Ang Sulat Kamay ni Inay (sa sulat at telegrama, ang mga anak ay naghihintay - Taong 1985)

in #tula7 years ago (edited)

FINAL FOR POST.png

pinagmulan ng larawan


Sa iyong pag-alis, puso namin ay puno nang hinagpis,
alam namin na ang iyong pag-alis, para sa aming kinabukasan,
pero kapalit naman nito'y dugo at pawis.

Nang ikay nasa ibang bayan, ang kalungkutan pilit na nilalabanan,
mabigyan lang kami ng mga anak mo
nang magandang kinabukasan.

Paano namin ma-iibsan ang yong kalungkutan?
kahit isang sulat o telegrama ay di namin natanggap.
Paano muli magtatagpo ang dalawang puso?
puso ng isang ina at ng mga anak, na ang distansya nasa magkabilang ibayo.

Inay, gustong-gusto na nang mga anak mo na ikay makausap at mahagilap.
Gusto namin malaman kung ayos ba ang iyong kalagayan?
malaman kung may problema kang dinadaan at sa kung anong dahilan,
ni isang suliranin galing sa iyo inay di man lang nagparamdam.

Mga tanong pilit na hinahanapan ng sagot,
pero kahit bulong nang hangin sa tinga ay di man lang umabot.

Sa dalawamput limang taon kang nangibang bayan,
at ibang bata ang hawak ng iyong mga kamay,
pero sa iyong mga mata mga anak moy pilit na iyong makita,
mayakap at makumusta kung ayos ba ang aming lagay.

Ina'y ang iyong pagmamahal ay walang kapantay,
kahit gawain ng lalaki iyong pinasok,
ikaw ay nagkamali, natalo at sumuko,
pero pangalan at mukha ng iyong mga anak,
laging pilit sinisigaw ng iyong puso.
Ikaw ay bumangon muli at sa awa ng Poong Maykapal,
ikaw sa wakas ay nagwagi.

Lahat ng iyong ipon pilit tintago,
mabigay lang sa mga anak ang laht ng luho.
Bawat padala kami ay sabik na sabik,
pero ang aming tanging hangad
ay ang pinaka matamis mong halik.

Sa haba na nag panahon na ikaw ay wala,
di na namin malaman ang iyong kondisyon
at ang kalusugan ba ay isang daang porsyento pa ba!
o unti-unti nang bumibigay.

Nang ikaw ay nagkasakit,
ni sa panaginip di ka man lang namin nagawang alagaan kahit saglit.
gustohin man namin, panahon na nag nagkait.

Sa iyong pag-uwi, kami ay nang lumo,
tila gumuho ang buo naming mundo.
Bakit kailangan Inay ikaw ay tuluyang mawala?
di pa ba sapat ang dalawamput limang taon ikaw ay nasa ibang bansa?
Bakit kabaong ang pasalubong?
ang tanging hangad lang ikaw ay muling makasama,
hindi yung nasa loob ng kabaong,
kundi sa isang buo at masayang pagtitipon.

Inay ikay magpahinga, at huwag kang magalala
ako na ang bahala sa kanila,
ako na ang bahala magpaliwanag ni itay
na sa de-gulong na upuan sayo ay naghihintay.

Paalam minamahal naming Nanay.

Dyan sa langit ika'y maghintay,
balang araw tayo'y magkikitang muli,
isang buong pamilya magkayakap
at dina muling bibitawan ang mapag-arugang kamay.

"SALAMAT INAY"

THE-KAPE-BOYZ.gif

theMEwithSteemitLogoFOOTER.png

KAMPO NETIBO.png

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by DeanzBoi (<<(eldean)>>) from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.