Word Poetry Challenge #1 "Larawang Kupas"

in #wordchallenge7 years ago

This Filipino poetry is in response to @jassennessaj movement to empower the Filipino people and his language to exhibit its creativity and one of a kind beauty to the world. With this, we take pride as one nation having our own and distinct language we can call our own. Shalom fellow filipino steemians and may we all be empowered to use our own language.

Mabuhay ka Filipino!



images.jpeg

Credits: https://goo.gl/images/oX5KU6

Larawang Kupas

Nang ilathala ni Bathala na itakda tayo sa isat-isa,
Mundo kong magulo'y biglang napag isa.
Isang proklamasyong nanggaling sa langit,
na nagbigay direksyon sa buhay kong puno ng lumbay at hinanakit.

Kung kaya't ganon na lang ang aking pasasalamat,
Sa dakilang pag-ibig na nakita sa yong mga mata.
Nangako tayo sa harap ng madla,
na tayong dalawa'y magsasama sa hirap ma't sa ginhawa.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, ay tila'y pangakong binitawan ay unti-unting nabaon.
Di pagkakaunawaan at walang oras sa isa't-isa
ang pangunahing dahilan kung bakit ang minsang pag-ibig na dakila, ay unti-unting di na madama.

Ngunit ng ito'y aki'y napagtanto,
Ay agad kong sinubukang isalba ang pangakong binitawan sa isang daku.
Doon, doon natin binulong ang pangako, na magsasama tayo hanggang sa huling pag-ikot ng mundo.

Pero sadya ngang mapaglaro ang tadhana
Ikaw, ikaw na mismo ang nagdesisyong bumitaw.
Tila parang isa itong punyal na sandata na tumagos ng malubha,
Na kahit anong paraan ko'y hindi na kailan may maghihilom at mawawala.

Naiwan ako sa eri, nakatutula at paralisa.
Wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang larawang kupas na niluma at di dininig ng tadhana.

Ngunit kahit di nagkaisa ang langit sa ating dal'wa,
Sanay iyo paring di kalimutan ang mga alaalang nagmarka.
Dahil hanggang ngayon, ay Pangalan mo parin ang tunay kong nadarama, Sinta.



Salamat mga kababayan at sanay atin pang pag igihan ang sariling wika.

Sort:  

wow! 👏👏👏

Wow, parang true to life din. Nice one, Juniel!

Ako'y napatindig. Ito'y kahanga hanga @nielfid. Maraming salamat sa pagsali, kabayan! :)