Mahabang panahon na din ang lumipas *Pinagmasdan ko. Hindi talaga mapipigilang masagi sa isipan na minsan, Kaya habang isinasalansan ang mga damit na nilikom ko na, Kaya katulad ng isang larawang nabaon na lang sa alaala narito po ang aking akda para sa patimpalak ni ginoong @jassenessaj
Nang mapansing tila may mga larawan na nakausli ng bahagya
Sinubukan kong kunin ito at tumambad sa akin ang mga larawan mo.
Larawan na puno ng ganda ng ngiti at alaala ng nakaraan mo,
Pinagmasdan ito tinitigang mabuti nangiti ako.
Nangiti hindi dahil masaya ang alaala na naroroon kundi dahil
Minsan nadaan ako sa landas mo.
Nagdaan ang mga araw, buwan, taon na hindi ko na din mabilang
Kung ilang beses ko nang naisip kung papaano kita nasaktan.
Hindi ko nga alam noon saan ako magsisimula at paano babangon.
At ang larawan mo,
OO ANG LARAWAN MO ANG DAHILAN UPANG
MAISIP KO MULI ANG MGA ITO.
Tinitigan ko ang kupas na pag-ibig na nanggagaling sa lumang litrato.
Ang mga larawan ng dating tayo,
Ang larawan na ang mahal mo ay ako.
Mga larawang maski ako ayoko nang balikan
Ni ayaw ko na ngang hagkan kahit anino mo man lang
Pero hindi ko maiwasang maaalala dahil sa larawang kinupas na,
Ng oras at natabunan na ng ibang alaala
Nang dating tayo yung magkasama
Na mismong ako yung may hawak sa mga kamay mo ngunit ngayoý iba na.
Oo yung dating tayo na mismong ako yung sumuko
Dahil sa hindi ko natupad na pangako.
Patawad.
Oo! alam kong duwag ako
Hindi ko kase kayang ipaglaban
Yung taong mahal ko
Naduwag ako kase kahit sarili ko
Kinakalaban ko. Mahina ako
Talunan ako kaya pilitin ko mang iwasan na hindi ito tignan. *
Oo minsan lang na dumaan ka sa buhay ko
Kung saan nagsimula tayo na bilang isang normal na magkaibigan,
Na kaibigan pa lamang ang turing mo.
Nagkukwentuhan sa ilalim ng tirik at bilog na buwan na tila tahimik na nanunuod
ang langit sa karagatan ng mga bituin.
Masayang ihip ng hangin na dumadampi sa mga labi sa bawat
salitang sasabhin.
Ipapahiram sayo ang suot kong tsinelas sa
Matakong mong sapatos dahil sa ang mga paa’y puno na ng paltos
At ako naman itong mukhang tanga
Na naglalakad sa gitna ng kalsada na kumekendeng-kendeng pa.
Masaya, nakakatuwa at parang walang iniindang lungkot hindi ba?
Ito ay isang kuha ng litrato na kinalimutan na ng kulay ng alaala.
Napaisip ako na baka sa susunod na mga araw ay magkita tayo bigla.
Babalik ba ang dating kulay ng mga ito?
Hindi na siguro kasi,
kahit si kupido ang hari ng mga puso
Walang magagawa pag si bathala na ang nag-utos mismo.
Kaya ang litratong ito hindi na magbabalik ang kulay
Hindi na babalik ang dating saya ng ng larawang kinupas
Na ng panahon.
Kaya mahal,
Pag nagkita tayo marami ng bagay ang nagbago
hindi na ito katulad ng litratong hawak ko.
Pwedeng sa kamay mo ang may hawak ay hindi na ako
hindi na ito katulad ng litratong hawak ko.
Hindi na para dugtungan pa
Hindi na para ayusin pa
Hindi na para linisin pa ang gusot na nagawa ko
Pag nagkita tayo sasabihin ko lahat
Lahat ng nangyari sakin mula nung iniwan kita
Yung oras na bumitaw ako
Yung araw na pinilit ko ang sarili ko na TAMA NA kase hindi ko na kaya
Nung oras na nakita kong umiiyak ka
YUNG araw na nagsabe ka na d mo na ko kukulitin pa
At sasabhin araw-araw na "bumalik kana parang awa mo na"
Alam kong hindi mo ginawa
Alam kong hindi mo magawa
At alam kong hindi mo gagawin.
Itatabi ko na,
Itatago ko na
At sa muli ay hindi na mabalikan pa.
Kaya ngayoý tapos na, tapos na din ang gawaing nagpabalik
Sa akin sa alaala mo.
Sa susunod na bubuksan ko ang kabinet ko ay hindi ko na makikita
Ang mga larawang ito.
AY MALI.
Sa susunod na bubuksan ko ang kabinet ko hiindi ko na
Makikita ang sarili ko sa nakaraan.
Hindi na ako makukulong sa alaala mo.
Bubuo ako ulit ng isang litratong Puno ng kulay
Kasama ang sarili ko
Ang buhay ko
hinaharap ko at higit sa lahat Malayang AKO.
ito po ay isang spoken word poetry na kung saan ay malayang ginamit ang emosyon upang makalikha ng isang tula.
nakuh naglabas na ng litrato. 🤣