[Inedit ko lang ng bahagya ang imahe]
"LAGAY NG PANAHON ANG DAHILAN"
nag dahil sa lagay ng panahon
muntikan na akong napasabo kahapon.
Kaya ipagpaumanhin, di ko alam kung anong uunahin
ang makinig ng balita, o magsulat ng tula.
Si Kuya Kim ang dapat tanungin
kung may malakas ba na bagyo na parating?
kung maybabagsak ba na ulan sa lupain?
o mananatiling mainit ang panahon, para tayo'y uminom
ng malalamig na mga inumin.
Kuya Kim kumusta?
ano na ba talaga ang balita sa ating planeta?
mukhang mainit naman, pero bakit sa kabilang barangay bumabaha?
Kami ay naglalako kahapon ng taho sa bangkita
para ang butas na bulsa magkaroon ng pera,
kaya ang produkto, kadalasan sa mga turista binibinta.
Sa balita mabuti at maalinsangan daw ang panahon
bakit umuulan buong maghapon?
hahaha....tatawa na lang tayong dalawa, wala na tayong magagawa
panahon na ang maysabi na tumigil muna sa pagtitinda.
Ako'y umuwi na lang at manonood ng telebisyon
pero aking naisip bat walang ilaw ngayon?
Putik! naputulan na pala kami ng konekyson.
Kinuha ko na lang ang aking cellphone
upang makahanap ng mapaglilibangan
WOW......laking gulat ko!
di ko pa pala nabura ang POKEMON GO!
Akoy gulat na nang si PIKACHU ang kaharap,
sya pala ang gusto nilang aking mahanap.
Ako'y lumabas kahit umuulan
nakipagpatentero sa mga sasakyan sa daan,
kahit saan, mahanap lang si PIKACHU
at mahuli ito gamit ang pokeballs na aparato.
Nang makita ko ang lugar
kung saan sya naghihintay at nagtatago
langya talaga pikachu bat ka sa HOTEL SOGO makikipagtagpo?
ako'y pasimpleng naglakad papalayo,
baka ano pa ang isipin ng ibang tao
mahirap na baka matiempohan ng malilikot at makikitid na isipan.
Kaya PIKACHU paalam, ako magkakape na lang sa gilid ng daan
mabuti na to naiinitan ang basang basa kong katawan.
ito na ang tula ko sa lagay ng panahon mag pikachu! hahaha
Shout out to my masters @oscargabat @st3llar at @twotripleow#wordchallenge
Master pinaka gusto ko yung sa huli. Nahuli mo si pikachu sa Sogo haha. Saka magpainit lalu tayo haha.
Salamat master, hirap talaga makabuo ng tula pag nakalutang sa hangin ang isipan....hehehe
Kaya nga master chill chill lang kape kapa kapag may panahon. Malupit to hehe kung alam lang nila haha
hahahaha.......kung alam lang nila ang buong katotohan na yan ang dahilan bakit nabuo ang ating samahan......samahang kape kape lang ang tanging pangarap....hehehe
Wow, hanggg deep ng mga words. Mabuti talaga ang kalagayan mo nito habang sinusulat mo ang mga words.
hahaha......mabuti-buti naman po ng kunti mem @fotografia101.....hehehe