EPISODE 2 PART 3 (FINAL PART)
ANG NAKARAAN (SERIOUSLY):
Wrong number ang ibinigay ni Chelsea na address sa akin.
*Anyway, ngayon may dala kasi akong motor, nacheckpoint pa ko. At sabi driving without license pa daw. E hindi ko naman sinakyan, nilalakad ko lang yung motor.
Bumalik na ang pulis at ang sabi sa kin in a siga voice, “ano ba laman niyan?”. Tinuturo niya ang compartment / gibi box ng motor. Buksan mo nga!"
Angas angas nito. Alam ko ang karapatan ko na bawal ang basta basta pag-search sa possession ng isang tao. Unreasonable search and seizures ba tawag dun? Wala siyang search warrant!
Nalaman ko yun sa kanta ni Jay-Z na “99 Problems”. Hiphop ako e. Kalimutan mo na yung playing my organ na nagbabanda ako. Hahaha. May kwento kasi dun na nahuli si Jay-Z ng isang makulit na pulis. Ang rebut ni Jay-Z
“I ain’t pass the bar but I know a little bit, enough for you to illegally search my shit.”
Gusto ko sana sabihin din yun sa mokong pulis na 'to, pero. . .
Pero eto bubuksan ko na lang ang compartment para hindi na humaba ang usapan.
“Sir, anong problema?”, sabi ng isang boses sa likuran ko. Pamilyar sa akin.
Spoiler alert: Hindi siya si Chelsea. (Nakadungaw lang siya sa bintana.)
“Anong problema, Bam?!”
Uyy! paglingon ko Tito pala ni Kevin: si Tito Sam. Nabanggit ko diba na malapit lang ang bahay nila Kevin sa St. Joseph Street.
Yung tito niya ay medyo bata-bata pa. Makulit. Maliit na medyo mataba. Parang si Danny Devito. Kengkoy. "Sam the Bum" nga nickname ko sa kaniya. Ngayon, may hawak siya na Red Horse na nasa plastik at sabi sakin,
“Ano nangyari sayo? Bat andiyan ka?”
“Nahuli po ako ng pulis.” Natatawa ko pang sinabi. Feeling proud. Ganyan tayong mga Pinoy e. Kahit ano pa mang problema, masiyahin tayo.
“Bat wala kang lisensya?”, sabi ni Tito Sam.
“Wala po. Pero hindi ko naman dina-drive. Nilalakad ko lang itong motor mo kasi diba ipinaayos niyo po itong motor mo sa amin!” Sabay kindat.
(Sana “ma-gets” ng tito ni Kevin)
(after a while) “Ahh oo! Hindi naayos ng tatay mo?,” sabi ni Tito Sam.
Kinausap ni Tito Sam ang pulis.
“Chief. Akin palang motor to. Sira ito kaya pinasahuli ko na lang kay Bam. (Sabay tapik sa aking balikat). Kaya nilalakad niya lang yung motor. Taga diyan lang kami chief (tinuro ang bahay na makikita na).”
“Asan ang OR/CR mo?," sabi ng pulis. Maangas porket maliit lang si Tito Sam.
Mukhang nayabangan ang tito ni Kevin sa pulis. Ang totoo ay hindi naman talaga sakanya ang motor. Palusot-dot-com lang namin yun.
“Chief. Pagbigyan mo na itong bata na to.” Pagkatapos ay kumapa ang Tito ni Kevin sa bulsa niya at dinukot ang wallet.
Ako, isip-isip ko kung ano kaya gagawin ni Tito Sam — aabutan niya kaya ang pulis?
"Chief," sabi ni Tito Sam, "staff ako sa Armed Forces." Sabay pinakita ni Tito Sam ang ID niya. Ang alam ko totoo na staff siya ng isang heneral sa Armed Forces of the Philippines, kahit kengkoy siya, pero hindi siya sundalo per se.
“Baka chief pwede pagbigyan mo na kami. Wala naman kaso yun diba?”
Umalis ulit ang pulis at tipong umiiling. May kinausap siyang isang pulis.
Ngiti ngiti ako sa loob ko. What a move!
Pagbalik ng pulis ang sabi niya sa amin, “O sige, pagbibigyan ko kayo. Paki uwi na yang motor mo.”
“Sige salamat po!” sabi ni Tito Sam, “tara na Bam pakidala na lang yan sa bahay.”
Wow ayos! The next level play! Agad kong sinakyan ang motor at ipinasok ang susi.
Ayy teka wait!!! Tanga ko! Ba’t ko pala iistart itong motor? Ang palusot namin ay sira itong motor!
Muntik na mabisto buti na lang at hindi ko na-istart.
So nilakad ko ang motor at pumunta kela Kevin.
Nung nakita ko si Kevin na nasa gate na nila — tipong paalis na siya — ay sinagawan niya ako.
Kevin: “Hoy Bam! Hinahanap ka nila Barney kaso hindi ka daw macontact?! Pinapapunta nga ko para mag laro sa DOTA. Pustahan.”
“Nahuli ng pulis itong loko.” Sabi ng tito niya.
“Ahhh oo nga pala!” sabi ko, "may laro pala kami." Tara sabay na tayo pumunta dun sa shop!
Kaso nung iniistart ko ang motor, sabi ng Tito ni kevin, "bilisan niyo baka makita pa kayo ng pulis na umaandar pala iyang motor." Tama nga naman siya.
“Salamat po Tito!”
Umalis na kami ni Kevin, angkas ko siya at papunta na sa computer shop.
SCENE CUT:
“BAM gising na!” Male-late ka na! Alas siete nan g umaga. Diba 7:30 pasok mo?!”
Ang nanay ko ay ginigising na ko.
“Nag DOTA ka nanaman kagabi kaya ka napuyat! Ano oras ka ba umuwi?”
Umuwi ako ng 3am. Panalo. Pero pinagmumura mura muna ko ni manager bago ako palaruin. Nakwento ko sa kanila na nahuli ako ng pulis. Nagalit din si Gimard sa kin, ang bobo ko daw at hindi ako nagdala ng lisensya.
Pero nonetheless , nagkaroon ako ng 500 pesos. Maliit lang kumpara sa nagchampion sa The International 8. 600 million pesos lang naman napanalunan nila. Sarap diba? Sumali kami dati sa prequalifier rounds kaso laglag agad. Haha. Kaya 500 pesos. Ok na yun at least nagkaroon ng pera.
A few moments later, eto, naghihintay na ko ng jeep. Bilis ko kumilos. Agad agad ako naligo at nagbihis kasi naalala ko si Chelsea. Inspired. Sabi nga sa kanta ng Kamikazee na Chiksilog, “nag-polo pa ako (at nagpabango).”
Oo, nagpolo talaga ako, longsleeves, nabili ko sa ukay-ukay malapit sa min. Uniqlo pa nga ang tatak. Kulay blue.
Papogi tayo siyempre. Kasi kahapon naka yellow na t-shirt ako. Dilawan ako e. Bacon pa.
Umaasa pa nga ko na sana makasabay ko si Chelsea sa jeep!
Kaso, asa naman, dahil late na pala ako. Kamusta na kaya si Chelsea?
Ok next scene.
INT. CLASSROOM – DAY
We see a room that is empty, except na nakaupo na si Chelsea sa tabi pa rin ng backdoor ng classroom. Sa madaling salita, siya pa lang ang tao sa classroom.
(Wtf ano ‘to? Screenwriting format na?)
Nang biglang may pumasok sa front door ng room.
It’s a guy na gwapo. (I used the indefinite article “it” kasi tinatamad ako magcheck pa ng grammar. Ayyy pronoun pala yung “it.” Basta yun na yun.)
It’s a guy na gwapo. Naka-long sleeves at polo na blue. Spoiler alert: Hindi si Bam. Nakapolo lang din. Ano yun nagteleport siya? Saka gwapo ba si Bam?
“Hi! Is this Political Science 1?”, tanong ng lalake kay Chelsea na nakaupo. He has such full of confidence.
Tumungo lang si Chelsea in affirmation. In other words, she nodded (leche napa-english).
“Ok.”, pumasok na ang lalaki at palapit kay Chelsea, “May I?”, while tinuro ng lalaki ang tabing upuan ni Chelsea.
Ang ganda kasi talaga ni Chelsea. Alam niyo yung simple lang pero rak! Pansin mo kaagad yung datingan niya.
“I’m Lee.”
Pucha pangalan pa lang parang puckboy na. Mukhang Ma-lee-bog. Kamukha niya si Sendo dun sa cartoons ni Sakuragi. Yung tipong patay ang butiki pag nahulog sa buhok ni Lee.
“And you are?,” tanong ng lalake.
Shy type kasi si Chelsea, with no eye-to-eye contact. “Chelsea.”
“San ka nakatira?,” sabi ni Lee.
Wala sa mood makipag-usap si Chelsea. Kasi antok pa siya. Kumbaga tanong ng tanong si Lee, pero one-liner lang ang sagot ni Chelsea. . .
Dumating na ang ibang mga kaklese ni Chelsea at Lee. Sabay sabay sila nagpasukan, mga kinse (15) sila. Mayroon:
Emo guy na long hair na naka thrasher getup. Naka vans ang sapatos. Naka malaking headphones din siya (E Sarah Geronimo naman ang tugtog).
Babae na chubby na may hawak na mini-electric fan na nakatutok sa mukha. Maganda rin (pero mas maganda pa rin si Chelsea siyempre siya ang bida e).
Lalakeng naka-salamin at may sariling mundo. (a.k.a. nerd)
Hip-hop na parang si Eminem kung pumorma. Parang sasali ata sa rap battle ang loko.
Babae na maganda na hawak ang cellphone at nagseselfie (pero mas maganda pa rin si Chelsea siyempre siya ang bida e, again copy-paste).
Lalakeng silahis (I don’t want to use the word gay) na matangkad, medyo pogi, at ang importante mukhang kwela.
Atbp. . . Siyempre hindi ko na kaya idescribe yung iba. Saka tinatamad na ko, kumbaga sa presidential elections mga nuisance candidates na yun mga iba. Hahaha.
At sa kinse na pumasok, SIYEMPRE WALA SI BAM!
A few moments later. . .
BAM WALKING IN THE STREETS OF MORAYTA (Soundtrack: Linkin Park “Points of Authority” [at kung bakit, wala lang])
It's 9:00am.
1st time ni Bam mag smart casual. Kaya hindi siya komfortable sa suot niya. Pawisan na siya at malamang dadami pa pawis niya dahil naglalakad pa lang siya papasok ng school.
BAM POV:
“Pajaporms-japorms pa kasi akong nalalaman."
“Pucha bat ganito? Tagal pa ng biyahe. 1 and a half hour ako sa jeep. Tapos nung malapit ka ng bumaba, nagpa-gas pa.
Leche!
Wala pa naman akong cellphone kanina sa jeep kaya walang mapaglibangan sa biyahe kundi lumipad ang isip ko.
Makikipag-usap pa ko sa registrar para kumuha man lang kahit copy ng Certificate of registration ko para makita ko sched ko. Pero alam ko 10:30 pa next class namin.
Dami kainan dito sa Morayta. May Bonchon, may wanna-be Bonchon, may wanna-be Starbucks at ang susunod na lalakaran ko ay Milk Tea Shop.
*. . Ng biglang pagtingin ko sa loob ng Milk Tea Shop. . .
SI CHELSEA YUN HA!
Nakaupo. Umiinom ng milk tea. At may kasama siya sa table na lalake. Kausap niya. Mukhang kolokoy. Kamukha ni Sendo.
Gago sino yun? May umii-style na kay Chelsea!!!!!!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!
Fin.
May karibal na ba si Bam sa puso ni Chelsea?
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!
Love story pala tayo nakalimutan ko, hindi pala ito The [Mis]adventures of Tom Sawyer. Next episode "it's all about love" na, sabi nga ni Ely Buendia.
Special thanks to:
@chinitacharmer, @romeskie, @beyonddisability, @jemzem, sir @surpassinggoogle, @tagalogtrail, @czera and Manong bananacue
Discord Channel: Tropa ni Toto
#steemitfamilyph #untalented #ulog #tagalogtrail
ENCORE:
BAM: Aga-aga ng mimilk-tea na kayo. Sana magtae kang lalake ka!
Hahaha. Witty talaga itong si Bam. Sa sobrang aliw ko nabitin ako. Bet na bet ko talaga yung pagkakadeliver ng mga lines. 🙌
@rigormortiz
Posted using Partiko iOS
haha "puckboy" - tama ba spelling?
This comment was made from https://ulogs.org