#ULOG 7.0 | Batang Musmos

in #ulog6 years ago (edited)

pexels-photo-207697.jpeg
source

Batang musmos saan ka patutungo?
Naglalakad mag-isa bitbit ang bag mo
Lama'y lapis, papel at libro
"Sa paaralan po!" ang s'.yang tugon mo.

Nakakatuwan naman ang tugon mo
Magandang asal ang pagsambit ng 'po' at 'opo'
Tanda ng paggalang sa mas nakakatanda
Kaya bakas sa mukha ko ang pagkatuwa.

Batang musmos bakit ka mag-aaral?
"Si inay po kasi ang nangaral
Na mahalaga magkaroon ng kaalaman
Upang inaasam na pangarap ay makamtan".

"Huwag daw ako tutulad sa kanila
Hanggang unang antas lang naabot nila
Sapagkat inabot sila ng kahirapan
Kaya mahirap din na buhay kanilang naranasan."

Kaya ibuhos daw nila ang kanilang lakas
Na itaguyod ang pag-aaral ko
Upang maabot pinakamataas na antas
Subalit huwag ko daw kalimutan na huwag magmataas.

Batang musmos ikaw ay mapalad
Nawa'y maging matagumpay saan ka man mapadpad
Binubusog ka ng pangaral ng magulang mo
Bukod pa sa pagkaing hinahain nila sa'yo.

O cge, batang musmos ika'w ay humayo
Sa paaralan kung saan ka patutungo
Ikaw ay mag aral ng mabuti't maigi
Bigyan mo ng saya magulang mong sa iyo'y kumakandili!

=======V=0=T=E==F=O=R========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @acidyo, @jerrybanfield, @blocktrades, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

=======S=T=E=E=M=G=I=G=S=======
Much love, God bless!

Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration!

NANTZJBALAYO.gif

received_10155497086120785.png


This post was made from https://ulogs.org

Sort:  

Nice

Thank you @rajmirashi ...hope to read your blogs soon... =)

This comment was made from https://ulogs.org

Congratulations! Your post has been chosen for the SteemPH UAE : Daily Featured Post | July 22, 2018.

Maraming salamat po. Nakakataba ng puso... =)

Maganda po ang paksa na napili mo @nantzjbalayon at ang mga salitang ginamit ay naayon po sa kaalaman ng isang batang mag-aaral. Nagustuhan ko po ang inyong tula.

Maraming salamat po... :)

This comment was made from https://ulogs.org


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much po.

Ang blog pong ito ay napili ng @likhang-filipino dahil sa napakainam na mensaheng hatid nito. Ito po ay aming itatampok sa arawang edisyon ng Likhang Filipino sa Steemit. Kayo po ay makatatanggap ng reward mula sa blog ng @likhang-filipino akawnt bilang benepesyaryo ng pay out. Ipagpatuloy po natin ang paglikha ng mga akda sa wikang Filipino. Maaari rin po ninyong gamitin ang tag na "likhang-filipino" para sa susunod ninyong akda sa sarili nating wika.

Marami pong Salamat


Maraming salamat @likhang-filipino. Mabuhay po kayo!