"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

in #wordchallenge7 years ago

Para sa SBD! At may maipost ngayong araw ako ay sasali sa patimpalak ni Tropang @jassennessaj ang challenge ay mula sa temang Larawang Kupas , gumawa ng isang tula na konektado dito. Aking naisip na gumamit ng mga talinghaga rin sa tulang ito para mas mapaganda pa ang mensahe at ginawang apat na saknong na may labin-limang pantig ang bawat isang linya.


Old photo.jpg

Ang larawan ay nagmula sa pixabay.com at maaring i edit dahil sa ito ay nasa kategoryang creative commons

Gunita ng nakaraan ay kay sarap balikan
Nahuling sandali sa ating kupas na larawan.
Aking pinagmasdan iyong payak na kagandahan.
Bigay kong lobo na korteng puso 'yong naibigan.


Sa araw na yaon, akala'y di ka na darating
Namuti ang mata sa sinabing tagpuan natin
Iyong sambit ikaw ay nahirapan sa pagtakas
Magulang ay tutol dahil sa ako'y talipandas.


Balitang kutsero ika'y aking pineperahan;
Kaya't ikaw ay ikinulong sa inyong tahanan.
Itong larawan na lamang ang aking naitago;
Magbukas ng diddib iyan sana ang aking plano.


Tanging kalungkutan at dusa ang iyong natamo;
Malayo sa ngiting kay tamis sa lumang litrato.
Kaya't habang minamasdan ang kupas na larawan.
Ako'y nagsisisi at 'di kita naipaglaban.


Mga salitang hindi madalas gamitin :

Talipandas - hindi katiwa-tiwala
balitang kutsero - hindi totoong balita, tsismis o kwentong gawa-gawa lamang.
Magbukas ng diddib - ayain ng pagpapakasal/ magpropose para sa mga kalalakihan.

Sort:  

Haha wala na uwian na may nanalo na 😂😂

Grabe sya oh! 😂

galing galing ni kuya. congrats po! may papotato chips yan

parang ayaw ko na tuloy gumawa ng entry. hahaha

haha sali po kayo masaya po iyan. 😇

Grabe! Ito'y napaka ganda. Maraming salamat sa pagpapaunlak @tpidkai. Mabuhay ang wikang Filipino! :)

Hahaha salamat @jassennessaj at sa mahirap na prompt napiga ang utak ng mga sumasali.

ganda po..wala akong masabi..nakaka walang gana ng sumali sa susunod.haha

Nako kapatid huwag kang panghinaan ng loob. Sabi nga nga mga Olodi sa aming munting tambayan

Olodi_JV_2.jpg

Tuloy ka lang po sa pagsusulat.

haha biro lng po, mahilig ako mg sulat kaya hindi po ako titigil.. nabasa nyo po sakn? ok lng b

Hindi pa po pero i-check ko ang iyong account :)

haha tama po wag kayong susuko sulat lang ng sulat.

Contrats sa pagkapanalo, TP bro. Ayos, maganda talaga ang tula. Panalo yun sukat sa masusing pagpili sa mga ginamit na salita.

Kailangan galingan brother eh. Magagaling ang mga kasali at kalaban kaya dapat may ibang atake.
Gaya ng dugsungan na kwento yung sa inyo.

ang ganda ng entry mo @tpkidkai

Salamat @queenlouise07 sali ka din sa mga patimpalak ng mga PH writers para mas masaya.

Kaya pala nanalo :) Well deserved!
Ang galing po napaka makata :)
Salute!

Maraming salamat po sa papuri. Mas lalo ko pa pong pag-iigihan ang aking mga tula at akda.

Aabangan ko po yan :)