Ang nakaraan:
Ako nga pala si Bam. B-A-M. At hindi B-U-M na bum. Sa unang araw ko sa college, inabot na ko ng matinding kamalasan. Unang-una: na-late ako sa first subject. Tapos pinalabas pa ko ng prof dahil namilosopong kangkong ako. At higit sa lahat nawala ang aking bag. Andun lahat ng gamit ko: cellphone, school ID, Certificate of Registration, pati na rin ang pera niya nandun.
Sa Morayta ako nag-aaral at dahil nawalan nga ng pera ay hindi ko alam paano ako makakauwi. Basta sumakay na lang ako sa jeep at balak ko mag 1-2-3 takbo na lang. Habang nasa jeep na ko at iniisip ko ang aking kamalasan, nakasabay ko sa jeep si girl crush na katabi ko kanina sa 1st subject. Ang pangalan niya ay Chelsea. Nagkakwentuhan kami. Taga-Project 8 din siya. Ayos.
Nung bumaba na ko ng jeep, binuking ako ni Chelsea: “Uyy! Hindi ka pa bayad ha!” Patay.
At nung bumaba na ko, nakita ko ang driver na nakababa na rin at may hawak na tubo. Sumigaw siya ng “Salamat!”
EPISODE 2.
“Salamat din!” sabi ni Bam sa jeepney driver na may hawak na tubo, sabay takbo.
“Pigilan niyo yang bata na yan, hindi nagbayad sa jeep!!!” Sambit ng jeepney driver sa mga tricycle drivers na nakapila.
Napigilan si Bam ng mga ilang tao doon, habang ang jeepney driver naman ay sinugod siya. Itinulak siya. Natumba si Bam. Tapos binugbog siya. Hinampas siya ng tubo habang nakahiga. Sumasalag si Bam pero hindi siya makapalag. Kawawang kawawa.
“Ate Chelsea gising na! Hindi ba tayo magmemeryenda?”
Oops. Panaginip lang pala.
Chelsea’s Point Of View (POV):
Nakatulog ako sa sofa. Tulo laway pa nga ko e. Si Chi-chi ang gumising sa akin, ang aking nakababatang kapatid. Babae. Edad 14. Naghahanap na siya ng meryenda.
“Anong oras na ba?” tanong ko.
“Alas dos na,” sabi ni Chichi.
“Alas dos pa lang naghahanap ka na ng meryenda? Kakakain lang natin ng tanghalian ha!”
“E gutom na ko ulit e.”
Dalawa lang kami na magkapatid ni Chi-chi. Rachelle ang totoong pangalan niya. Highschool. May pagkakulit at komedyante. At higit sa lahat crush siya ng bayan. Manang mana sa ate.
Madalas dalawa lang din kami dito sa bahay. Kaya madalas ate-duties ako.
Ang aking ama ay umuuwi mga 3 to 4 times a week. Isa siyang arkitekto, kaya pag busy siya sa project niya ay hindi siya nakakauwi. Pero feeling ko may inuuwian din siyang iba.
Kaya yung sinabi ko na dalawa lang kaming magkapatid ni Chichi. . . ay hindi ko pala sigurado. Gwapo kasi ang aking tatay at malakas ang feeling ko na may anak siya sa iba.
Si Mama naman ay nurse sa Saudi. Kaso minsan lang namin siya makausap sa chat. May kinakasama na rin siyang iba dun. Busy din. Kasi hiwalay sila ng aking tatay mga 5 years ago, pero kasal sila.
Sabi nila bagay daw ang arkitect at nurse. Parang si Angel Locsin at Xian Lim sa movie nila ni Vilma Santos. Madami rin akong kilala na mag-asawa na ganun ang combo at masaya. Pero ewan ko lang between sa magulang ko.
Ang lugar naming ay ok naman din. Kahit dalawang babae lang kami madalas na nasa bahay ay safe naman, kasi nasa isang compound kami na puro magkakamag-anak. Kasama namin sa compound ang aking lola (nanay ng tatay ko), tito at tita at mga pinsan ko, na kadalasan puro babae.
“Hoy ate! Ba't ba tulala ka? Pa-meryenda ka na!”, sabi ni Chichi.
Haha napansin ng aking kapatid na ako ay tulala.
Kasi naman, sa dami dami kong mapapanaginipan ay si Bam pa – na nabugbog. Bwisit.
In reality, nagalit nga ang jeepney driver pero hindi naman siya hinabol at binugbog. Tinakot lang. Then nung sumakay ulit sa jeep ang driver, ang sabi niya:
“Kasama mo ba yung hindi nagbayad na yun?”
Hindi ako nakasagot agad. Ang ginawa ko na lang is ibinayad ko na lang si Bam.
Ang naisip ko ay ibiniyad ko na nga siya tapos mapapanaginipan ko pa siya? Langya. Hindi naman siya yung type ko pero ok naman siya sa akin just by being himself at hindi nagpapa-impress. Ayoko rin naman sabihin na may itsura siya dahil — aso nga may itsura rin diba?
Or, pwede rin napanaginipan ko si Bam na binubugbog kasi part of me is gusto ko rin mabugbog siya. Haha.
“Ate meryenda na tayo! Hindi ka pa nagpapalit ng damit. Naka-maong ka pa rin.”
Napikon na ko sa kapatid kong babae, “Ang kulit mo ha! Bahala ka diyan!!”
“Bahala ka diyan!!!!!!!” – BAM sumisigaw sa kakampi habang nagDodota.
Hey, ako na 'to folks, si Bam. . . Nag intercut na.
BAM’s POV:
Hi fans! Andito ako sa computer shop na tambayan na rin namin. Guess what? Ito nakatambay na nga kami. 8:30 na ng gabi, pero nag-umpisa na kami maglaro ng mga 7pm.
Kahit wala pa si manager ay nag-instruct siya sa amin na maglaro na. Darating daw si manager ng mga 9pm. Sagot niya na daw kaming limang magbabarkada basta magpraktis na daw kami. May kasama siya na ibang team, dadayo, 5 on 5. Pustahan daw. Yes, gusto ko yan, at inspired pa naman ako ngayon!
Iniisip ko yung mga kalaban ko is yung mga bagay na kingagalitan ko. May #whogoat. Sa ngayon iisipin ko na ang mga kalaban ko ay sila prof ko na hinayupak, ang kumuha ng bag ko kahit hindi ko siya nakita, at ang jeepney driver. Tapos ililigtas ko kunwari si Chelsea sa mga masasamang kamay nila.
Teka teka, ako na nga nalibre ng jeepney driver e naging kontrabida pa siya?
Naalala ko kasi siya na may hawak pa naman na tubo. Kala ko i-babatoussai niya ko. Pag ganun ang nangyari, wala na, finish na. Kaya tinakbuhan ko siya kanina.
Pero kahit ganun pa man, ang sobrang kamalasan ko kanina ay nabura na nung nakita at nakausap ko yung maganda kong classmate na si Chelsea.
Naalala ko nakuha ko pala yung number niya. May dahilan pa naman ako na itext siya. Style. Itatanong ko kung anong room namin bukas dahil kasama rin nawala yung Certificate of Registration ko. Nandoon din kasi nakasulat ang schedule ko.
“0-9-2-5-7. .. 7 . . “ Oh no! Hindi ko maalala!
Ahhhh. Ano ba kasi yun?
Nakakahiya talaga yung nangyari kanina. Nag 1-2-3 ako sa jeep sa harapan pa ni Chelsea. San kaya siya bumaba?
Ahhhh! Alam ko na. Naalala ko sinabi niya yung address niya!
24-A St. Joseph Street, Project 8, Quezon City.
Tinanong ko ang katabi ko na si kaibigang Tata, “tol alam mo yung St. Joseph Street?”
“Oo lam ko yun. Yung kanto malapit kala Kevin. St. Joseph yun. Sa may vulcanizing shop.”
Ayos! Alam ko yung lugar na yun.
Naisip ko “kung puntahan ko kaya si Chelsea? Hihihi. [kilig] Kailangan e.” [weh?]
Sabi ko, “Ok Ta. Tata-lino ka talaga! Salamat!” [sarcastic mode].
Sarcastic baka pinagtitripan lang kasi ako ni Tata.
Kaya i-goo-google map ko para sigurado.
Uyy meron nga. St. Joseph Street. Ok. Street view natin para makita ko kung saan yung 24.
Habang binabrowse ko ang mga bahay, napansin ako ni Tata na tumingin sa aking monitor.
“Hinahanap mo diyan?”, sabi ni Tata.
Sabi ko, “24-A St. Joseph Street, Project 8 Quezon City.”
Kumunot ang noo ni Tata, “24-A St. Joseph Street? Parang narinig ko na yun.”
Minsan ayokong kausap itong si Tata kasi minsan bumabatak ito ng marijuana. Baka sabog nanaman. Baka nakabatak nanaman ngayon at nasa langit na.
Kaya tumayo ako at nilapitan ko ang bantay ng shop na si Gimard. Tropa rin. Sabi ko “Mard, paheram nga ng motor mo.”
Si Gimard ay nasa edad 45 na. Pero tropa tropa pa rin namin. Louie ang totoong pangalan niya. Kaya naging Gimard ang tawag sa kanya kasi nung late 90’s may tumawag na lang daw sa kanya na Gimard. Kasi “Gimard” daw ang ugali niya. Hindi alam ng lahat kung saan hango yun. Basta ang alam naming ay may pagkaharot itong si Gimard, siraulo, malakas mang-trip hanggang ngayon — pero mabait sa tropa.
“Ito”. Inabot na ni Gimard ang susi ng Mio 125 motor niya na wala ng tanong tanong kung saan ako pupunta.
Umalis na agad ako sa computer shop. Saglit lang biyahe dun. Mga 5 minutes. Gustong gusto ko pa naman ang nagmomotor. Tapos puntahan ko na rin si Kevin pagkatapos para kamustahin.
Pero yun ay kung hindi ako gabihin na ng masyado.
Naiimagine ko na magkekwentuhan pa kami ni Chelsea ng matagal. Nakaupo kami sa may sidewalk at titingin sa mga stars. Tapos may dadaan na falling meteor. (Ano ba sa tagalog nun?) Bulalakaw! Tapos magwiwish ako.
Ang wish ko sana magka 10 million pesos ako. Siyempre pera pera muna. Akala niyo siguro na i-wiwish ko na “sana magkatuluyan kami forever ni Chelsea noh?”
Nah. May forever ba?
Naisip ko yung 10 million kasi wala pala akong pera ngayon. Sayang kung may pera ako ngayon ay i-dadate ko sana siya sa Mcdo. Siyempre Mcdo muna parang highschool life pa rin.
Sayang kung may pera lang talaga ako kung saan saan kami pwede pumunta. Naka-Mio pa naman ako. Angkas ko siya. Ako si James Reid at siya si Nadine Lustre.
<Sponsored by Yamaha MIO 125. Subliminal advertising 'to kaya bayaran nyo 'ko!! Haha joke!>
Ito na nasa kanto na ko ng St. Joseph Street. Tahimik ang lugar. 24-A, 24-A. . . hinahanap ko ang 24-A.
Natagpuan ko na! Nasa #24 na ko. Bukas ang malaking gate. Sumilip ako sa loob. Isang compound pala. Madami dami ang bahay, may tatlong nakaparadang bagong modelong sasakyan at animo’y walang tao.
At higit sa lahat: walang aso. Kaya pumasok na ko.
Nakita ko na agad ang bahay na 24-A, sa tabi lang ito ng gate.
Kinakabahan ako. Pero dapat go lang ng go.
“Taupo! Taupo!”
Agad lumabas ang isang lalake na nasa edad bandang 50. Naka smart casual pa. Mukhang big time at gwapo.
“Ano yun?” ang sabi niya.
“Ahhhh.. Andiyan po ba si Chelsea?”
“Chelsea? Walang Chelsea dito!!”
Naisip ko baka niloloko lang ako nito ni sir. Nang-ba-bluff lang. Malamang tatay siya ni Chelsea . Gwapo e at dun nagmana si Chelsea. At itong tatay niya ay hinaharangan niya ang mga bumibisita sa anak niya.
Kaya sinabi ko, “May isasahuli lang po kasi ako na gamit na nawala niya.”
Ganun ang mga style. Kahit nagsinungling na ko. Persistence dapat.
Nagalit na si sir, “ang kulit mong bata ka ha! Wala ngang Chelsea dito!”
Hala nagalit. Kinakabahan na ko.
“San mo ba nakuha na may Chelsea dito na nakatira 24-A?”, tanong nung lakake.
“E yun po ang sabi ni Chelsea.”
“Naku. Alam mo, ang daming pumupunta dito na kung sino sino na lang hinahanap! Chelsea, Angelica. . . nung isang araw JM naman.”
“Sige po alis na po ko. Salamat!”
Inenterrupt ako ng lalake: “Alam mo kung bakit madaming katulad mo ang may hinahanap dito?”
“Bakit po?” Sabi ko.
“Hindi ba dahil sa movie yung dahilan mo? May movie si Angelica Panganiban na binanggit ang address na ‘to!!”
Excerpt from the movie "A Thing Called Tadhana" (c)Star Cinema
No shit! Naloko na!
Itutuloy.
For previous posts:
Part 1: https://steemit.com/tagalogtrail/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy
Part 2: https://steemit.com/tagalogtrail/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy-episode-1-part-2
Part 3: https://steemit.com/ulog/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy-episode-1-part-3-final-part
Maraming Salamat kay @chinitacharmer, @romeskie, @beyonddisability, @jemzem, sir @surpassinggoogle, @tagalogtrail at lalong lalo na kay [insert your name] sa pagsuporta!
Ang sakit sa bangs nito si Bam! Hahaha. Paano niya na ngayon hahanapin ang room niya? At grabehan din itong si Chelsea ha. Hahaha.
Ang tagal ng Monday! Excited na ako sa mga misadventures ni Bam. At Chelsea?
sumali ka sa ami nsa tagalogserye tropang BAm haha
See your post featured here by @johnpd on Monday Short Stories & Poetry, a community curation initiative by @SteemPh.
If you would like to support the Steemit Philippines community, please follow @SteemPh.Trail on SteemAuto
Congratulations @rigormortiz! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard: