Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

download.jpg
Pinanggalingan ng larawan


"Watawat ng Pilipinas"


Watawat ng pilipinas na nakawagayway
Na may apat na kulay
Na ibabahagi ko sa ating buhay
At bibigyan ko ng kahulugan sa tulang aking isasalaysay

Una ay ang Tatlong bituin
Na merong ibig sabihin
Ito'y sumasagisag
Sa tatlong pangunahing rehiyon na matatag

Bituing kulay dilaw
Na ibig sabihin tayo'y umiilaw
Sa ating tanyag na katalinohan
Sa lahat ng larangan

Mapalaro man o sa kantahan
Pati narin sa tagisan ng katalinohan
Tayo'y hinaangaan
Ng iba't ibang banyag na dayuhan

Araw na sing-silaw
Ng sinag ng tunay na araw
Na talaga naman tayong pilipino
Ay masinag o sikat sa buong mundo

Malinis na kulay puti
Na sing linis rin ng ating pagkabuti
Kabutihan ng mga pilipino sa kapwa
Ay talagang di mawawala

Kung iyong iisipin
Tayo'y likas na matulungin
Sapagkat likas na talaga sa atin
Ang sa kapwa'y pagiging mauwain

Kulay bughaw
Ang nasa ibabaw
Na sumisimbolo sa kapayaan
Ng ating lupang sinilangan

Kulay bughaw ang lumalatay
Sa ating dugo at yan ang tunay
Na sa bansa hindi tayo kailanman mawawalay
Kahit ano man ang iyong estado sa buhay

Huli ay ang kulay pula
Na dapat nasa ibaba
Sapagkat pag ito'y nasa itaas
May kaguluhan na nagaganap sa buong pilipinas

Pero sa kulay na pula ako'y may ibig sabihin
Na kahit sino man ang iyong kakainisin
Dapat na siya'y wag awayin at dapat mahalin
Sapagkat pag-ibig ang dapat mangingibabaw at galit ay dapat alisin

Yan ang apat na kulay ng bandila
Na sumisimbolo sa bansa
Simbolo ng ating marangal na puso
Simbolo ng ating pagka-pilipino




Ito po ang aking entry kabayang @jassennessaj para sa panglimang patimpalak ng word poetry challenge na ang titulo ay "Watawat ng Pilipinas". Nawa'y magustohan ninyo at masiyahan kayo sa orihinal kong gawa na tula na taus puso kong inaalay ang aking puso sa paggawa ng tulang ito. Sa magiging hurado sana ay magustohan niyo po ang tula ko at nasi kong magpasalamat kay @jassennessaj na ginawa niya ang patimpalak na ito dahil malaya kong ilalahad ang aking tinatagong kakayahan sa paggawa ng mga tula.

Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking gawang tula at mabuhay ang tulang tagalog.


Thanks and Godbless
@jumargachomiano

Sort:  

mainam ang paglilimi-limi sa mga bahagi ng watawat
maraming salamat po sa pagsali
good luck po

Maraming salamat po @beyonddisability

mabuhay ang mga Filipino


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.