
masaya sya nyan lalo na nang mabasa nya ang mensaheng pinalaminate ni toto, Hindi lang sya talaga ngumingiti haha. SALAMAT KAY TOTO AT JUNJUN gagala na daw syang may bagong bag.
Dahil nagpapasalamat na lang din naman ako kay toto at junjun sa post na ito hayaan nyo kong sabhin kung paano ba ako natulungan ni @tagalogtrail.
Nasa punto na ko noon na parang wala naman akong maibabahagi sa steemit at isusuko ko na rin ito dahil pakiramdam ko hindi para sa akin ang ganitong gawain. Nang mapansin ni toto ang pinaka unang tula na ginawa ko ang HULING PAHINAyung kumento nya ang bumuhay sa dugo ko.
at nasundan pa ng isa pang tula ang BAKAILANG na talagang nagbukas sa aking isipan kung saan ang lugar ko at dahil un sa emosyong taglay ko. Maaari pala akong makagawa ng mga tula na ayon sa kung ano ang nararamdaman ko. At sila toto at junjun hindi nila ako hinusgahan sa kung ano lang ang kaya kong gawin. At dahil sa mga tulang ito ay isinali nya ako sa kanyang discord channel ang tambayan ni toto upang makakilala ng ibang tao, dito ay nakasalamuha ako ng iba't-ibang uri ng tao na talagang mahuhusay sa larangan ng literarurang pilipino at pagpapalawak ng wikang Filipino.
naisali rin ako sa #tagalogserye na dugtungan ng kwento. Noong una ay wala naman akong kaide-ideya papano ba gumawa ng kwento at hindi ko talaga porte ito, Ngunit dahil sa mga kasamahan ko sa Tambayan ni toto sa ikatlong pangkat ng #tagalogserye may nagawa akong kakaiba na kahit ako hindi ko inakalang kakayanin ko. Ewan ko ba basta sinsasabi ng mga kagrupo ko na kung ano ang nasa isip mo isulat mo, kung ano ang nararamdaman mong pagtatapos gawin mo. At nung nagsulat ako tuloy-tuloy yung mga detalye sa utak ko lumagpas pa nga ako sa binigay na bilang ng mga salita. Basta daw GG LANG YAN haha.
at nang lumabas ang resulta ng #tagalogserye ang pangkat namin ang nagwagi! Nakakatuwa, ang sarap sa pakiramdam na sa unang beses kong sumali sa dugsungan ay nagawa ko mailagpas yun dahil na din sa napakalaking tiwala ng aking kagrupo #@Tagalog Serye Ikatlong Pangkat at dahil na rin sa walangsawang suporta nila toto at junjun sa katauhan ni @tagalogtrail.
KAYA IKAW may natatago ka bang talento sa pagsulat ng tula, kwento, sanaysay at iba pa? May emosyon ka bang nais pakawalan sa dibdib mo? O kaya naman ay may nais kang ilabas na galit ngunit hindi mo magawa?wag kang mahihiyang magtanong kay toto at junjun. Sali na sa aming kwentuhan kabayan sa tambayan ni toto. malay mo isa ka rin sa mga natatanging tao na may kakaibang talento.
MARAMING MARAMING SALAMAT TOTO AT JUNJUN SA LAHAT NG ITO MASAYA AKO AT ISA AKO SA TAMBAYAN MO
At sa muli ako ang inyong abang lingkod @itmejayvee na nagsasabing ISULAT MO, GAMITIN MO ANG EMOSYON NA YAN UPANG MAKAGAWA NG KAKAIBANG BAGAY. ISULAT MO MALAY MO MAKAPAGPABAGO KA NG PANANAW NG IBANG TAO.
Congratulations @itsmejayvee! Bukod sa masayang masaya si nanay Lucia ay siguradong proud na proud siya sayo.
Hehe uu nga po e at dahil un kay ka toto @taglogtrail
Salamat @itsmejayvee at kahit papaano ay may nagawa kaming matino ni Junjun 😂
Isang malaking karangalan sa amin ang maging kabahagi ka sa tambayan sampu ng mga tambay din doon. Basta GG lang sa gawa nyahahah wala si Junjun baka mag message din.
Kayo ni junjun ang tunay na olodi ng tambayan. Pasensorry din kung minsa may pagkukulang ako sa tambayan. Tara barik !
Junjun eto ng TagalogTrail. Walang anuman at salamat sa support JV 😁
Nakakatuwa na malaman naging encouragement ang TagalogTrail sayo. Yang sinabi mo ay malaking encouragement din samin,
Yung tula mong "bakailang" ang isa sa mga paborito kong likhang tagalog dito sa steemit. Kaya ituloy mo lang pagsusulat. Nakakbilib din ang mga kwento mo sa #tagalogserye, kaya naman napili ka rin olodi. P.S. Isipin mo na lang si Luffy yun nasa banner haha. Naka straw hat din naman 😝
Haha junjun amisyu na haha. Yun nga e d ko malalaman na kaya kong gumawa ng ganun king di dahil sa inyo ni toto. Salamat sa papuri sa tula kong iyon hayaan mo at gagawa pa ako ng mahugot na tula. At oo nga so luffy yan basta naka strawhat :) sana marami pa akong magawa at makatulong din sa inyo ni toto :)
WOOOW!!! Lodi!!! :) :) I miss the tambayan already. :( :( I have been so busy lately talaga.. As in GRABEEE!!! :( I will be back.
Pag nagkafreetime ka lodi makakabalik ka at makakagwa ka ulit. Aantayin ka namin tulad ng pag aantay ng iba :)