LARAWANG KUPAS
(ikalawang paglahok)orihinal na komposisyon ni @joco0820
Nakakubli parin hanggang ngayon
Ang isang litrato ng aming kahapon
Nakasilid sa isang mumunting kahon
Sa aparador sa ilalim ng aking mga damit nakabaon
Hindi dahil nakaligtaan na kita
Kundi dahil ito sakin ito ay mahalaga
Hindi dahil may mahal na akong iba
Kundi dahil sa akin ito ay nagpapasaya
Kumupas man ang larawan naming dalawa
Ngunit sariwa parin sa akin ang aming alaala
Nakalipas na nagpapaiyak sa akin, pag naaalala ka
Itong larawang kupas nalang ang sa akin ay natira
Larawang kupas pwede bang mabalikan ka?
Na katulad nang programa sa telebisyon na pambata
Na kapag tinalunan kita, maibabalik ako noong una
Maibalik ang pag-ibig nating dalawang walang bahid ng iba
O larawang kupas pwede bang maging oras-makina ka
Na kapag tinitignan ka ay puputok ka nalang bigla
Uusok nang ng makapal at ipipikit ang aking mata
At pagdilat koy sa aking harapan, nadiyan na uli siya
Ou nga pala, larawang kupas
Siya pala ang babaeng sa akin ay naka angkas
Ang babaeng kasama ko na nasa iyo ay nakabakas
Ang babaeng sinabi ko sayo na parte ng aking nakalipas
At makalipas nga ang limang taon ay bumalik siya
Napagtanto niya na ako sa kanya pala ay mahalaga
At para patunayan na siya ay nagsisi nang talaga
Ipinakita nya ang larawang kupas, ang kakambal nitong kopya
Di maihahantulad ang tuwa na aking nadama
Napakasaya ko, pati ang aking matay napaluha
Ang babaeng pinakamamahal ko ay bumalik ng bigla
Nangangakong hinding-hindi na muling mawawala
Isang gabi pinagsaluhan namin ang init ng aming katawan
May napansin akong hindi pangkaraniwan
Parang lumaki ng bahagya ang kanyang tiyan
Napahinto ako at aking tinanong ano yan?
Buntis siya nang akoy kanyang binalikan
Walang hiya, ako pa ata ang gagawing may kasalanan
Nagsusumamong ako ang managot sa hindi ko kasalan
Magiging ama ng bata sa kanyang sinapupunan
Maraming salamat nga pala larawang kupas
Dahil sayo, sa aborsyon ako ay nailigtas
Sa pagpapalaglag ni inay ako ay naiwas
Inisip na ipamigay sa iba ay nabalangkas
Ang tulang to ay sinalaysay ng aking amang
ang pangalan ay kulas
Ang lalaking naging puno sa hindi nya sariling prutas
Ako nga pala ang batang kanyang iniligtas
Ang batang naging produkto ng Larawang Kupas
Magandang Araw Ginoong @jassennessaj !!!!
Sana po ay hindi pa huli ang pangalawa kong akda
Sa paligsahan sa pagsulat ng tula
Salamat po sa patimpalak na ito
Napapahusay ni to ang pagsusulat ko
lubos na gumagalang @joco0820
Done sir 😊
Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by joco0820 being run at
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.
@jassennessaj Thank you sir :)
mana boss hahahha ;)
salamat hahahaha