Bago ako magsimula nais kong magbigay galang kay Mr. @jassennessaj sa patimpalak na ito.
"Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas"
Sa bawat lunes, kailangan humarap sa watawat
Dahil ito ay nirerepesto ng lahat
Ito ay dakilang hinahangaan ng bawat isa
Ngunit bakit ganito ang kanyang mukha.
Pagmasdan mo ang asul sa watawat
Para bang karagatan na humahati sa mga isla
Ito ba ang ibig sabihin ng mapayang kulay na ito
Karagatang humihiwalay sa bawat isa?
Miyerkules naglakad ako malapit sa baybayin
Pinagmasdan ko ang araw na lumubog sa karagatan
Ang karagatan ay mapayapa kagaya ng tibok ng aking puso
Kapayapaan hangad ng aking damdamin.
Pula, parang dugo na dumadaloy sa aking ugat
Malapot, espesyal, at kinakailangan ng aking puso
Pagmasdan mo ang mga larawan ng mga digmaan
Maraming dugo ang nakapinta, katapangan ang pumasok sa aking isipan
Huwebes, pupunta ako sa simbahan upang magpasalamat
Hindi lamang tuwing linggo ko ito ginagawa
Dahil ang simbahan ay tahanan ng bawat isa
Pinagmasdan ko ang suot ni Maria, puti kagaya ng sa watawat.
Kapayapaan, katapangan, kalinisan
Bumubuo sa puso ng isang pinoy noon na nais magsarili
Pagmasdan mo ang mga sinag ng araw, ang mga bituin sa langit
Sila ay makikita mo sa watawat.
Walong sinag, tatlong bituin, tatlong linya para sa isang tatsulok
Apat na kulay, iisang watawat, iisang bansa
Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng puso ng bawat Pilipino
Kay gandang tingnan kaya ito'y inalalagay sa itaas.
Image Source:
https://www.oceanprosperityroadmap.org/
http://pngimg.com/download/6093
http://www.documentarytube.com/articles/8-facts-you-need-to-know-about-virgin-mary
http://tpi.ph/local-news/philippine-news/explanation-of-the-philippine-flag/
Thank you for dropping by!
Please follow me. Feel free to comment!
Good job melo! Keep that spirit on fire! Sooner you will succeed in this platform
Thanks po! ^_^
kay inam ng pagkukumpara
maraming salamat po sa pagsali
god luck