Nagselos na sya eh tapos nasundan ng ganyan kaya sumabog na sya, ikaw naman. Sabi ko sau baka mapagod eh ako talaga mula nun umiwas na ako mag Facebook para nga hindi na lumala kasi may selos na umiwas na kung talagang gusto mo sya ikeep.
Parang yung mag asawa na pinapagresign wife sa work eh hindi magawa ng wife luv nya pagiging office girl ayun nauwi sa hiwalayan. Ganun talaga mamimili ka kailangan mong magsacrifice kung gusto mo sya ikeep simply lang naman eh kung hindi mo kaya igive up ang isang bagay para sa kanya pakiramdam nya kasi hindi mo talaga sya mahal, kaya ko igive up lahat ng mga bagay bagay unless hindi nya ako kaya pakainin (food lang talaga need ko hahah) at wag lang ako sabihang kalimutan ko na friends and relatives ko at sya ang kakalimutan ko.
Pansin ko sobrang open ka sa public may mga hindi sya gusto gaya dito sana may konting tinatago ka pa rin habang hindi pa naman kayo kasal at online hindi ako masyado ngsshare ng personal baka may stalker tayo dyan. Ganyan din ako dati sobrang open nawala tuloy monthly allowance ko sana malaki pa sa sweldo ko dahil lang sa picture (pesteng picture at google translate talaga hehe) na may kasamang foreigner friend ng friend ko 3 kami ang sama ng sinabi sakin ako agad sumabog at ako ang nagblock sa kanya dahil hindi ko need ng ganung lalaki kahit tapalan ako ng million mas ok na ako sa barya basta free ako kung ano gusto ko gawin sa buhay ko at hindi ako pag isipan ng ganung naghahanap daw pala ako ng old foreigner dahil sa pera o di ba ang sama naku hindi ko masikmura pagsalitaan ako ng ganyan tandaan mo ako...ako...ako nang iiwan sa ganyang klase ng lalaki at never ako iiyak siguro maiiyak ako sa sobrang galit lang hehe bakit ko ba ipapakita sa kanya yung picture kung may something ako dun sa foreigner tongek ba ako. Ina-update na kung ano, saan at sino mga kasama napasama pa. That's life. Expect the unexpected.
Eh kasi naman mga friends ko dati pag may kachat at immeet na foreigners isasama ako kasi sanay ako makipagplastikan sa strangers hahaha joke :-D hinaharap ko lang kahit panget kasi hehehe may isa akong friend may kachat tapos magmmeet sila sa mall naman malayo pa tingin nya mukhang panget daw aba'y gusto indyanin buang yun ayun si ako na naman front. Ako pinofront nila tuloy ako nagugustohan hehe joke lang frends frends lang frendly tayo eh kaya lang yang mga frends frends na yan panira talaga minsan ng luvlyf. Move on na lang.
HAHA! :D Ayos lang. :) Ang hindi ko lang ish-share na personal information dito is yung address, mga bank account number and the such. Pero, okay lang naman siguro mag share ng feelings.. Wala ako mga kasama dito sa bahay ehh.. I just want to write the pain out. Kaya yuun! :)
And guess what? Nag chat sakin si SG. HAHA :D :D Medyo okay na ako. I am understanding things now. Kumain na din ako ng dinner slash, breakfast, slash lunch. LOL :D Tsaka nakain din ako ng ice cream para naman medyo lumamig ulo ko. haha :D :D
GRABE!!! Ikaw na talaga.. ANg haba haba mo mag comment. LOL :D :D MMK lagi mga comments mo ahh.. :D
😂 may gumamit na kasi ng pix at name ko gumawa fake profiles dahil dun di na ako masyado nagsshare. Lalo na si bf kahit isang pic at real name nya never nya ginamit online. Pag nag email sakin pix may warning na wag ko iupload online 😅
Alam nyo kasalanan ni @artgirl to eh napapahaba comment ko simula nong may pacontest sya na minimum words 240 😂pinapractice ko :-D
Ohh.. HAHA :D Grabe naman.. Artistahin ka siguro kaya ganun. haha :D
War freak lang mga gumaganti sakin yun 😅
Tapos yung latest sa Facebook nag umpisa lang yun ng naglagay ako VMobile sa profile ko dati at kung ano ano sinalihan ko akala siguro kumikita ako sa MLM 😅 dito naman gusto lang yata ako subukan ng hacker nakitang nakapower down ako aabangan siguro STEEM ko 😅
Hahahahaaa ayaw m b nun mahaba mas masaya comment. 😂😂😂
Pa-contest ulit ako tpos gawin ko isang buong post? 😂😂😂 Gagawan kita pahabaan ng comment contest. Wahaha.
😅 depende sa topic eh kung movie hanggang emoji na lang ako 😂 Pacontest mo paramihan ng ex describe each baka umabot 2,000 words hehehe iimbentohin ko lang kwento mga imaginary ex 😂:-D create poll at quizes ka kaya competensyahin natin Virily hahah 😅
Sumali ka n rin dun kay asher s engagement chenelyn, baka manalo tayo ng sbd kaht konti s tindi natin mag-commentan. 😂😂😂
Madaya honesty is the best policy dpat! 😂 Bawal imbento sa'kin. 😝😝😝:P
Hahaha eh sa imbento ako magaling pano yan 😂
Sali ka s pakontes ni dy para manalo ka sbd, support daw e. Hahaha. Tinag tuloy kita dun.
ikaw na!
Ayoko kasi ng drama hahaha joke 😅
Siguro todo pasexy kaya ikaw talaga magustuhan tsaka spokenijg dollar pa hehe.
Buti hindi ka tumaba kain ka ng kain. Masama sa kalusugan yaan hehe.
Anyway nabasa ko lahat ng payo mo @pinay galing mo pwede ka nang gumawa ng programa sa radyo "ang suliranin" o Doctora abogada rosaroso ba yon ung tagapayo ng me problema sa lablyf haha ano nga yon @g10a?
Anyway keep it up dapat ganyan concern tayo sa mga friends natin kung mali dapat sabihan kung tama dapat purihin hehe.
Ang tunay daw na kaibigan brutal hahaha 😂 di naman ako nagpapaseksi, sweet lang kahit sa unang meeting pag kaharap lang, pag talikod tsaka na ako namimintas hahahaha plastik nga daw ako eh 😂pero ang akin lang pagpapakatao lang at hindi ako Indian para mang indyan kahit panget harapin as tao at mag alibi na lang next para hindi maoffend. Sa kaibigan lang naman ako brutal, nice naman ako sa strangers na panget hindi ko naman pinaparamdam sa kanila harapharapan na nandidiri ako sa kapangetan nila hahaha :-D
Kain ako ng kain pero hindi naman nakakataba mga kinakain kong damo damo at isda. Yung rice ko 1/2 to 1 cup lang, hindi naman isang kaldero :-DD