Word Poetry Challenge #9 | Pag-anunsyo sa mga Nanalo

Magandang Gabi Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa lagpas TATLUMPUT-TATLONG ENTRIES! na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Maskara". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.

Sa totoo lang, sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito. Ilang oras kong binasa ang inyong mga katha, tatlong mga gawa lamang ang pwedeng ipanalo. Narito ang mga nanalong mga entries :

2nd runner-up

@mrnightmare89

"Word Poetry Challenge #9: Maskara"

Judge's Comment :

Ang tula ay kakaiba sa lahat. Maganda ang nais iparating sa makakabasa. Tama nga naman, wag mahiya! alisin ang maskara at ipakita talaga kung sino ka. Magaling!


1st runner-up

@blessedsteemer

Word Poetry Challenge #9 : Maskara


Champion

@shirleynpenalosa

"Word Poetry Challenge #9" : "Maskara"


Maraming Salamat sa Pagsuporta!


Pruweba ng Gantimpala

Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :

Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito

@donkeypong

Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :

  • Magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
  • Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord @jassennessaj#9609 o sa email [email protected]
  • Kung maaari I-upvote ang post na ito.

Aasahan ko ang inyong mga Entry bukas!

Sort:  

Maraming maraming salamat po @jassennessaj sa pagkilala niyo sa aking inilahok na tula hindi ko po talaga inaasahang manalo ako o kaya naman ay mapasali sa top 3. Ito ang unang-unang patimpalak na ako ay nanalo at champion pa. Kaya hindi po ako makapaniwala. Ang hangad ko lamang ay subukan mag sumite ng aking komposisyon. Napakalaking oportunidad po ang ibinigay nyo sa akin. Maraming salamat at congratulations po sa lahat ng nanalo at lahat po ng sumali. Maraming salamat din po sa mga hurado sa paglaan ninyo ng oras sa pagbabasa sa lahat ng entries@oscargabat. At higit sa lahat po gusto kong magpasalamat sa Diyos sa binigay Niyang laman ng aking mga sinumitend tula. God bless po sa ating lahat.

sadyang nagustuhan ko ang iyong akda Ma’am , binigyan ng puso at damang dama. Maayos ang pagkakagawa.Mula ng mabasa ko lahat, ito agad ang aking napansin at di nakalimutan. Ang ganda ng atake at ang mensahe. Bawat talata aking naiintindihang maigi. Naiparating nya sa akin ang gustong sabihin ng tula. Mahusay! -yan po ang komento ko sa iyong tula Ma’am.

Maraming salamat po @oscargabat. Masaya po ako at inyong nagustuhan ang aking entry sir. Makakaasa po kayo na patuloy po kaming susuporta sa mga ganitong patimpalak. God bless po :-)

sa wakas, maraming salamat boss.hehe

Congratz sa lahat na sumali. Esp sa winner na si @sashley..

thank you ms. cate sali ka din next time mam :-)

Kay sir @blessedsteemer, ito po ang akong komento sa iyong tula: Kumbaga sa pagkain, kompleto rekados. Ang ayos ng pagkakatimpla kung paano ginamit ang “maskara” sa tulang ito. Nagkwento sya kung ano nga ba ang realidad. At ako’y lubos na sumasang ayon. Kay lawak ng imahinasyon. Lodi talaga! Congrats sir.