Kung mayroon mang pangyayari sa nakaraan na nais kong balikan, iyon ay ang maging mabuting anak kay Papa. Medyo naka-relate ako sa kwento mong ito dahil katulad mo, hindi ko rin naabutan si Papa sa huli niyang hininga. Kaya ramdam ko 'yung lungkot at panghihinayang.
Bagama't naka-relate ako sa kwento mo, hayaan mo akong husgahan ang akdang ito base sa mekaniks ng patimpalak ni Mam @romsekie.
Unang-una, alam kong napuna na ni Mam Rome ang paglalagay ng tunay na link ng pinagkunan ng larawan upang bigyan ng credit ang nagmamay-ari nito. Ngunit napansin ko pa rin na hindi ang mismong link ng pinagkunan mo ng larawan ang nilagay mo, kundi google.com lang. Alam kong hirap ka sa bahaging 'yan dahil nga cp ang gamit mo. Pero kung makakasanayan mo, hindi na 'yan magiging mahirap sa kalaunan. :)
Pangalawa, pansin ko rin ang haba ng mga talata. Mas mainam kung paiklin ang bawat talata lalo na kung kailangan nang putulin ang mga pangungusap na puwedeng namang ilagay sa kasunod na talata. Magiging dragging o nakakaumay kasi kapag nakikita pa lang ng mga mambabasa ang mahabang talata na pwede naman putulin. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan putulin o paikliin ang talata. Masasabi kong exemption kung magkaugnay naman ang mga pangungusap na nasa iisang talata.
Pangatlo, may mga napapansin lang akong kaunting pagkakamali sa pagbabaybay ng iilang mga salita gaya ng kalungkotan (kalungkutan), tumontong (tumungtong), paglake (paglaki), atbp. Alam kong struggle is real lalo na't hindi tayo native Tagalog speaker kaya medyo nauunawaan ko. Pero maisasaayos naman 'yan sa pagiging mambabasa at pag-oobserba ng mga binabasa dahil 'yan din ang magtuturo sa atin bilang manunulat.
Pang-apat, hinahanap ko ang paggamit mo ng mga salitang panglarawan, at nakikita ko naman ang effort mo sa paggamit n'on. Pero aaminin ko ring kaunting paglalarawan lang din ang ginamit mo sa sanaysay na ito. Ngunit sobrang na-appreciate ko pa rin iyon dahil sumubok ka pa rin kahit hindi iyon ang nakasanayan mo sa pagsusulat.
Iyon ang nakikita kong positibo sa 'yo bilang manunulat. Hindi ka takot na sumubok at tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat.
At ramdam ko rin namang gusto mong matuto kaya saludo ako sa mga manunulat na kagaya mo.
Dahil d'yan, alam kong malayo pa ang mararating mo lalo na kung bukas ang isipan mo sa mga payo o kritismo ng iba.
Sa kabuuan, may emosyon ang sinulat mong ito. At sana'y sumulat ka pa nang sumulat kasi nakikita kong may potensyal ka sa pagsusulat. :)
haha haba te, ganoon ba?! salamat at mukhang napaka seryoso ng iyong kumento, tanggap ko rin kung may mapuna sa gawa kasi mismo ako alam kong may pangungusap na hindi ako kontento pero pinagpatuloy ko nalang dahil nahihirapan na ako,haha but anyway the main point is i really appreciated your advice, haha grabe yong sabi mong sumasali pa rin ako ah, sakit non, haha kahit hindi ako magaling, pero biro lang, salamat sa lahat ng payo...i review your comments again and again..but smile pa rin ako.haha
Posted using Partiko Android
Grabe ka, Paul! Hehehhe. Mas maayos nga 'yong sumasali ka palagi sa mga patimpalak e. Positive kaya 'yon kasi hindi biro ang pagsali sa mga patimpalak. 😊
Pasensya na rin at napahaba ang komento ko. Madaldal kasi ako bilang hurado. 😅
Naaappreciate ko rin talaga ang willingness mo sa pagsusulat sa pagiging open-minded mo sa mga komento ng iba. Mabuhay ka, Paul! 😄
hoy matagal na am ng buhay, wag mo naman akong patayin, haha willingness ba?eh syempre yon lang meron sko eh, haha, tamad ako mag-aral at magbasa kaya yong kapal nalang ng mukha ang basihan dito, hindi na galing baka magkamali ang hurado someday at mananalo rin ako,haha
Posted using Partiko Android
Tama ka may potensyal siya sa pagsulat, relate ako sa story nya.