Isang gabi ako’y nanaginip.
Napanaginipan ko
Na ako ay naglalakad
Sa dalampasigan
Kasama si Lord
Biglang bumalik
Sa aking alaala
Ang mga nakaraan.
Napansin ko
Sa aking likuran
Ay may dalawang bakas
Nang paang naglalakad:
Sa kaliwa ay sa akin,
At ang isa ay kay Jesus.
Ngunit ng papalapit na
Sa akin ang bakas
Ay nagtaka ako
Napansin ko
Na kung kelan ako’y gulong-gulo
At mabibigat ang aking mga suliranin,
Doon pa nag-iisa lang ang bakas ng naglalakad.
Tinanong ko tuloy si Jesus,
“Sabi mo
sasamahan Mo ako
kapag tinanggap kita?”
“Bakit parang
ako lamang
ang naglalakad
sa panahong
ako’y may kabigatan?”
Sumagot si Lord,
“Pinakamamahal kong anak,
Hindi kita pinabayaan
Sa panahon ng sakit at hirap,
Sa panahong tila isa lamang
Ang bakas ng naglalakad;
Yoon ang panahong
Binubuhat kita.”
Thank you for dropping by!
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him athttps://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.