Word Poetry Challenge #7 : Simbahan

images (2).jpeg
Pinanggalingan ng larawan


"Simbahan"


Isang istruktura
Matibay na nakatayo at lumang-luma
At ikaw naman ay talagang hahanga
Dahil sa makaluma't maganda na desinyo sa loob na iyong makikita


Isang salitang simbahan
Na mayroong biblikal na kahulugaan
Ito'y pagtawag o pagtitipon
Sa mga taong naniniwala sa ating panginoon


Ito ay kumakatawan
Sa ating Diyos na makapangyarihan
Ito rin ay lumalarawan
Sa pagkakaisa tuwing linggo ng sambayanan


Salitang simbahan
Na nakatatak sa aking isipan
Na ito'y isang banal na tahanan
Ng mga taong nanampalataya ng taimtiman


Isang tahanang binubuo
,Ng mga taong may personal na relasyon kay Hesu Kristo*
At naniniwala sa kanya ng taos puso
Sa kanyang tunay na tunay na milagro


Isang simbahan
Kung saan kinukumpisal ang iyong mga kasalanan
Sa isang pari ng dahan dahan
At pagkatapos ika'y padadasalin ng ganito't ganyan


Isang banal na tahanan
Na bukas sa lahat ng nangangailangan
Lalo na sa mga batang nasa lansangan
At mga walang tirahan


Masasabi kong ang simbahan
Ay sentro ng lahat ng katauhan
Sa kahit anong klaseng pagmamahalan
Ito ma'y pamilya, kasintahan o kaibigan


Kaya mahalaga nating malaman
Na itinayo ni Hesu Kristo ang simbahan
Dahil para isakatapuran
Ang mga mabubuti't magaganda na gawain ng kanyang Amang makapangyarihan




Nawa'y naantig ko kayo sa aking orihinal na gawa na tula para sa patimpalak ni @jassennessaj na Word Poetry Challenge at may temang Simbahan. Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula. Mabuhay ang tulang tagalog.



Thanks and Godbless
@jumargachomiano