Naalala mo pa ba? Noong una nating pagkikita. Sa blangkong titig na aking dala. Ngiting abot mata ang sa aki'y nagpakilala.
Hindi ko alam kung bakit sa akin ay lumapit ka bigla. Tinanong kita kung may kailangan ka ba. Umiling ka at saginagot ako. "Gusto ko lang ay maging kaibigan kita."
Hindi ko alam kung ako'y matutuwa. Dahil kahit ayaw ko'y wala na akong magagawa. Lalo pa't ipangalandakan mo pa ito sa lahat ng sa ati'y nakakita.
Inis na inis ako sa iyo sa totoo lang talaga. Tahimik ako at hindi mahilig makisalamuha. Maingay ka naman at lapitin sa madla. Doon pa lang tayong dalawa ay magkaiba na.
Naalala mo pa ba? Noon araw na asar na asra na ako't tinanong na kita. Ano ba talaga ang kailangan mo't nakadikit ka pa. Sa pagkakaibigang hinahanap ma aki'y wala ka namang mapapala.
Napatigil ako nang biglang magseryoso ang nagnungusap mong mga mata. At ang tanong mo'y hindi ko inaasahan talaga. Bigla akong nabato at napatulala. Hanggan kailan. . Hanggang kailan nga ba?
"Sino ka sa likod ng iyong maskara?" Ang tanong mong iyang ay nakakagulo na. Hindi ko maiwasang mapaisip at mapatunganga. Dahil alam ko sa sarili kong ako'y nawawala.
Pero hindi ko inaasahanna sa iyo ko pala ito makikita. Tinulungan mo akong tanggalin ang aking maskra. Sa mga ngiti mong nakakahawa. Doon ako nagiging payapa.
Naging maingay ang mundo akt wala na akong naging paki elam pa. Dahil sa mga sandaling iyon ay nakasama kita. Sa pagngiti ko'y madami nang nakapuna. At kaligayan sa aking mata'y kanila nang nakikita.
"Sa wakas ay tinaggal mo na ang iyong maskara." Sa sinabi ay napatitig ako sayo bigla. Naramdaman kong nag unahan ang pagpatak ng aking mga luha. Ang pagyakap sa iyo'y di ko na napigilan pa.
Naalala mo pa ba? Ang pagkunot ng noo mo at biglang pagkabahala. Tinanong ako kung may nagawa ka bang masama. Umilng ako at tinawanan na lang kita.
Pagkakaibigan nati'y mas lalong tumibay pa. Mga sandaling iyon tumatak sa puso ko na. Sa iyo'y sigurado akong ayaw ko nang bumitiw pa.
Salamat. Salamat talaga. Masaya ako at nakilala kita. Sana nga ikaw ay hindi na mawala pa. Dahil hindi ko alam kung makakaya ko ba.
Pero nakakatuwa talaga't parang pinaglalaruan tayo ng tadhana. Pansin ko ang pagbabago mo bigla. Lagi ka na lang nakatulala. Tinanong kita bakit sabi mo ayos ka pero iba ang sinasabi ng iyong mga mata.
Naalala mo pa ba? Nang sinabing wag akong mabahala? Pero bakit nakakaramdam ako ng kaba? Noong mga panahong nakikita kong parang nahihirapan ka.
Mga tawanan ay bigla na lang nanghina. Hindi alam kung bakit bigla ka na lang nawala. Hinanap at hinanap kita. Dahil hindi ko alam ang sarili ko pag wala ka. Saan ako magsisimula.
Napagdesisyonan kong hanapin ka. Kailangan ko ng sagot sa mga katanungan kong nakatihaya. Kailangang marinig ito mismo ng tenga ko mula sa malakas mong bunganga.
Nagtagumpay ako at nahanap nga kita. Pero hidin ko alam kung ako'y matutuwa ba? Hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko pag nakita kita.
Lubos akong nangina sa aking nakita. Ang umiyak ay hindi ko na magawa pa. Wala na akong nagawa kundi ang mahigpit na yakapin ka.
Naalala mo pa ba? Nang sabay tayong nakatingin sa kalawakang napakaganda. Tinanong kung nagsisisi ba akong nakilala kita. Hindi. Ako nga'y nagpapasalamat pa. Naging matapang ako. Ikaw din sana.
Naalala mo pa ba? Sa gabing pagsasama kung saan lahat ay tuwang tuwa. Nakangiting nakatitig ka lang sa kanila. Hindi napigilan ang pagpatak ng isang butil ng iyong luha. Lahat ng iyon ay manantili na lang na ala ala.
Naalala mo pa ba? Mga sandaling hindi na kita iniwan pa. Natakot kasi ako bigla. Baka bukas makalawa di na kita makikita pa. Sana naman wag pa.
Naalala mo pa ba? Nung sandaling kwinento ko ang ating pagkikita. Nakita ko ulit ang ngiti sa iyon mga mata nag sabihin ko sa iyon Mahal Kita.
Naalala mo pa ba? Dahil ako tandang tanda ko pa. Pero wala na akong magagawa. Dahil lahat ng ito ay mananatili na lang nga mga ala ala.
Nagawa ko na ang tungkulin ko sa tulang ito. Nasa sa inyo nang mga mambabasa kung paano niyo maiintidihan ang patutunguhan ng tulang ginawa ko at sana masiyahan kayo. Salamat Po.
Salamat po
thanks again! @surpassinggoogle.
wow ate! just WOW! moreeeeeeeee @pengrojas
hala @tiffanyanne mahirap mag isip .tignan na lang natin XD
Madamdamin!
nakuha mo ba ang kwento nila? @pjmisa
Galing naman, pumapeg-ibig. :)
no comment @zararina :)
Totoo yan? Hala ka!
hindi po. .kwento lang yan :D @immarojas
Ahaha Peng..meron ka nilagay na witnesses? Can u follow un instructions sa last post ng steemph and vote for steemgigs and cloh76.witness pls?
Surpassinggoogle is steemgigs.