"Ang karakter sa aking tula ay produkto ng aking imahinasyon dahil gusto ko rin bigyang toon na hindi kailanman magiging hadlang ang kahirap sa pagkamit ng ating pangarap. Sapagkat ang kailangan mo lang ay tiwala sa iyong sarili at pananalig sa Maykapal dahil lahat ng imposible ay magiging posible kung iyong paghihirapan upang makamtan. At walang mas tatamis sa tagumpay na iyong pinaghirapan."
Photo Source:
"Gintong Medalya"
@spreadyourword
Simula sa umpisa wala akong ibang ninais at ginusto
Kundi ang katuparan ng mga pangarap na nakaukit sa puso
Kahit ang paghihirap ay hindi ko ginawang hadlang
Dahil kailanman ay ‘di ako pababayaan ng aking magulang
Ako’y pinag-aral upang edukasyon sa akin ay maipamana
Natutong mag-sulat, magbilang, at pati na rin ang magbasa
Anim na taon ang lumipas at nagtapos ng elementarya
Kay bilis ng paglipas ng panahon at hindi ko inakala
Apat na taon ulit ang ginugol at nagtapos ng sekundarya
Isang hakbang nalang ang kailangang tahakin
Upang simula ng katuparan ng pangarap ay maangkin
Tumongtong ng kolehiyo at kinuha ang kursong gusto
Pangako kong magtatapos ay hindi ko ipapako
Hindi naging madali sa dinami ng pinagdaanan
Tinangkang tangayin ng hangin ang aking pinaghirapan
Sa kabila ng lahat ay nanatili akong matatag
Sapagkat ako ay pader na hindi basta-basta matitibag
Dumating ang araw na aking pinakahihintay
Kasiyahang nadama sa puso ay walang kapantay
Tinawag aking pangalan upang bigyang parangal
Alay ko ang lahat kay inay at itay kong minamahal
Naging posible ang imposible kasama ang dasal
Sapagkat dininig at ibinigay ang aking hiling ng Maykapal
Habang papalakad patungo sa entablado ako’y lumingon
Nang tumingin sa ‘king magulang ay nanakaw ang atensyon
Reaksyon sa kanilang mga mukha ay hindi ko maipinta
Kanilang luha ay biglang tumulo mula sa kanilang mga mata
Mga luhang hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa sayang nadama
Isang gintong medalya ay isinabit sa akin
Kumikinang na para bang isang bituin
Walang halaga ang tutumbas dahil ito’y simbolo ng aming tagumpay
Na sa aking minamahal na magulang buong-buo kong inaalay