Ulog | Pag ang Anak mo Nanahimik sa Isang Sulok... Kabahan kana Bes!

in #ulog7 years ago

Habang tuwang tuwa akong nanunuod ng TV, hinahayaan ko lang si Memae (anak ko) na maglaro, magkalat at umikot ikot sa bahay.

Napansin kong biglang tumahimik si Memae. Samantalang kanina lang wala pang limang minuto ang lumipas e maingay pa ito at naglalaro ng kanyang baril barilan (Babae po ang anak ko pero idol nya po si Cardo Dalisay😂).

Kaya naman napagdesisyonan kong Silipin sya at besh! di ko kinaya ang aking nakita! ang nag iisa kong lipstick ubos na! maryosep! 😢😅

Sasawayin sana kita kaso pag kakita mo sa akin e bigla mo nalang sinabi na "Mama! pistik ih Memae! Gandang ko! icture ih Memae" at bigla ka nalang nagpost ng ganyan. Kaya imbis na magalit natawa nalang ako 😂

IMG_3102.jpg

Pero nagalit si bes na makulit nung sinabi kong itigil na nya paglilipstick at maghilamos na hahahaha!

IMG_3023.jpeg

Minsan kapag may ganitong pangyayari, bilang isang magulang ang una nating maiisip ay pigilan at sawayin ang ating mga anak. Pero kapag nakita natin na masaya sya at natutuwa sa kanyang ginagawa ay nadadala tayo at nakakalimot. Minsan ay okay lang din naman na hayaan natin silang sila ang dumiskubre ng ilang bagay sa mundo. Wag natin silang pigilan dahil bilang bata kasama sa paglaki nila ang mga ganitong bagay pero syempre dapat bilang magulang maiging alam parin natin kung ano at hanggang san lang sila pwedeng hayaan.

P.S ~ isa lang talaga ang lisptick ko. wala din akong mga make up at isa pa ko sa 10% ng babae sa mundo na hindi nag aayos ng kilay.

Salamat! sana'y natuwa kayo sa kakulitan ng anak ko Hahaha!

PHILIPPINES: 19th of June, 2018 : Tuesday