Ang mga pangalan at tao sa istoryang ito ay likha lamang ng aking kathang isip... walang pagkakahalintulad sa sinuman na nabubuhay at namatay... Ang kuwentong ito ay hindi maaaring kopyahin sa anumang paraan, nang walang ipinahahayag na pahintulot ng may-akda sa pamamagitan ng anumang paraan na pag gamit. ©TarsivY
Geffenia...isang maliit na bayan na kung saan ako ay isinilang ng aking magulang...nasa gitna ito ng isang malawak na kagubatan...napaka simple lamang ng pamumuhay ng mga tao...mangangaso at pagtatanim ang ikinabubuhay ng mga tao dito...at kada buwan ay may dumadating na dayo na nagdadala ng mga kalakal upang makipagpalitan...at ang namumuno sa aming lugar ay ang matandang Mage na si Athros...sya rin ang pumoprotekta sa aming bayan sa mga masasamang nilalang at tao...at siya din ang Guro ng mga kabataan para sa kaalaman...at natatandaan ko pa ang sinabi nya sa aking magulang na ako ay isang napaka espesyal na bata at dadating ang araw na ako ay may gagampanang malaking katungkulan... Sa aming bahay mga dakong hapon...”inay lalabas na po ako at makikipaglaro sa aking mga kaibigan” paalam ko sa aking ina...”o sige mag iingat ka anak at wag papaabot ng takip silim at huwag na huwag kayong dadako sa parte ng kagubatan” bilin ng aking ina...paglabas ko sa aming pintuan ay may nakita ako na iinaayos na bahay malapit lamang sa amin...at may isang pamilya na na nakatalikod na tila pinapanood ang pag aayos ng bahay...tinanong ko ang aking ina kung cno ang mga tao doon sa dating tirahan ng yumaong matanda na mangangalakal sa aming lugar...”Anak sya ng matandang dating nakatira diyan...isa rin siyang mangangalakal at diyan na sila maninirahan ng kaniyang pamilya” sagot ng aking ina...”aalis na po ako inay” muli kong sabi...at ang aking tatahaking daan ay daraanan ang ginagawang bahay na iyon...at ng malapit na ako ay eksatong lumingon ang batang babae sa kanyang ama at kinakausap ito...para akong nakakita ng anghel ng mga oras na iyon...maganda at maamong mukha ang taglay niya...nakasuot siya ng mamahaling damit at me hawak na manika...at wala sa sarili na lumapit ako sa kanila at “magandang hapon po sa inyo...pwede ko po ba maimbitahan ang inyong anak na maglaro sa hindi kalayuan” sabay kamot ko sa aking ulo at ngumiti ng wagas...ahahaha ano ba itong nagawa ko...at biglang nagsalita ang ama na “hinde maari...dahil kami ay magpapahinga na at galing pa kami sa isang mahabang paglalakbay” at ang batang babae ay natatawa din sa pangyayari at nagsalita “ama, ina gusto kong makita ang kapaligiran...maari po ba akong sumama?” at sa puntong iyon ay biglang kumabog ang puso ko...bumubusilak sa kaligayahan...”ipagpabukas mo na lamang anak at magpahinga kana din” muling sabi ng kaniyang ama...haaay napabuntong hininga ako...sayang naman...”hayaan mo na ang anak natin na makapamasyal at makilala ang ibang bata...maliit na bayan lamang ito at hinde sila mawawala” singit ng kaniyang ina...at biglang ngumiti ng pagkatamis ang batang babae...na nagpahanga lalo sakin dahil sa lalong gumanda ito sa paningin ko...at mabilis ko namang sinabi na “ako nga po pala si hephaestus nakatira lamang po ako malapit dito...” sabay turo sa aming munting tahanan...”o sya madali lang kayo ha at ihatid mo din ang anak ko dito at iingatan” sabi ng ama at sinagot ko naman ng “makakaasa po kayo at maraming salamat po sa pagtitiwala” at lumapit na nga sa tabi ko ang batang babae at naglakad na kami ng sabay papalayo sa kanilang tirahan...at yung lakas ng loob ko na magsalita sa harapan nila kanina ay kabaligtaran naman ngayon na hindi ako makapagsalita...”Ako nga pala si Zhelle” basag nya sa aking katahimikan...”a-a-ako nga pala ulit si He-hephaestus nakatira malapit sa inyong bagong tirahan...”nauutal kong sagot at ang lakas ng kabog ng aking dibdib at ang bilis ng tibok ng aking puso...at nag kwento na sya ng kanilang lugar na pinanggalingan at tila ako naman ay lumilipad sa alapaap dahil ako ay nakatingin lamang sa maamo at maganda nyang mukha habang kami ay naglalakad...”sabi ko saan tayo pupunta?”sabi nya...at sa gulat ko ang nasabi ko ay “ang ganda ganda mo” at nakita ko bigla na biglang namula ang kanyang mukha...at sakto naman na nasa tapat kami ng bahay ng mage na si Athros at akin agad siyang niyaya na pumunta roon at sinabi sa kanya na doon kami magaaral dahil nagiisa lang siya na nagtuturo sa aming lugar...laking gulat ko ng hawakan nya ang aking kamay at hilahin papunta doon...napakalambot at makinis ang kanyang palad...at pagpasok namin sa bakuran ay aming naabutan ang isang batang babae na tumutulong maglinis at mag ayos ng lugar kung saan kami ay tinuturuan...”Hephaestus ano ang nagdala sa iyong mga paa at ikaw ay naparito? tutulong ka din ba sa pagaayos?” sabi ng aming guro na si Athros...”Guro inililibot ko lang po ang aking bagong kaibigan na nakatira malapit sa amin...siya nga po pala si Zhelle” pagpapakilala ko at lumapit sa amin ang matandang guro at pinatanong ang kamay sa aking ulo at ganun din ang ginawa kay Zhelle...at bigla siya napapikit at sinabi sa akin na “Hephaestus iingatan mo ang kasama mo...kayong dalawa ay may taglay na malakas na puwersa na higit kanino man” at lumapit din sa amin ang isa pang kababata ko na babae at nagsalita “kumusta ka Zhelle ako nga pala si Amarith” at naisip ko bigla na yayain ko din si Amarith na sumama samin dahil hindi ako masyadong makapagsalita dahil nahihiya ako kay Zhelle...at dun nag simula ang samahan naming tatlo... Makalipas ang ilang taon..at isang gabi ay may malaking kaganapan sa aming bayan...ang halos lahat ay nasa plaza para sa isang malaking kasiyahan dahil sa pagluklok ng bagong pinuno sa aming bayan...at habang ako ay nanonood ng mga sumasayaw ay biglang may bumulong sa aking tenga”halika at tayo’y mamasyal” ang sabi ng pamilyar na boses na iyon...at paglingon ko ay laking gulat ko dahil ang lapit ng mukha ni Zhelle sa mukha ko at bigla aq namula...at sa kung saan ay biglang may humila sa aking damit at sabing “tara na...”si Amarith nasa akin likuran pala...at aking tinanong kung saan kami pupunta sabay senyas ni Zhelle na wag akong maingay at sumama na lamang...at kami ay pumunta sa malapit na ilog at nahiga sa damuhan malapit doon...at inilabas ni Zhelle ang isang bote ng alak...sabi ko paano ka nakakuha at saan galing ang alak na yan...at kinwento nga nila na nagtulong silang dalawa para makakuha ng isang bote ng alak na iyon...at habang kami ay umiinom ng alak at nakahiga sa damuhan ay nakatingin lamang kami sa napakagandang kalangitan na may napakaraming bituin at malamig na simoy ng hangin...at pinaguusapan naming tatlo kung ano ang mga plano namin sa darating na panahon...at sinabi ni Amarith na gusto nya umalis sa aming lugar at subukan ang kapalaran sa kapitolyo ng bansa namin...at sinabi naman ni Zhelle na gusto din ng magulang nya na sila ay lumipat na din sa kapitolyo na syang naging dahilan para malungkot ako ng gabing iyon...at tinanong nila kung ano ang aking plano...at simpleng sinagot ko lamang na gusto manatili sa aming bayan at maglingkod sa mga tao pagdating ng panahon...at sa pagkakataong iyon ay tumayo sa pagkakahiga si Amarith at sinabing “maiwan ko muna kayong dalawa dyan...alam ko na kailangan nyo magusap dalawa...dba Zhelle?” at tumungo na ito papunta doon sa ilog... at dun nagumpisa magsalita si Zhelle “Malapit na kaming umalis at lumipat sa capital...” at sa narinig ko na iyon ay tuluyan na akong nalungkot...at sa pagkakataong iyon at tumagilid ako sa pagkakahiga at humarap sa kanya...at siya pala ay nakaharap sakin at nakatitig...at sa pagkakataong iyon ay kusang lumabas sa aking bibig ang mga salitang “Mahal kita Zhelle...simula palang ng unang araw na ikaw ay nakita ko...” at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagdaloy ng luha...kahit ang tanging liwanag lamang ay ang buwan...at sinabi nya na “bakit ngayon mo lang sinabi yan...bakit hindi pa noon...ngayon pa kung kelan kami ay lilisan na...” at dugtong pa nya na “sa unang araw pa lamang tayo nagkakilala ay naging palagay na agad ang loob ko sayo, malakas ang loob mo at masaya kang kasama...sayo lamang ako naging ganito kasaya..nasanay ako na lagi mong pinagbibigyan ang gusto ko...ginagawa mo ang lahat para sa akin at higit sa lahat kung paano mo ako alagaan...kaya hindi malayong mahulog ang loob ko din sayo” at doon ko na hinaplos ang maamo nyang mukha...at unti unti ko inilapit ang aking mukha para gawaran sya ng isang halik sa labi...at habang nakamulat ako nakita ko unti unting pumikit ang kanyang mga mata...at pagdikit ng aming mga labi ay kusang humawak ang dalawa nyang kamay sa likod ng aking ulo...at kasunod niyon ay pagkabog ng malakas ng aking dibdib...hinde dahil sa halik na iyon...kakaibang pakiramdam...at bigla kami nakarinig ng malakas na sigaw! nagmula kung nasaan si Amarith tumungo....dali dali ako humangos papunta roon...at naabutan ko na si Amarith ay nakaupo sa lupa sa tabing ilog at may tatlong nakakatakot na nilalang na papalapit sa kanya...dali daling naghanap ako na pwede ko gamitin para tulungan sya...at me nadampot naman ako kahoy at pagharap ko ay nakita ko si Zhelle nasa tabi na ni Amarith at at tinutulungan itong makatayo...agad akong tumakbo papalapit sa kanila at ang isang nilalang sa tatlong iyon ay tumalon papunta sa kanila para atakihin..agad kong binangga ang tumalon na iyon at tumalsik sa ilog...ang mga nilalang na ito...ay may katawan ng isang tao at may kaliskis sa buong kaanyuhan at ang ulo ay tila isang isda na may maraming pangil...agad kong hinarap ang dalawa pa...at nasalikod ko lamang ang dalawang babae...agad sumugod ang isa na akmang kakagatin ako at isinangga ko ang kahoy sa bunganga nito...at biglang kinagat ang kahoy at nawasak ito...sumigaw na ako sa dalawa na tumakbo na sila at humingi tulong kay guro na si Athros...at kasunod niyon ang pagtama ng kamay ng nilalang sa aking dibdib na dahilan para bumagsak ako...malakas iyon at nanikip ang aking dibdib...kasunod niyon ay nakita ko na lamang ang isa pang nilalang na nasa harap ko na at inapakan ang aking dibdib...at doon na nga may lumabas na dugo sa aking bibig...at biglang may tumama na bato sa nilalang na umapak sa aking dibdib...at nakita ko sa di kalayuan si Zhelle na umiiyak...tila binato nya ang nilalang at tutungo ito papunta sa kanya...at sa isang iglap ay sinakal siya nito...at narinig ko ang isang nilalang na sinabing “wag mo sya sasaktan...isang birhen na babae ang ating kailangan...at sinuntok nito sa tiyan si Zhelle na ikinawala ng malay nito at binuhat sa balikat at lilisan na...kahit hirap ako ay pinilit ko pa din tumayo at sinugod ang tatlong nilalang na palayo...ngunit bigla humarap sa akin ang tatlo at sinalubong ako ng igkas ng kamao nito at bumagsak ako..”Zhelle” ang nabigkas ko at muli akong tumayo...”matigas ang isang ito” sabi ng isang nilalang...at yun isa ay inihagis sa tabi ang buhat nya na si Zhelle at hinarap ako ng tatlo at narinig ko sinabi na “gusto na mamatay ng isang ito” “pagbibigyan ka namin” at sabay sabay sumugod ang tatlo at sunod sunod na atake ang inabot ko...nanlalabo na ang aking paningin at ito na ata ang aking katapusan...at akin muling sinulyapan ang mahal ko na si Zhelle na nakahandusay sa di kalayuan...”Paalam aking Mahal na Zhelle” ang huling nabigkas ko...at kasunod noon ay ang pagliwanag ng paningin ko na tila puro liwanag lang ang buong paligid...at tila may sumabog na pagkalakas...at nakita ko na lamang na nakahandusay na ang tatlo kasama pati ako...at nakita ko si Zhelle na kalong ako at umiiyak ito...ang maganda nyang mukha ay puno ng luha...at sinabi ko na “mahal na mahal kita Zhelle dko kaya ang mawala ka” nanlalabo na talaga ang aking paningin..inaantok na ako at ipinikit ko ang akin mata... Sa kasalukuyan: Nanumbalik sa akin ang lahat ng alaala ng nakaraan na iyon...at bigla ko niyakap si Zhelle na umiiyak na...at akin siyang tinanong ano ang nangyari pagkatapos niyon at bakit wala akong maalala...at doon nya kinuwento sa akin ang lahat...buong akala nya ako ay namatay na dahil huminto ang tibok ng puso ko...at kitang kita din nya na nagliwanag ang aking dalawang mata at may lumabas na malakas na pwersa ng liwanag sa buong katawan ko na naging dahilan ng pagkamatay ng tatlong nilalang...nang dumating ang aming Guro na si Arthos ay kinuha ako at dinala sa kanyang bahay at mula noon ay hindi na ito umalis sa tabi ng walang buhay na katawan ko...at dahil din sa pangyayaring iyon ay inilayo na sya ng kanyang magulang at agad sila lumisan sa aming bayan na iyon...at ayon naman sa aming kaibigan na si Amarith ginamot ka ng ating guro at pagkaraan ng isang araw ikaw ay nabuhay muli ngunit walang matandaan sa kahit ano mang pangyayari...marahil ay naging epekto ng lason ng nilalang na iyon dahil sa mga kagat na tinamo ko...na ang epekto ay pinababagal at pinahihinto ang tibok ng puso ng isang tao...at sinabi nya “dahil din sa pangyayaring iyon ay nilihim sa akin ng magulang ko na ikaw ay nabuhay...at muli ko lamang nalaman ng magkita kami ni Amarith ilang taon na ang nakalipas pero huli na ang lahat dahil ako ay pumasok na kumbento...at nang ikaw ay aming nakasalubong sa paglalakbay ay matinding kirot sa aking puso na makita ka na hindi mo lamang ako naalala...at nung mga nakalipas na mga araw ng malaman ko na may isang pari na ipapadala ng hari at kailangan ng suporta namin at nang sabihin ang pangalan ako ay nag prisinta agad...dahil sa ikalawang pagkakataon dko hahayaang mawala ka ulit sa akin...minsan mo nang iniligtas ang buhay ko...ngayon ako naman ang magliligtas sa iyo sa kapahamakan”...at doon na tumulo ang aking luha...
To be continue...
nagnonosebleed na ako sa tagalog mo :( .. mag aaral uli
turuan kita gusto mo? ahahahaha