Filipino Writing | Nandoon Padin Yung Fellings Pero Hindi Na Yun Love

in #writing7 years ago (edited)

unnamed (1).gif

Sa pagpikit ng aking mga mata, ikaw ang aking nakikita, kung paano mo ako alagaan, kung paano mo ako suportahan sa mga panahongpati ang aking sariki ay hindi na naniniwala sa aking kakayanan.

Kung paano ka mag ingat sa paghawak ng aking mga kamay na tila ba'y parang isang babasaging gamit, kung paano mo kabigin ang aking mukha sa tuwing hahalikan mo ang aking mga labi, at kung paano mo ako bulungan sa pagitan ng iyong paghinga at sabihin mong ako'y mahal mo rin. Ngunit ng ako'y magising wala kana sa aking tabi isa ka nalamang alaala ng nagdaan.

Isang alaalang kay sarap balikbalikan ngunit alaala lang ang maaaring balikan at hindi na ikaw. Sa paggising ko sa magandang panaginip ay parang ayoko ng magising ngunit ng makita ko ang pandaraya sa magandang panaginip na ito ay para bang naging mistulang bangungot para saakin. Wala kana sa aking tabi kaylangan ko ng mag umpisang muli, sa unag pahina kung saan ay wala kana.

Gagawa ako ng kwentong ako nalamang ang bida at ikay mistulang alaala. Sa pagsapit ng mga panahong wala ka ay para bang hindi ko kaya ngunit ng itoy tanggapin ay tila ba'y kaya ko na ang lahat. Kaya ko na ang mag isa at hindi ka kasama. Salamat sa alaalang binuo natin. sa aral na napulot ko mula sayo. Ika'y akin paring naaalala ngunit ikaw ay hindi ko na kaylangan.

Thanks You! Maraming Salamat po!
If you need someone to talk to, talk to me in DISCORD #Missnyl8133, or if you're a Filipino or an expat living in the Philippines? Please come and join our wonderful Filipino Steemit community:
Steemit Philippines Discord

I am aiming to share quality content under Photography, philippines, art, and writings tag here in the philippines. Follow me and upvote. Thankyou and God Bless us all!

U5dtvmWx76jQPSoCr5BLUvN2rEruo2f_1680x8400.png
U5drWjY9zSLLDhjE44iC9WT2HqXMt5f_1680x8400.png

Sort:  

Thanks for your valuable and informative post.
We can gather a lot of information by your post.
By dint of, we can increase our skill that is beneficial for all steemians.
I will always visit your site & wait for your upcoming post.
TThanks.@Resteem done.