Nasa ikataas taasang bahagi ako ng gusaling aking tinitirhan. Ang paglubog ni Haring araw na nagbibigay ng magandang anyo at kulay sa buong paligid ay taimtim kong pinagmasdan at sadya nga namang kaakit-akit, na animo'y walang itinatagong bahid ng hindi magandang kalakaran sa kung saan ko siya napagmamasdan. Tahimik kong tinatanaw, ngunit sa malapitan at kayang abutin ng aking mga kamay ay punung-puno ng pighati at mga gawaing karumaldumal.
Kung maaari lang ay dito na lang ako manirahan sa tuktok na kung saan ay yun na lang ang tanging lugar na pwede mo syang pagmasdan ng walang kaba at pag-aalinlangan.
Nilanghap ko ang hangin na nagmumula rito sa itaas. Ngunit napuna kong wala ng kahit ano pang bakas ng nakalipas. Bigla akong nanamlay ng naramdaman kong nag-iba na nga ang panahon na kung saan ay hindi na tulad noon. Noon ay napakasariwa nya, na pagnalanghap mo'y nakakapanggising ng diwa. Bigla akong napayuko, nalungkot, at nanlumo. Nag-iba na talaga ng tuluyan ang mundo pati na ang mga nakatira rito.
May mga taong balahura
at kung saan saan nalang nagtatapon ng basura. Ang iba'y nangangamkam ng mga bagay na hindi sa kanila at animo'y walang masamang ginagawa. May mga ibang umaastang mabait, at ang pakiramdam nya sa sarili'y walang ginagawang mali, nagsisimba linggu-linggo ngunit pag-nakauwi sa bahay ay nagmumura at sumisigaw na para bang hindi mapigilan ng kahit na sino. At sa banda roon ay may isang taong malikot ang kamay, na sa loob ng sasakyan nandurukot at paminsan ay nanghahalay. At ang mga taong akala mo'y poprotekta sayo, ngunit sa kabila pala ng lahat ay siya pa ang magtatapos at kikitil ng buhay mo. Nandyan namn ang binibining naglalakad lang sa tabi ng biglang hahablutin ang gamit nya na sa mahabang panahon ay pinag ipunan at pinagtrabahoan ng matindi. At sa balita na ma'y bigla na lang bibida na isang ama na ang sarili nyang anak mismo ang ginahasa.
Nakakalungkot na wala akong magawa at marahil ay isa lang din akong ordinaryong taong katulad nila, nagagalit, nagkakasala at nanghuhusga at dahil sa pag-iisip na ako lang ang nakakapuna at malamang sa iba'y wala ng halaga kung ano man ang nararanasan nila, hahayaan na lang tutal nandyan na.
Ganito na ba talaga ngayon ang mundo? Na kung saan ay sa malayo at s itaas mo nalang matatamo ang katahimikan at walang kahit ano mang gulo ngunit pag apak mo sa baba ay iba mararamdaman mo.
Maigi nga siguro na dito ko na lang siya pagmasdan na kung saan ay malayo at hindi makaranas ng mapanghusga at mga taong mapanlinlang. Ngunit wala akong magawa kung hindi harapin ang hamon ng buhay at nagdarasal na ang katahimikan at pagmamahalan ang magtagumpay.
Kung hindi man ngayon para makamtan ang kaayusang aking hinahangad, sana pagdating ng panahon na handa na ang lahat pero sana nga'y hindi pa huli ng lahat para sa ganun ay makamtan naman ng susunod na henerasyon ang matitirang mga alaala ng kahapon.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Ganito din ba kaya ang napagmamasdan at nakikita ng Dyos natin? Nagkaron ako ng kaisipang siguro'y pareho kami ng nararamdaman, naghihinagpis, umiiyak at nasasaktan. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa Kanya sa kung ano man ang kanyang nakikita sa lugar na kung saan ay isa ako sa nakatira. Kung may pagkakataon lang sana akong makausap siya at humingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan at pagkukulang ng bawat isa, tatanggapin ko ng buo kung ako man ang syang papatawan ng parusa.
thanks for posting steemitdavao tags,
Upvoted and resteem your post
From your steemitdavao family
Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase
https://
3. Type
re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness
Ang galing naman ng sexy friend ko! mapa English-Tagalog superb!
:) first pic is very pretty..