Ano ang kahulugan?

in #tagalogtrail7 years ago

Sa aking diwa ako ay napamulaga
Idinilat ko ang aking mga mata
Ngunit ang talukap ay kaybigat
Aking mga mata"y hirap akong idilat

Ako ay nakiramdam akin naulinigan
Sa aking pandinig aking naririnig
Mga taong pamilyar sa akin
Tila ako ang tinatalakay

Ako ay nagpupumilit At unti unti ko idinilat
Aking mga mata na unti untj ng bumuka
Akin paningin akin ay nilibot
At pinagmasdan taong nakapaligid

Hinapuhap agad ng aking tingin
Isang taong masyadong malapit sakin
Malapit sa puso't isipan na aking mahal
Ngunit bakit siya ay wala sa aking tabi

Ibinuka ko ang aking bibig
Ngunit tila walang tinig
Sa aking isip bakit walang mabigkas
Mga katanungan na aking kataga

Doon ko lang napagtanto
Silid na aking kinasasadlakan
Ito pala ay isang pagamutan
Ako ba ay may malubhang karamdaman?

At sa d mawaring kadahilanan
Aking dibdib ay sumisikip
Habol aking hininga na aking ipinagtataka
Na tila narito na ako ay magpapaalam na

Sa huling sandali aking diway nawaglit
Bumalik mga dating alaala mo aking naisip
Mga pangako na tayo sa bandang huli
Ngunit bakit wala ka sa aking tabi

Sa pagkakataong ito ako ay naalimpungatan
Ito pala ay masamang panaginip lamang
Akala ko lahat ng ito ay totoo na
Bumangon ako na may luha ang mata

Sort:  

Ang ganda @tarsivy... 💪🏻

Salamat levi...

Bumagay po ang mga tugma at matalinghagang mga salita sa inyong tula ginoong @tarsivy

Mahusay po ang inyong akda.

Maraming salamat ginoong toto...
Pero hindi pa din mawaksi sa aking isipan...
Ang masamang panaginip...
Na nangyari lamang kagabi...

Mahusay!👏

Mas mahusay ka manong @oscargabot

Lalim ng mga tagalog mo tars! Idol! Maganda ang tulang ginawa, hindi ang panaginip!😁

On the spot ko ginawa yan...sa harap ng family and friends...sabi ko kc nanaginip aq masama kagabi...kea mali mali pa type words sa cp..tapos pinabasa ko sa kanila nung pinost ko...

Nahilig lang manong nagbasa ng el fili noli me at florante at laura ng highschool...kaso early 90s pa un 😂😂😂 buti dko pa limot

Haha magaling nga eh! Maganda pagkakasulat