"Word Poetry Challenge #13 : Pilipinas"

in #wordchallenge6 years ago (edited)

002.png

source

Minsan may isang birheng lupain
Puspos ng biyaya ng pananim, sariwang hangin at tanawin
Ang mga katutubo dito ay watak-watak
Ang labanan ng tribo ay palasak

Isang araw ang mga mestiso ay dumaong
Ang lupain ay kanilang inangkin, kinanlong
333 taon sila ay naghari
Ginawang alipin ang aking buong lipi

Nakalaya makalipas ang mahabang panahon
Subalit ang inakalang kalayaan ay di naglaon
Sinakop naman ang kapuluan ng mga puti
Ginawang Kanluranin ang kanilang isipan at gawi

Tinamasa ang huwad na kaunlaran
Ngunit isang araw,muling inagaw ang kasarinlan
ng mga malulupit na singkit
siniil ang damdamin, ang aking mga anak ay inipit

Narinig ko ang kanilang mga sigaw
Nadama ko ang mga luha at hiyaw
Marungis na ang birheng lupain, nilapastangan
Isa syang bilanggo sa sarili nyang tahanan

Narinig ni Bathala ang aking pakiusap
"Maawa po kayo palayain ninyo ang aking mga anak"
At wakas ang kalayaan ay nakamtan
Namuhay ayon sa nais na pamamaraan

Ngunit isang araw dekada 70
Muli siyang nabilanggo sa kamay ng diktaturya
Gayonman umusbong ang pagkakaisa
Natunghayan ko ang aking lipi sa Edsa

Nakahinga ako ng maluwag mula ng araw na iyon
Ang birheng lupain nagsumikap na muling bumangon
Matapos ang di matigil na pananakop
Patuloy parin namang dumadaan sa pagsubok

Salantain man ng bagyo
palubugin man ng bahang hanggang ulo
Kung saan may ngiti
Mayroong Pilipino

Mayamang kasaysyan aking nasaksihan
Pabagsak, pag-ahon, paglaban
Ito ang kwento ko , kwento natin, kwento mo
Pilipinas, ito po ang ngalan ko

Sort:  

Poem and politics.

salamat po sa pagbabasa @juichi :)