"Word Poetry Challenge #2". Tema : "Huling Sayaw" | Tagalog Edition

Hello mga Makatang Pinoy!

Nais kong ipahayag ang "Word Poetry Challenge #2" (Tagalog Edition), ito'y isang patimpalak na naglalayong maipakita ang kagandahan ng tulang nilikha ng ating kapwa kababayan at sila'y gantimpalaan sa kanilang bukod tanging mga gawa na inilathala sa Steem Blockchain

"Huling Sayaw"

Ang patimpalak na ito ay ginagawa kada linggo na may ibang Temang Salita. Ito'y kapana-panabik!

Paano Sumali sa Patimpalak na Ito?

"Huling Sayaw"

Simple lang, gumawa ng isang tula na tugma sa Tema para patimpalak na ito. Ang temang salita ay dapat maging pangunahing paksa ito sa iyong ginawang tula. Sa ngayon, ang ating temang salita ay "Huling Sayaw". Ang mga patnubay na ito ay dapat masunod para maging valid ang iyong entry.

Guidelines | Rules

  • Ang pamagat ng entry ay dapat : "Word Poetry Challenge #1 : Huling Sayaw"

  • Ang iyong unang tag ay dapat #wordchallenge

  • Ang entry sa paligsahang ito ay dapat Tagalog

  • Ilagay mo sa comment section ang link ng iyong entry para maging valid ito.

  • Hanggang dalawa lamang ang maximum na entry sa paligsahang ito bawat user.

  • Lahat ng mga pinoy ay pwedeng makalahok sa paligsahang ito.

  • Ang nailathala ay dapat orihinal mong katha at hindi pa nailathala sa ibang sites (Automatic Disqualification kung mapatunayan)

  • Ang mga larawang gagamitin ay dapat orihinal o dapat maayos na nai-credit sa may-ari.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Gantimpala

Winner - $10

1st runner-up - $5

2nd runner-up - $3

Ang deadline ng pagsumite ng Entries ay ngayong May 18, 2018 at 11:59 a.m. (UMAGA) (GMT +8). Ang mga huling mga naisumiteng entry ay hindi na tatanggapin.

Ang mga mananalo sa patimpalak na ito ay iaanunsyo sa May 18, 2018 (Sa Gabi) kasama na ang gantimpala sa mga mananalo.

Ang Ating Hurado ay si : @tpkidkai


Paano Sumoporta sa Patimpalak na ito :

  • Gumawa at magsumite ng entry sa patimpalak na ito.
  • I-upvote ang post na ito.
  • I-resteem ang post na ito.
  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]

Aasahan ko ang iyong Paglahok kabayan! :)

Ako'y lubos na nagpapasalamat kay @jason04 sa napakamatinding mga graphics design para sa paligsahang ito. Lubos ang aking galak sa iyong tulong, kabayan.

ezgif.com-gif-maker_16.gif

Sort:  

Sayang ngayon ko lang nakita 😌😌😌

@jassennessaj
Word Poetry Challenge#1 sir? or # 2 sir?

@jassennessaj
Word Poetry Challenge#1 sir? or # 2 sir?
ang title sir bah?

salamat at meron na namang patimpalak na ganito. Sa ibaba nito ang link para sa aking entry

https://steemit.com/wordchallenge/@jerylmaeada/word-poetry-challenge-1-huling-sayaw-sa-entablado

Salamat sa patimpalak na ito. Ito po ang aking entry☺️☺️☺️

https://steemit.com/wordchallenge/@joninacalara/word-poetry-challenge-2-huling-sayaw

Ito po ang aking entry para sa ikalawang tema ng Word Petry challenge:
https://steemit.com/wordchallenge/@jemzem/word-poetry-challenge-2-huling-sayaw

Maraming salamat! :)

Ginoong @jassennessaj, ito po ang aking akda para sa iyong ikalawang patimpalak :)

"Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw"

Maraming Salamat sa pagkakataon! Mabuhay ka!

ako po ay sasali ulit sa patimpalak hehe.
ito po ang aking entry
https://steemit.com/wordchallenge/@llivrazav/word-poetry-challenge-2-huling-sayaw

Sir @jassennessaj ito po yong entry ko para sa wordchallenge number 2 at salamat po na ginawa mo tong patimpalak na ito.
https://steemit.com/wordchallenge/@jumargachomiano/word-poetry-challenge-2-huling-sayaw

Ito ang aking likha. Maraming salamat sir @jassennessaj sa patimpalak na ito. Pahabol na entry po

https://steemit.com/wordchallenge/@beyonddisability/word-poetry-challenge-2-huling-sayaw

Hello Sir @jassennessaj, Ito po ang aking entry para sa ikalawang tema ng Word Petry challenge. Maraming salamat!

https://steemit.com/wordchallenge/@fherdz/word-poetry-challenge-2-tema-huling-sayaw

Ang dami overwhelming! Hahahahah Goodluck po sa mapipili

pahirapan ba sir hehehe

Sinabi mo pa @fherdz kita mo sa sobrang hirap ngayon lang ako nagising at nagrereply sa mga comment .