Sa di inaasahan, natagpuan ko ang isang ikaw
Titig sayo ng aking mata’y di ko maigalaw
Pagkat ako’y sigurado, puso ko’y iyong pinukaw
Aking nararamdaman ay pilit kong tinago
At sa pagbilang ko ng isa dalawa tatlo
Mahal kita at ako’y siguradong sigurado
Na sana lahat ng aking hiling ay dinggin
Paulit ulit na binibigkas ang nagiisang panalangin
Na sana’y dumating ang panahon na ika’y maging akin
Ngumingiti at ang mukha mo’y naiwan sa aking isipan
Alam ko, ikaw ang sagot sa lahat ng katanungan
Sa buhay kong kailanma’y totoong pagibig, di naranasan
Ligaya sa aking pagmumukha ay kitang kita
Eto na nga ba ang inaantay kong pagasa?
O ako lang ay muling aasa?
Tila ang puso ko at ang puso mo’y hindi sumangayon
May mahal kang iba at kailangan kong tanggapin iyon
Pinikit ang aking mata na tila ang puso ko ay may nais itugon
Lilipad ako sa kabilang dako kahit gaano man ito kalayo
Lilipad ako sa kabilang mundo kasama ang malungkot kong puso
Lilipad ako hanggang ang pakpak ko’y mapagod at sumuko
Ikaw pa rin ang nakikita sa gulong gulo kong mundo
Ikaw pa rin ang nakikita sa nagsisilitawang anino
Ikaw pa rin ang nais makasama hanggang sa dulo
Paniniwalaan ko ang sinasabing tamang panahon
Hanggang sa kailanman, ang ikaw at ako
Balang araw ay magiging tayo
Salamat po sa pagbasa.
As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!
Malalim ang hugot mo alamat..pati pakpak..nasali mo na haha..galing..ang lalim..😊
Ngayon lang ulit nakapagsulat boss. Kay tagal nabakante kaya talagang huhugutan natin yan. 😁
Ang tindi mo talaga sa poetry manong!
Posted using Partiko Android
Wow! Salamat @czera. Ikaw din naman eh.😎
Thanks for using eSteem!
Your post has been voted as a part of eSteem encouragement program. Keep up the good work! Install Android, iOS Mobile app or Windows, Mac, Linux Surfer app, if you haven't already!
Learn more: https://esteem.app Join our discord: https://discord.gg/8eHupPq
Napakahusay ng paggawa kabayan! :)
Salamat sir!😎
Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
Awww.
Isang tagay para sa mga pusong marunong magparaya.
Para sa mga nagmamahal nang tunay kahit na ang puso'y nangungulila.
Para sa handang lumayo para sa kaligayahan ng sinisinta.
Di bale. Mayroon talagang tamang panahon.
Sa ngayon, manong, isang tagay muna. Para sa iyong paghihintay.
Naks. Haha ang galing. Saktong sakto! Isang tagay para sa pusong nalulumbay. 😎