Travel Blog #2 - A visit in St. Padre Pio National Shrine

in #travelime7 years ago (edited)

Another great morning. Sumisikat na ang araw, this means another adventure! Ayan na! Nakabihid na kaya gora na!

IMG_20170902_142314.jpg

To Sto. Tomas Batangas ang pupuntahan ngayon, sa St. Padre Pio National Shrine. Nang makarating sa lugar, di na problema ang parking bes! Anlawak ng parking area kaya naman napaka- convenient talaga. Habang naglalakad, napakasarap makapaglibot sa paligid. Napakaganda ng ambience. Himig ng nga ibon at simoy ng hangin. Napapaligiran ng mga puno ang paligid, kaya napakasariwa ng hangin, ansarap talaga libutin. Marami ding nagtitinda ng mga souvenirs, bilang remembrance o ala ala ng araw na bumisita sa lugar. Ang ganda ng mga structures bes! Sa tapat ng shrine, mayroong statue si St. Padre Pio, maraming tao ang nagpapapicture dito, napakaganda ng loob ng shrine. Napakalaki at napakasariwa din ng simoy ng hangin.

IMG_20170902_142241.jpg

Sa bandang kanan ng lugar na St. Padre Pio National Shrine, mayroon namang water well, ang ganda ng loob nito, mayroong mga nakasaad sa may kisame ng loob ng bahay ng water well. Kayganda nito, ang daloy ng tubig ay nakakaengganyo panoorin habang nararamdaman padin ang sariwang simoy ng hangin.

received_709611122571358.jpeg

Napakaganda talaga sa St. Padre Pio National Shrine, napakalawak ng lugar at napaka sariwa ng hangin, meron pang water well at meron ding statue ni ni St. Padre Pio sa tapat ng Shrine, na madalas ay nakukuhaan ng litrato ng mga bumibisita sa lugar na ito, napakasulit ng pagpunta dito. Pwedeng kasama ang pamilya, o kaya ang loved ones pati nadin kasintahan. Haha oh diba? Mas maraming tao ang dumadayo sa St. Padre Pio National Shrine kapag Linggo upang magsimba kasama ang kanilang mga pamilya, kasintahan o kaya naman mag isa.

Sort:  

nice travel

Thank you..

Grabeh ka friend panu mo nahandle ang pagiging mom tapos blogger and traveller pa? iba ka!

Ayay.. Time management lang sis hehe!

wish ko din makapunta dito