Ang kariton ni Tatang... #tula pilipinas

in #tula7 years ago (edited)

Umaga, at hindi pa bumubukas ang bukang liwayway
Si Tatang ay nasa palengke na, at namimili ng mga gulay.

Kasama ang kariton upang magtinda siya sa bayan
At ng may pambili ng pagkain at mga pangangailangan.

Sa araw-araw na gawain, kaylanman ay hindi siya napagal
Pagkat nasa isip niya palagi ay mabuhay ng marangal.

Pagdating ng gabi, pauwi na si Tatang sa kanilang bahay
At sasalubungin siya ng mga anak, na tangi niyang buhay.

Ang kariton ni Tatang uusad na naman sa sususnod na araw
Upang maghanap buhay, dala ang maganda niyang pananaw.

Ang pagsisikap niya na gumanda, ang kanilang kapalaran
Mabilad man siya sa araw, kakayanin ito para sa kinabukasan.

Maging magandang halimbawa sana ang prinsipyo ni Tatang
Hindi basta susuko sa buhay, at hindi maghihintay na lamang.

Masipag at marangal, at may matibay na paninindigan sa sarili
Ang kariton ni Tatang, ang tangi niyang sandigan sa pamimili.


source

THANK YOU FOR DROPPING BY:

PLEASE...
FOLLOW! UPVOTE! COMMENT! & RESTEEM!