Word Poetry Challenge #1: "Larawang Kupas"

in #wordchallenge7 years ago (edited)

received_1817367204981821-1-1.jpg

Ang larawang kupas na ito,
tuwing tinititigan ko
Ay hindi ko mapigilang maluha
Dahil ito ay kuha ng aking amang
namayapa!
Ito ay isang alaala ng araw na puno ng
saya at tuwa

Ang larawang kupas na ito,
Ay pinakakaingatan ko
Bagamat binasa man ng malakas na
bagyo
Ngunit ang alaala nito ay nakaukit na sa
aking puso

Ang larawang kupas na ito,
Ang s'yang patunay na ako ay minsan
naging bata na masigla
Salamat sa mga magulang ko
Sa kanilang pagmamahal at pag aalaga

Ang larawang kupas na ito,
Ay pinapakita ang isang batang matatag
Kahit ipinanganak na mahirap
Ngunit ang buhay kasama ang minamahal
ay sadyang napakasarap

Ang larawang kupas na ito,
Aking bukod tanging yaman
Ito ay lumalarawan ng buo kung pagkatao
Na kahit anu mang haharaping bagyo ay
hindi kailanman sumosuko

Panahon man ay lilipas
Tuluyan man itong kukupas
Ang gintong ala-ala na dulot nito ay
dadalhin ko
Magphanggang wakas!


Sana po ay inyong nagustuhan ang aking tula tungkol sa aking buhay. Na basa po ang larawang ito noong kasag sagan ng bagyong Yolanda sa bahay namin sa Daanbantayan Cebu. Nasira ang aming bahay sa bagyong iyon at salamat sa panginoon at nakita ko at na isalba ang larawang ito. Kuha ito nang aking ama noong siya ay buhay pa at noong ako ay limang taong gulang pa lamang.
Ang tula kung ito ay kalahok sa patimpalak ni @jassennessaj at sana makakarating ito sa kanya.

Maraming salamat po,

@juichi

DQmUa1jDbyTNH8SUn5zQW3KbJAcAvAafPdUHvYwkFD8m31v_1680x8400.png

Sort:  

Hello po @juichi i've read your Tagalog poem and talagang nakapaganda basahin 😊

Salamat @jickirti, Inaanyayahan din kitang sumali sa patimpalak na ito.

Salamat din po . Paano sumali ? ikinagagalak ko din po sa iyong imbitasyon😊

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by juichi being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by juichi from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.