#Ulog 09: LUTONG NANAY #001 (Filipino Recipe)

in #ulog7 years ago (edited)

Bola-bolang Gulay (Vegetable Meatballs)

Ang inyong anak ba ay hindi palakain ng mga gulay? I think this is one good idea.
Aside from hotdog which is kid's most favorite, paborito din nila ang meatballs dahil alam nilang meat ito. Kaya ko ito naisip dahil kabilang din ako sa mga nanay na problema ang pagpapakain ng gulay sa kanilang mga anak. Kaya narito ang kaunting kaalaman para mapakain natin sila ng gulay at tiyak na magugustuhan nila.

Instead of using flour you can use carrots, potatoes, taro or bisol. Pwede nyo ring dagdagan ng kalabasa o squash para mas marami ang makakain nilang gulay.

FB_IMG_1526886041668.jpg

FB_IMG_1526886028870.jpg

Here's how you do it:

  1. Gisahin sa pinainit na mantika ang bawang at sibuyas hanggang ito ay magkulay brown.

  2. Pagsabaying ilagay ang patatas, carrots at taro. Lagyan ng kalahating baso ng tubig at takpan ng 5 minuto hanggang sa maabsorb ng mga gulay ang tubig at lumambot ang mga ito.

  3. Timplahan ng asin, pamintang durog at pampalasa ayon sa gusto ninyo. (I prefer using a little amount of magic sarap)

  4. l mash o masahin ang gulay hanggang maging pino ito.
    FB_IMG_1526886053561.jpg

  5. Ilagay ang ground pork o giniling na karneng baboy sa minasang gulay at haluin ng haluin ang mga ito.
    FB_IMG_1526886061141.jpg

  6. Budburan ng kaunting paminta ulit para maalis ang langsa ng karne.

  7. Lagyan ng itlog para lalong tumingkad ang lasa dapat tama lang din ang dami para hindi maging basa ang inyong minasang gulay.
    FB_IMG_1526886068472.jpg

  8. Paghaluin ito ulit para maging pantay ang lasa tapos umpisahan niyo nang bilog-bilugin.

  9. Prituhin ito sa maraming mantika.
    FB_IMG_1526886076407.jpg

  10. Hintaying maging brownish ang kulay at tarrraaaannnn! Pwede na itong ulamin ng inyong mga anak na hindi mahilig sa gulay.
    IMG_20180521_155047.jpg

Tiyak hindi ito matatanggihan ng inyong mga anak na ayaw kumain ng gulay.

Kung gusto nyo rin ng mas exciting pa ang lasa ng inyong #Bola-bolangGulay pwede niyo rin itong gawan ng sauce at ilagay ang mga ito sa ibabaw ng inyong lutong Bola-bolang Gulay

Mga sangkap:

  • Mantika
  • Bawang at Sibuyas
  • Liver Spread
  • Tomatoe Sauce
  • Catsup
  • Pork n' beans
  • Pineapple tidbits

Igisa ang mga sangkap na ito ayon sa pagkakasunod-sunod tapos ilagay ang kapiraso ng Bola-bolang Gulay, pakuluin ito sa loob lamang ng isang minuto.
Pwede na itong ulamin o di kaya'y lagyan din ng pasta for merienda...mmm sarap!
IMG_20180521_155127.jpg

(Source of recipe from my Swept Away Facebook Page)

Thank You for dropping by! XOXOXO

Sort:  

I think the result of this was yummy and tastier, picture pa lang ulam na hahaha😂😂

Hi the girl on fire..

Oi cheche! Kumusta? Hehehe... Miss you and your blog..hahaha..

Im okay te, same here miss you.

World of Photography
>Visit the website<

You have earned 6.50 XP for sharing your photo!

Daily Stats
Daily photos: 1/2
Daily comments: 0/5
Multiplier: 1.30
Block time: 2018-05-21T08:19:15
Account Level: 0
Total XP: 42.20/100.00
Total Photos: 7
Total comments: 1
Total contest wins: 0
When you reach level 1 you will start receiving up to two daily upvotes

Follow: @photocontests
Join the Discord channel: click!
Play and win SBD: @fairlotto
Daily Steem Statistics: @dailysteemreport
Learn how to program Steem-Python applications: @steempytutorials
Developed and sponsored by: @juliank

Hi, we have voted on your post because you have posted your article to either food, recipe, recipes, cooking or steemkitchen #tag. Steemkitchen is a brand new initiative where we want to build a community/guild focused purely on the foodie followers and lovers of the steem blockchain. Steemkitchen is in the conceptual phase and we would love to hear your thoughts and ideas.

Please consider joining us at our new discord server https://discord.gg/XE5fYnk

Also please consider joining our curation trail on https://steemauto.com/ to help support each other in this community of food and recipe lovers.

Kind Regards

@steemkitchen

Hi! Thank You for noticing my post..