#ulog: HAPPY GO BAM (COMEDY) - Episode 1 Part 3 (Final Part)

in #ulog6 years ago

happy go bam finale.jpg

For previous articles:


Part 1: https://steemit.com/tagalogtrail/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy Part 2: https://steemit.com/tagalogtrail/@rigormortiz/ulog-happy-go-bam-comedy-episode-1-part-2

PART 3

WALA!

Nawawala ang bag ko.

Patay.

Pakshet. Pakshet talaga. Malas!!

Andun yung cellphone at pera ko. Schol ID. Pati Certificate of Registration ko. At saka notebook na wala pang sulat - nawala na agad!

Saan kaya napunta yung bag ko na yun?

1st day na 1st day ng college life e inabot na ko ng malas.

ASAR!

Hindi pa naman din ako bayad dito sa computer shop. Naka 1 hour na rin ako. 10:00am na.

OMG. I need a break.

Makapag-CR na nga lang muna.

Malapit lang ang CR sa pwesto ko. Nasa pagitan siya ng maliit na hallway papuntang fire exit. Dalawa. For boys and girls.

Ihi mode muna. Tapos hilamos. Hilamos. Hilamos ulit. Wat da pak is happening to me? Kailangan mahimasmasan. Wat da talaga.

Aha! I have an idea. Sasabihin ko ang totoo sa bantay na nawala ang bag ko. Malamang, may kumuha nun. Baka meron silang CCTV para ma-review kung sino mang hinayupak na kumuha ng bag ko. Mga tulisan!

Labas na ko ng CR.

Ok. Nevermind my idea.

Isip-isip ko bukas kaya itong fire exit?

Waaaa dinala na ko ng paa ko dun sa fire exit. At kinakabahan na ko. Bukas ang pinto! Taena bahala na si Batman [bat nga pala si Batman parati nadadamay?].

Agad na kong lumabas.

Dahan dahan kong sinara ang fire exit. Shit sabay takbo pababa ng hagdanan. Bilis baka mahuli ako.

RUN, FORREST, RUN!

run forrest.jpg

Lakad mabilis papunta sa safe area baka mapansin ako. Shit. Ano bang safe area ko?

Tingin sa likod feeling ko hinahabol ako.

Ahhh. Pasok na ko sa campus para safe.

Habang papasok, nakita ko sa gate na nakapaskil ang ultimate motto.

Kung ang mga Sundalo ay motto na “No Guts, No Glory,” ang Navy ay “No Retreat, No Surrender” - ito namang mga Security Guards ay may motto na “NO ID, NO ENTRY.”

Shit patay. Sabagay policy talaga yun.

Puro na shit lumalabas sa bibig ko. Ang malas ko naman kasi.

Papasok pa rin ako. Patay malisya mode lang, tulad ng ginagawa ko nung high school pag nagca-cutting at papasok sa SM.

feu gate 4.jpg

Ahh oo nga pala. Sina-swipe yung ID bago makapasok.

E pumila pa rin ako at nang nasa dulo na ko, tanong ko na lang sa gwardya para hindi mapahiya.

“Kuya, paano pala kung nawala yung ID?”

Tingin ng malupit sa akin ang gwardya, sabay sabi, “Estudyante ka ba dito? 1st day palang nawala na ID mo!!”

Ang sungit.

Sasabihin ko sana na "e nawala po e. Mag iinquire ako sa registrar para maginquire about lost ID."

Kaso hindi ko nasabi. Kasi napansin ko na hindi pala siya Kuya. May boobs pala siya. Maiksi kasi buhok niya e kaya napagkamalan ko na lalake.

Waa patay. Alis na nga ko ng pila para hindi mapahiya.

Balak ko sana dumaan ng exit para makapasok. Ganun ang mga style. Kaso pahiya na ko. Saka hindi ko rin alam pala kung saan ang classroom namin! AWWWWWWWWWW.

Badtrip. Uwi na nga lang ako.

AWWWWWWWW paano ako makakauwi e nawala rin pati pera ko?

I have an idea!

pulubi.jpg

Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung pulubi na natutulog sa sahig at sa tabi niya ay may latang may mga barya.

Pero hindi yun ang idea ko ha.

Ang sama ko naman kung nanakawan ko pa siya. Pero dami niyang barya ha. Imagine kung nakaka Piso per minute siya sa lata niya: edi may 60 pesos na siya kada oras. E tapos 12 hours x 60 = 720 pesos per day. Wow! Daig pa nag-oopisina. At ang malupit, natutulog lang siya!!

Lol.

Hintayin ko pa ba si Kevin? Pero tanong ko sa sarili ko ay paano ko makikita si Kevin sa daming estudyante dito? Saka hindi ko pa alam kung may pasok siya, na katulad ni Jopet ay wala palang pasok.

At saka naalala ko yung kwento ng dalawang ka-DOTA ko na higher batch na dito rin nag-aaral, 2nd year na sila, pero sa dalawang taon daw ay hindi man lang daw sila nagkasalubong sa campus o sa Morayta man lang ni-isang araw man lang.

I’m ruined.

Isa kong choice is maglakad umuwi. Laaakad Matataaaag!!

Haha kaso hindi na. Ang init e. Baka mamatay ako sa heat stroke.

Ahh alam ko na. Basta sasakay na lang ako ng jeep at mag wa-1-2-3 na lang ako.

1-2-3 Takbo

Kaso sa gabi ko lang nagagawa yun at pag sabit pa sa jeep.

Ahhh bahala na. Ito na may Project 8 na na jeep na dumaan. Ahh. Stop light. Sakakay ba ko o mamaya na?

Ahhhh sakay na nga ko. Bahala na. Ako kasi yung tipo ng tao na sugod lang ng sugod parang si Naruto. Kasi pag nag-alangan ka pa e madalas hindi natutuloy ang gagawin mo.

Nakita ko kalahating puno lang ang jeep.

Dito ako sa dulo ng jeep uuupo para mabilis makatakas. Pinausog ko pa si [ta]batchoy na naka-earphone para makaupo sa dulo. Kapalan na ng mukha. Umusog naman siya, kung hindi dadaganan ko siya.

Umandar na ang jeep. OMG. Tulala mode na ko. Nakatingin sa labas. Ang malas ko naman. (1) Unang una late ako kanina. (2) Tapos naglakad hanggang 8th floor. Edi haggard na. (3) Tapos wala pang 10 minutes na nakaupo sa klase pinalabas ako ng prof. Unang subject ha! (4) Tapos nung nag introduce pa ko pinagtatawanan nila yung “playing my organ ko.”

Ahhh naisip ko na kung bakit!

Playing my organ.

Hahaha napangiti ako dun ha nung nagets ko na.

Walangya.

(5) Napahiya pa ako sa guard. (6) Pero pinakabadtrip talaga yung nawala yung bag ko. That’s it! Gusto ko magyosi kaso wala rin pambili. Ubos pati pang-tubos. Biro mo, wala pang 3 hours pero anim na kamalasan na ang nagyari sa buhay ko. That’s 2 kamalasan per hour. Career-high.

“HELLO!!!!”

Uy uy uy may nag “hello” sa harapan ko. Babae. Ganda ng boses. Parang si Angel Locsin.

Oh my!!!!!!!

Pagtingin ko sa tapat ng kinauupan ko ay nagulat ako.

Kaharap ko sa jeep ang isang ale. . .(Hindi, joke lang, kanta ng Yano yun.)

Kaharap ko yung maganda kong classmate kanina na katabi ko! Hindi ko siya napansin pagsakay ko.

WOW!

()

“Mr. Playing my organ!”, sabi niya.

“Ahhh” sabay ngumisi ako sa kahihiyan.!

Shit bigla akong nahiya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Alam ko malakas ang loob ko pero natotorpe ako sa mga hindi inaasahang attack. Tingin ulit ako sa labas.

Ganda niya talaga. Mamula mula yung cheeks. O make-up lang yun? Hindi pang jeep ang ganda niya e.

Nakaka 2-minutes na simula nung nag “Hello” siya pero hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Nakatingin pa rin ako sa labas. Awkward moment.

Ng biglang tinanong ako ni girl crush, “San ka pupunta? Hindi ka rin papasok?”

“Rin?”, pabalik na tanong ko sa kanya.

“Ahh uuwi na ko. Tutal puro introduce yourself lang naman at hindi naman nag-aattendance.”

Napangiti ako, at sabi ko: “Oo uuwi na rin ako. Pareho tayong mag-isip ha!”

Ayos! Magka-frequency ata kami. Sabi nila ang nagkakatuluyan daw is yung magka-frequency. Soulmate ika-nga. Pero maaga pa para isipin ko yun dahil 2 minutes palang kami nag-uusap.

At saka nasa Episode 1 palang tayo ng istorya na ito kaya maaga pa. Sa later episodes na lang natin talakayin ang para sa mga deeper philisophies in life.

“Sa Project 8 ka rin ba umuuwi?”, tanong ko habang nakasmile para mapansin niya yung dimples ko.

“Oo.”, sabi niya.

“San ka dun?”

Nag-isip pa siya.

“24-A, St. Joseph Street, Project 8, Quezon City.” ,sabi niya.

WOWW! Complete address pa. Hindi ko alam kung saan yung street na yun pero kakabisaduhin ko. Just in case. Hehe. Jackpot.

“24-A, St. Joseph Street. . . 24-A, St. Joseph Street. . .,” pinaulit ulit ko sa utak ko.

Tatanungin ko sana kung saan banda yun kaso baka sabihin niya hindi ako homeboy sa Project 8.

Saka nahihilo ako dahil parang roller coaster itong nasakyan namin ni girl crush. Kaskasero naman itong jeep. Mapapakapit ka talaga. Feeling ng driver ata siya si Vin Diesel.

Pero ayos diba. Kung taga Project 8 siya is sabay kami uuwi. Hehe makakadiskarte. Ayos.

How can you be possibly malas and swerte at the same time? Blessing in disguise.

“You’re Bam diba?” tanong niya sa kin.

Bakit ba siya laging nag-iinitiate ng usapan?

“Ahh. Yes. I’m Bam.” Haha napa-English din ako, “and you are?”

“Hindi ka nakikinig kanina noh?!! Playing my organ ka kasi e.”

Waah ang naughty nun ha. Pero ayoko mag-isip ng ganun. I’m a decent person. Hahaha.

“Chelsea. I’m Chelsea.”

“Ahhhhh. OK. Chelsea.”

Tuloy ko, “Chelsea. I’m Bam. . . Chelsea.”

Sabi niya sa kin “Paulit-ulit?”

“Haha. Paulit-ulit para makabisado mo name ko.”

“E nasaulo ko naman na diba, Bam?”

“Sabagay.”

Gusto ko sana tanungin number niya kaso natotorpe ko. Kala ko ba ako si Naruto na sugod-ng-sugod. Waah walang Naruto Naruto. Tapos na yun. Mamaya ko na tatanungin sa tamang panahon. Aldub lang?

Ako na mag-iinitiate ng usapan. “Siraulo yung prof kanina noh?”

“Haha. E ikaw naman kasi, binara mo siya. Haha. Pero panalo yun ha. Pano nga ba lalabas yung aircon, may paa ba yun? Haha.”

“Hehe." Feeling proud. "E ano pa ginawa niyo pagkatapos nun?”

“Ayun introduce yourself lang. Lakas nga mambara e. Sabi nung isang classmate “I want to take up nursing because I want to take care of sick people. Alam mo kung ano sabi ng prof?”

“Ano?”

“Sabi niya, whoooshoo sabi mo lang yan. Gusto niyo lang mag-abroad para kumita ng madaming pera.”

Tuloy ni Chelsea, “Siraulo diba? Pero may point siya.”

Sabi ko, “Siraulo nga.”

Tapos tinanong ko siya, “bakit nursing kinuha mo?”

Ngumiti siya, at sabi, “kukunin daw ako ng tita ko sa Guam. Yaman na kaya nun.”

Ako: “So parang totoo nga yung sinabi ng prof na para kumita ng pera?”

“Ganun na nga.” “E ikaw bakit nursing kinuha mo?”

“Ewan ko nga e. Nagising na lang ako isang araw na nursing yung course ko. Hahaha.”

Tumawa rin si girl crush. Ang ganda niya pag tumatawa. Napaka-charming.

Bigla ko naisip yung motto na carpe-diem. Seize the moment daw. Yun yung tinuro nung pastor sa church kahapon. Sinama ako ng classmate ko dati na babae na si Esther. Maganda rin si Esther at marunong siya mag gitara. Niyaya niya ko sa church nila. First time to go to church since nung namatay si Kian delos Santos (Hindi ako adik ha).

Pero ang totoo is kaya lang naman ako nagsimba sa kanila hindi dahil maganda siyang kaibigan ko [mas maganda si Chelsea].

Kasi may tugtugan dun. Haha. Ako taga-piano. Ayyy organ pala. Ang sama ko noh? Tugtugan lang ang habol. At least hindi chicks.

Carpe-diem, ito na.

“Ano nga pala number mo Chelsea?”

“Cellphone?”, sabi niya. “Hindi ko kabisado e. Teka.”

Yes! Mukhang ibibigay niya. Na-excite ako. Binuksan niya yung bag niya. Waaaah bigla ko naalala yung bag ko, at wala pala akong cellphone!

Hawak niya na cellphone niya. “0-9-2-5. . . . Teka teka. San cellphone mo?”

“Ahh ehh kabisaduhin ko na lang. Tinatamad akong kunin yung cellphone ko e [haha sinungaling].”

“Ok. Sabi mo e. 0-9-2-5-7-0-3-3-8-9-4.” Inulit pa niya.

Todo kinig naman ako. Kailangan makabisado. Inulit ko, “09257033894”.

Sabi niya, “tama! Galing mo ha kinabisado mo.”

“Siyempre ako pa.” Hindi niya lang alam na wala akong cp number na kabisado. Maski na yung number ko e hindi ko rin kabisado.

Tumingin ako sa paligid. Stop light. Laging gulat ko - ang bilis ha. Bababa na pala ako. Walang trapik. At higit sa lahat kaskasero kasi itong driver e. Baka natatae na.

Ito sana yung mga time na pagkausap mo si crush is sana matrapik kayo para matagal ang usapan. Kaso KJ naman nito ni Jeepney Driver.

“O sige Chelsea. Nice meeting you. Mauna pala ako sayo bababa. Dito na ko.”

“Uyy hindi ka pa nagbabayad ha?!”

WAAAAH. Dun-dun-dun-dun!! [Beethoven's 5th Symphony intro playing] YARI!!

Patay. Ang lakas pa ng boses niya. Tumingin ako sa rear view mirror ng driver at yung mata niya nakatingin sa akin. Narinig ata.

Shit nakakahiya pag nalaman niya na hindi pa ako nagbayad. Sabagay wala talaga akong pangbayad!

“Ahh kilala ko yung driver,” dahilan ko na lang kay Chelsea. Sabay bumaba na agad ako at naglakad ng mabilis kasi kailangaan daanan ko pa yung sa harap ng jeep. Yumuko ako para hindi mapansin. . .

. . . Ng may biglang sumigaw

“HUY!!!”

Yung driver pala. May hawak na tubo! Shit.

Nakatayo siya sa harapan ng hood bandang drivers side at sumigaw:

jeepney.jpg

“SALAMAT HA!”



Itutuloy

#steemitfamilyph #tagalogtrail #ulog #untalented #funny

Sort:  

Parang halaw sa totoong buhay itong kwentong ito. Masyadong makatotohanan ang mga tagpo at mga pag-uusap. At saktong sakto lang ang mga parteng komedya. Napa-naku po! at patay tayo diyan! ako sa bawat kamalasang naganap. Hahaha

Mas mainam kung bukod sa link papunta sa mga naunang parts ay may ilagay ka rin na Ang nakaraan... para kahit papaano ay maipaalala mo sa mambabasa mo yung iniwanang eksena sa sinundang parte.

Aabangan ko ang kasunod na episode sa Friday! :-)

samalat po siyempre san pa tayo whowhogoat ng kwento? haha. 1st time ko magsulat ng story. kaya vernacular language na ginawa ko parang Huckleberry Finn.. (joke. actually dahilan ko lang yan haha.. mahina ako sa Filipino kahit nung college ako bumagsak pako dun, langya, haha..)

ok po cge maraming salamat sa advice niyo na dapat nga maglagay ako ng "Ang Nakaraan." [with matching nakakatakot na boses] haha. :)


Curation Collective Discord Community
Curation Collective Discord communityIbinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng , binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.This post was shared in the #pilipinas channel in the for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
  • syet syet syet
  • pwera yabang, nabasa ko rito yung ibang sinulat ko nung high school
  • bumalik ako sa buahy estudyante
  • wahaahahahahaahahahaha
  • aylabdis
  • lodi ka na @rigormortiz
  • ituloy mo na ito
  • aabangan ka namen

Lalo akong na-hook sa kwento ni Bam! Ang dami kong tawa sa part na ito. Hahahha. Humahagikgik na lang ako para hindi ako masyadong mapansin ng kasama ko sa office na dumadamoves akong nag-open ng internet. Hahahah. Isa na ako sa mga tagasubaybay ni Bam! :D