Araw araw lalo akong nagsusumikap
Darating ang panahon ikaw rin ay aking mayayakap
Paglayo sayo’y malungkot at mahirap
Pagkat ikaw ang lagi kong hinahanap
Inay, sa bawat araw ay hinahanap kita
Masakit sapagkat wala akong matawag na ina
Sa aking isipan ikaw ay kinakamusta
Dalangin ko na sana'y laging okay ka
Anak, ilang taon na nuong ako’y lumisan
Ngunit walang oras na di ka naalala ni minsan
Bawat pagtulog ikaw ang aking nasa isipan
Mahirap, masakit man ngunit ito’y aking lalabanan
Kailan ko kaya kayo makikita ?
Sa simpleng larawan kayo ay aking nakilala
Isang gabi, ako na lamang ay naluluha
Nagtatanong kung mahal mo nga ba ako talaga?
Masakit pagkat ako’y nagaasikaso ng ibang bata
Samantalang ikaw ay pinapaaruga sa iba
Bawat sahod ko labis na lang ang aking tuwa
Pagkat mayroon na naman akong ipapadalang pera
Inay, pagmamahal mo ang kailangan ko
Presensya mo hinahanap na sana’y andito
Kamay mo sana’y humaplos sa aking ulo
Sa mga oras na tila madilim ang aking mundo
Tanging dalangin ko sana’y ako’y maintindihan
Huwag sanang humantong na ako’y kalimutan
Anak ko, ikaw ang liwanag sa madilim kong karimlan
Ikaw ang nagsisilbing lakas ng aking kaluoban
Paglaki ko’y di mo nasasaksihan
Lumipas ang marami kong kaarawan
Dinadasal sa Diyos na sana’y ako’y iyong mapuntahan
Upang makita ka na at mukha mo’y mahalikan
Anak, ito ang pinakamatinding hamon,
Ngunit lumipas man ang napakaraming taon
Alam ko, darating din ang tamang pagkakataon
Ang pagkikita natin sa tamang panahon
Sana ako’y dinggin ng Panginoon
Na sana’y araw araw bigyan ka nya ng proteksyon
Pagkat Inay, darating din ang tamang pagkakataon
Ang makapiling ka sa tamang panahon
Isa sa matinding hamon ng pagiging ina ang pagpili kung uunahin ba ang pag aalaga sa anak o ang pagtustos sa pinansyal niyang pangangailangan.
Ang ganda ng pagkakalahad mo ng dalawang POV dito sa tula mo. Kudos @oscargabat! Napakahusay mo talagang manunula. :-)
Yung sakripisyo ina para lang sa magandang kinabukasan ng anak at ang sakripisyo ng anak para sa ina para rin sa sariling kinabukasan. Mahirap ngunit parte iyun ng buhay.
Salamat Ate @Romeskie! Ang ganda naman ng inyong komento.☺️
Hanep to kabayang @oscargabat. Mapanghamong tula. Good luck!
Salamat sir @jassennessaj!😎
hay grabe. Isa ka talagang dalubhasa sa pagtula manong
Salamat BD sa pinakamagandang komento. Marahil di ko masasabi na di ako ganun kadalubhasa, sadyang pinupusuan lang talaga ang bawat lathala.
isa pa ulit na NAKS
This comment was made from https://ulogs.org
Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.
Feels grabe. 👍 Isang malaking hamon talaga sa bawat magulang ang ganitong mga sitwasyon.
Buhay OFW. Bilang anak, mahirap ngunit kailangan lawakan ang pagiisip.
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by oscargabat from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.