kamakailan lang ay nakaranas ng sunog dito sa lugar namin, kung saan ang mga naapektuhan ay halos lahat mahihirap, hindi ko alam kung kasalanan ba ng mismong nasunugan o nung bumbero,
may pagkukulang din mismo ang may ari ng bahay na nasunugan pero hindi naman siguro nila ginusto na masunugan, sino ba naman ang gusto na masunugan,
napakahirap na masunugan, ika nga nila, "manakawan kana, wag ka lang masunugan" kasi pag nasunugan ka, halos walang matitira sa mga gamit mo, at kung mamalasin pa, baka makasakit pa, at nangyayari pa sa ibang nasusunugan ay umaabot sa puntong namamatay ang kanilang mahal sa buhay dahil sa ganitong klaseng aksidente, walang masisisi sa ganitong aksidente,
mabuti na lamang at walang nasaktan sa sunog dito sa lugar namin, nasunog lang talaga ng husto yung mga bahay nila na halos natupok, nakakapagtaka naman sa mga bumbero dito sa amin, napakalapit lang naman sa lugar na pinangyarihan, pero bakit umaabot sa ganong pagkakasunog, to the point na matupok lahat yung mga bahay na katabi,
dumating naman ang bumbero pero nung dumating sila, walang lamang tubig ang truck nila, saka lang nila lalagyan pag may sunog, napakahirap ng training sa kanila tapos ganun, not for anyting esle, siguro may dahilan sila, kung anoman yun, wag na nating alamin, nakaka alarma kasi kung halimbawa ay sa atin mga bahay nangyari yung ganung aksidente,
dito pa naman sa amin ay dikit-dikit ang mga bahay.
mas maganda siguro na tayo mismo ang mag ingat para huwag magkaroon ng ganitong aksidente, tayo mismo ang gumawa ng paraan para makaiwas tayo dito,
-Wag mag-iiwan ng kandila, wag nating iiwan o tutulugan ang kandila, dahil magiging cause ito ang sunog,
mas maganda na ilagay ito sa palanggana na may tubig, para kung tumaob man ang kandila ay sa tubig papatak
-wag manigarilyo malapit sa gasul, yung iba kasi, naghahagis ng upos kung saan saan, baka maihagis ang baga ng sigarilyo sa gasul na maaaring maging sanhi ng pagkasunog.
-wag din maglagay ng kandila malapit sa gasul,
-iwasan na paglaruan ng mga bata ang kandila at posporo o anomang bagay na pwedeng maging cause ng sunog, kung maaari ay huwag na natin ibigay sa kanila ang trabaho na pagluluto kung sa kahoy o uling man kayo nagluluto,
-siguraduhing nasa maayos na lagayan ang gaas na ginagamit sa pagluluto, wag ipakalat kalat upang hindi mapaglaruan ng mga anak ninyo.
Congratulations @momonja! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard: