by: @tinkerrose
Pero iba’t ibang uri itong mga pinapasan,
Na masasabing antas ng ating pamumuhay,
Minsan maituturing natin na hindi pantay.
Ang iyong estado ba ay isang napakapusyaw?,
Na sa iyong sarili ito’y hindi katanggap tangap?
Na nakaharang mga adhikain dapat nalalasap?
Sitwasyon na kayang kalimutan at ipagpaliban,
Pagsubok man ang isang pagkabigo ng pag ibig,
Paano lumimot natamong pagkabulag sa iniibig.
Ang laban dito sa reyalidad na mundo ay siyasatin.
Pero ang pangkalahatan hindi nakikita ang pighati,
Kahit pagkain hirap at namimilipit sa isang salapi.
Sa pagsubok na tinatamasa ng ating mga madla,
Sino ang ating takbuhan kasuloksolkan ng daigdig,
Sino ang dapat tagapakinig ng ating mga bibig.
Maliit ba o malaki madadala sa aking pagtanda?
Na maging isang pasanin ko hanggang kamatayan,
Buhay na nakasalang sa dilim kailan mawawala?