Katha ni :marigen aka @greatwarrior79
Mga pangaral mo at pagtitiyaga nyo sa amin ay di ko makakalimutan,
Kayo ang laging nagtuturo ng magandang asal sa aming mga kabataan.
Mga turo mo't pangaral ay nakatatak na sa puso't isipan,
Na mag aral ng mabuti,para sa magandang kinabukasan.
Kaysarap balikan at laging sariwain,
Ang pagsaway mo sa amin ng di magandang gawain.
Noong una ay di maganda sa aming ang dating,
Ngunit sa huli ito ay pinasasalamatan din namin.
Ako ay napahanga sa inyong dedikasyon,
Sa tiyaga ng inyong pagtuturo sa amin ng leksyon.
Kakarampot na suweldo ay inyong pinagtitiisan,
Upang kami lamang ay inyong maturuan.
Akin pang nasaksihan ang inyong sipag at sakripisyo,
Madalas nilalakad niyo ay kilo-kilometro.
Upang mahatid ang edukasyon sa napakalayong dako,
Sa mga batang nais din matuto.
Kahit bagyo at ulan ay inyong sinusuong,
Mga ilog at sapa ay inyong nilulusong.
Pagod at hirap ay di nyo alintana,
Bagkus ang dulot nito ay ligaya,kapag nakita nyo na ang mga ngiti ng mga bata.
Kaya sa lahat ng mga guro ako ay sumasaludo,
Dahil sa katatagan,dedikasyon at sakripisyo.
Kaya naman ipagsisigawan ko sa buong mundo,
Sa lahat po ng guro, MABUHAY KAYO!
Ito po ang aking lahok sa patimpalak na ito ni ginooong @jassennessaj!😊 Sana po ay nagustuhan nyo ang napaksimpleng akda ko po. Mabuhay po lahat ng manunulang pilipino!💪👧🙋
Marigen aka @greatwarrior79
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app
Join our discord: https://discord.gg/9cdhjc7
Thank you so much for your support!😊
Ito'y napakagandang tula! Good luck kabayan! Palarin ka sanang manalo.
Maraming salamat sayong pagbasa sa aking akda! Mabuhay po kayu!😊🙌