Bakit nga ba hindi tayo nauubusan ng mga problema?
Seguro nga kaakibat na natin ang ganitong sistema
Maraming klase ang darating, na bawat pagsubok
Ang puso at isip natin, dito dapat ay hindi itutok
Problema natin palagi sa pera at paghihikahos
Mayroon din mga pulubi halos ay magpalimos
Ang iba naman sa pag-big, madalas ay nasasaktan
Kaya nasa isip nila ang buhay nila ay bigyan katapusan
Walang tumatanggap, kung ang trabaho ay hinahanap
Pagkat hindi nakatapos, mahirap makamit ang pangarap
Sa mga tahanan hindi rin maiiwasan, problema'y daratal
Mag asawa ay nag aaway mga anak, damay at nasasakal
Ano nga ba ang na solusyon, sa lahat ng nararanasan?
Problema sa buhay sana ay magkaroon ng katapusan
Isa lang ang alam kong paraan upang ito ay malunasan
Sa Diyos na ating maykapal, tayo ay lumapit at magdasal
Hindi niya tayo pababayaan puno siya ng pagmamahal.
Thanks to all
Please visit & Follow @iyam
Upvote! Comment! Resteem!
Love, iyam 💕
This poem deserves an UPVOTE 😘
Thank you @khat.holanda23