Sana, salitang paulit-ulit kong inaalala
Salitang namutawi sa aking ala-ala
Salitang sana na gusto ko nang wakasan
Salitang nais ko nang lubusang kalimutan
Tanda mo pa ba nang magtago ang ating mata?
Takbo nang puso ko noon ay kakaiba.
Hindi maipaliwanag kung ano 'yung nadarama.
Basta ang alam ko lang, nakaramdam ako ng saya
Nagdaan ang mga araw
Takbo ng puso'y lalong humataw.
'Yung dating paghanga ko
Ngayon, naging pag-asa na sayo
Madalas mo akong pakitaan ng kung ano
Kaya naman hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit ganito
Hindi ko masisi ang sarili ko
Kung bakit ngayon ay hulog na ako sayo
Ngunit pag-asa ko'y biglang nagiba
Matayog kong nararamdama'y biglang nasira
Nang malaman kung ano ang iyong nararamdaman
Na ako'y isa mo palang matalik na kaibigan
Walang araw na hindi ko hiniling
Na sana'y ikaw ay nagsisinungaling
Na sana'y may nararamdaman ka para sa akin
Na sana'y ikaw ay may pagtingin din
Hiniling ko na sana hindi nalang
Na sana biro lang
Pero kahit anong gawin kong pagtanggi
Patuloy ko pa rin itong naiwawaksi
Ngayon, naintindihan at nauunawaan ko na
Ngayon, ako'y natauhan na
Nagising na sa katotohanang kahit anong gawin ko
Kaibigan pa rin ako sa mga mata mo
Nais ko nang magising
Sa nararamdaman kong nakalalasing
Nais ko nang limutin
Itong nararamdaman kong kahirap pasanin
Sana hindi nalang nagtagpo ang ating mga landas
Sana hindi nalang kita pinagaksayahan ng oras
Sana hinayaan nalang kitang lumampas
Sana una palang agad na akong umiwas
Pero ngayon alam kong huli na
Alam kong kahit anong gawin ko, balewala
Pero hindi mo pa rin maiaalis sa aking isipan
Na isang araw, nagkaroon ka ng kaibigan na malalim ang nararamdaman
Hindi ko maalis sa aking isip ang salitang sana
Na sana kahit minsan hindi mo lang ako naging kaibigan
Na sana kahit papaano ay naramdaman mong nandito ako
Na sana nahulog ka rin sa patibong ni kupido
A simple and nice poetry @recheleecious good job.
Isang lang masasabi ko
"SANA" I vote natin as a witness
THANKS.
Do you have a translation for this? I imagine that words are beautiful.