Word Poetry Challenge #13 : “Pilipinas”

in #wordchallenge6 years ago

6D905486-8E35-496A-91DE-443E471C6E14.jpeg

Luzon Visayas at Mindanao
Kay gagandang lugar, dito’y matatanaw
Mga dayuhan, dito’y napapa”wow”
At sa ibang bansa, ito ay nangibabaw

Sino nga ba ang hindi sasang ayon
Sa gandang dulot ng Bulkang Mayon
Isama na rin natin ang Isla ng Coron
Na kung saan ikaw talaga ay matuturn on

Hindi ba’t kay sarap pumunta sa kapuluan ng Batanes?
O kaya sa mala paraisong isla ng Gigantes?
Puntahan man ito ng ilang beses
Tyak di ka magsasawa lalu na pag kasama mo ang iyong kapares

Ikaw ba ay naiinitan?
Halika! Dayo ka sa Baguio na kay sarap pagbakasyunan
Teka, maari kang dumaan muna sa may Pangasinan
Na kilala sa Pyesta ng mga Bangusan

Gusto mo ba magmove on?
Andyan ang Sagada upang puntahan iyon
Pwede rin naman sa taas ng Bulkang Kanlaon
Upang isigaw ang sakit dulot ng kahapon

Kung sa tingin mo nagugutom ka
Kain ka lang ng tocino ng Pampanga
Pwede rin naman ang buko pie at bibingka ng Laguna
Kasabay ng palamig na tinda ni ale sa bangketa

Buwan ng Mayo ay parating na naman
Diyos ko Day! Pyesta kung saan saan
Ihanda ang mga bituka’t tyan
Pagkat selebrasyon muli ng iba’t ibang kanayunan

Lechon Baboy ay nakahanda sa lamesa
Kung saan sa Cebu ito ay nangunguna
Bawat pinoy huling huli ang panlasa
Lalu na’t kung may kasama itong serbesa

Karaoke ay bidang bida
Bawat Pilipino kay galing nga talagang kumanta
Aabutin ng umaga kahit hindi na kaya
Pumutok man ang ugat, ito’y hindi alintana

Sa pagsapit ng Linggo
Sa simbahan lahat ay didirecho
Mga bata’y maghahabulan sa pagmamano
Kasabay halik kay lola at lolo

Sino nga ba ang hindi excited tuwing kapaskuhan?
Kung saan ang pamilya’y magsisiuwian
Keso de Bola tyak ay asa hapag kainan
Iba’t ibang karoling maririnig kung saan saan

Kamusta na kaya ang mga OFW nating mga kababayan?
Na syang gustong gusto ng ating mga dayuhan
Pagaarugang tunay at mabuting samahan
Pusong mamon na tanging sa Pilipino lang matatagpuan

Simula’t sapol itong bansa ang aking bakas
Kung pwede lang umakyat sa lugar na pinakamataas
Taas noo at aking isisigaw ng pinakamalakas,
Na ako’y isinilang sa bansang Pilipinas

Pinagkuhanan ng Imahe

Salamat po sa pagbasa. Ito po ang akong lahok sa patimpalak ni sir @jassennessaj sa paglikha ng tula na may temang “Pilipinas”.

D1300115-EFA6-4D94-ACBB-20DC0050F8E1.png

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Grabe ginalingan mo naman alamat @oscargabat haha..😊

Haha mas lodi ko ang gawa mo boss. Alamat talaga!😁

Mas malupet tong sayo boss,,kasi ang lawak ng naabot,buong pilipinas talaga 😊kaya taas kamay ako sayo..grabe..🙌💪

Posted using Partiko Android

Nako boss. Salamat naman! Pero mas lodi kita!😁

Idiniin na masyado ni maestro alamat @oscargabat,

Congratulations @oscargabat! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments
Award for the number of comments received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard and the Veterans on Steemit - The First Community Badge.

Do you like SteemitBoard's project? Then Vote for its witness and get one more award!

Ginoong alamat @oscargabat, ginalingan mo na naman ang iyong akdang tula, napakahusay mo talaga pag dating sa tula.... 😇

Salamat boss Lodi @cradle, kay ganda rin ang iyong akda. Nabasa ko. Masasabi ko lang na isa kang ALAMAT!