Realisasyon
Sa buhay napakarami kong realisasyon,
Tungkol sa pamilya, kaibigan pati na sa relasyon,
Bawat isa gusto kong bigyan ng reaksyon,
At ibahagi ang mga natutunan kong leksyon.
Nung dumating ako sa puntong wala akong makapitan,
Sa oras nang kagipitan sila ang bukod tangi kong nilapitan,
Sa akin ay ipinakita nila ang kanilang tunay na kabaitan,
Tinulungan nila akong makabangon, 'yan ang di ko malilimutan.
Napagtanto ko ang mga dati kong ginagawa,
Mga payo nila palagi kong pinagsasawalang bahala,
Ngunit ang pamilya natin kailanman ay di magsasawa,
Habang buhay tayo'y kanilang inuunawa.
Dumako naman tayo sa kaibigan,
Kung saan kailan ko lamang napatunayan,
Hindi pala lahat puro lamang kasiyahan,
May mga samahang kailangan mong iwanan.
Ngayon ako ay natuto,
Nalaman kong hindi lahat sayo'y totoo,
May iilang meron pa ding masasabi sayo,
Kahit gano ka pa kagaling makitungo.
Ang panghuli ay tungkol sa aking relasyon,
Kung saan napakaraming rebelasyon,
Masasakit na ala-ala nang kahapon,
Kailangan kong itapon para makabangon.
Kaming dalawa ay nagdesisyon,
Na pagtibayin pa ang aming relasyon,
Maging bukas ang komunikasyon,
At bawasan ang kunsumisyon.
Sa buhay madami kang matututunan,
Akala mo minsan walang patutunguhan,
Mga aral na makukuha mo palaging tatandaan,
Magagamit mo iyon sa iyong kinabukasan.
Mga tatlong beses ko po inulit basahin ang tula na gawa mo. Napahanga po ako sa paggamit mo ng rhyming words. Mahusay po ang pagkakasalaysay at makabuluhan ang mensahe.
Lubos po akong nagpapasalamat at inyong nagustuhan ang aking tula ♥