Word Poetry Challenge #1 : "Larawang Kupas"

in #wordchallenge7 years ago

IMG_20180509_143932_135.jpg

Pinapagpag ang alikabok sa ibabaw ng isang litrato.
Hawak hawak ang isang papel na naglalaman ng larawan kung saan nandoon tayo.
Sa larawan kung saan masaya tayong pareho.
Kumuha ng upuan, at ako ay naupo.
Tinititigan ang isang piraso
na punong puno
ng pagmamahal sa puso.

Rumagasa ang daloy ng tuwa,
Umukit sa aking mga labi ang ngiti at saya.
At umantig sa aking puso ang alaalang mahal na mahal kita.
Ngunit sa mga mata,
ay luha ng panghihinayang ang makikita.
Panghihinayang na sana!
Sana naipaglaban kita!
Sana hanggang ngayon ay nandito ka.
Sana hanggang ngayon tayong dalawa ay masaya

Sa pagdaloy ng mga emosyong ito,
ay kasabay na pagdaloy ng mga luha na pilit pinipigilan ko.
Habang nakatingin sa larawang nandoon tayo.
Sa larawang kahit kupas ay masaya tayo.

Niyakap ako ng panghihinayang
na ika'y nilisan!
Binalot ng pagsisisi
dahil kumawala ako sa iyong tabi.
Pero sa kabila ng sakit na nadarama,
sa puso ay meron paring tuwa.
Dahil kahit masaya ka na sa piling niya,
nakikita ko sa larawan na kahit kupas na,
ay minsa'y naging akin ka.


Isang orihinal na akda ni @llivrazav na dito lamang sa steemit inilathala. sana ay inyong naibigan, salamat sa pagbabasa.

Maraming salamat po kay ginoong @jassennessaj para sa patimpalak na ito, na nagbibigay ng pagkakataon upang maipakita ng mga manunulat na pilipino ang kanilang mga talento.

At kung nais nyo pong sumali sa patimpalak na ito maaring pindutin lamang ITO para sa karagdagang impormasyon.

Sort:  

Napakagaling ng pagkagawa. Maraming salamat sa paglahok, kabayan! Sana isa ka sa mapapalad na manalo.

Salamat po sa pag appreciate hahaha sana po isa ako dun sa mapalad na mananalo. pero marami pa pong magagaling na mga manunulat kaya mahihirapan ako dyan hahaha.