Loving Someone Should be A Glimpse of Heaven [When I tried writing a novel]

in #writing7 years ago (edited)

This was a .pdf book I made years ago. I didn't even have the proper software so I used Open Office to make this. The graphics were all done in Photoshop.

This is actually in Filipino and the novel isn't finished at all. Basically, this is the draft of it, I never continued working on it and may not do so - not now or in the near future. The one thing I like about this work of mine is how I came up with even this idea, not to mention the design and me creating a .pdf file out of it.

If you wish to view the whole .pdf file of this, just go here and download it: 4 Shared.

Here's a preview of my work (don't judge, this is a very old work - more than 5 years ago):


Loving Someone Should Be

A Glimpse of Heaven


Papasok na naman. Isa namang araw na uubusin lamang sa pagtanaw sa labas ng bintana. Maghihintay sa kahit anong babagsak mula sa langit.

Pagkatapos magbihis at manalamin ng ilang beses. Mabuti na lang at matibay ang salamin at hindi nabasag. Pagkatapos mabigo sa paulit-ulit na pag-aayos sa magulong buhok. Nagsimulang maglakad palabas ng pintuan ang ngayon pa lang ay pagod nang mga paa ni Rei, tatahakin na ang daan patungo sa unibersidad na dalawang taon na nyang pinapasukan, pero nasa unang taon pa rin siya. Hindi siya bumagsak, wala lang siyang interes sa unang pinasukang kurso kaya nag-iba siya ng kurso. Wala siyang interes sa kahit na ano. Tinatahak ang mainit na kaldasa kasabay ang mga alikabok na hinahangin, nakikilanghap sa usok ng mga nagmamadaling nagpapaharurot ng kaniya-kaniyang mga makina. Pagsakay sa jeepney nakikipagsiksikan sa mga kasabay, animo'y mga sardinas sa lata. Hindi alam kung saan ibabaling ang tingin, sa kaliwa, sa kanan, yuyuko ba o titingala.

Biglang napako ang titig ng mga mata ni Rei sa taong nasa kanyang harapan. Hindi naman mukhang tao ang kaharap niyang iyon. Nakatali ang itim niya''t makintab na buhok. May nakalagay na earphones sa magkabilang tenga, na humihiwalay sa kanya sa mundong nasa paligid. Mga mata niya'y may mahahabang pilikmata at ang kaniyang mga tingin, kapag tumatama ang mga ito kay Rei ay nakakasilaw. Wala siyang suot na kahit anong kolorete sa mukha, maliban sa unting pulbos na lalo pang nagpaputi sa mala-niyebe na niyang balat, na lalo pang pinaganda ng kulay rosas niyang pisngi at mapupulang labi. Hindi siya tao, anghel siya. Siya yata yung hinihintay ni Rei bumagsak galing langit.

Sinong magaakalang may ganoon siyang makikita sa mga oras na iyon, nasabi ni Rei sa sarili niya nang biglang magtama ang tngin niya at ang tingin ng anghel sa harap niya. Nagkaiwasan sila ng tingin at sabay ibinaling ang ulo paharap sa bintana na para bang may kung anong naganap sa pagtatama ng kanilang mga mata.

Naglalayag ang mga tingin sa magulong tanawin sa labas ngunit ang magandang mukha lamang ng babaeng iyon ang rumerehistro't naaaninag ni Rei sa kanyang isipan. Muli sanang ibabalik ang tingin sa babaeng hindi pa niya alam ang pangalan, nang bigla na lang itong nag-para at bumaba. Nadismaya siya sa pagkawala ng pag-asang makilala ang babaeng yon. Makikita pa kaya ni Rei ang anghel na hinintay niyang bumaba mula langit?


Pagkapasok na pagkapasok ni Rei sa pintuan ng kanyang classroom ay isang "Hi! I miss you!" ang isinigaw ng tuhod ni Joey Ann Largo sa kanyang sikmura. Si Joey ang pogi at macho daw niyang bestfriend. Tapos ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng may-ari ng tuhod sa may-ari ng sikmura.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan, lumipas ang bakasyon maski txt wala akong natanggap galing sa'yo. Pinagdasal ko ngang patay ka na sana, eh!", sabi ni Joey sabay akbay ka Rei.

"Hindi pa ko mamamatay no! Inaantay ko pa nga kiss ko galing sa'yo eh, yan na lang regalo mo sa birthday ko," sagot naman ni Rei sa kaibigan.

"Sira, hindi tayo talo." balik ni Joey kay Rei na may batok na kasama.

"Hindi talo. Kaya nga hindi mo sinasagot daan-daan mong manliligaw kasi ako inaantay mong manligaw sa'yo," biro naman ni Rei.

"Kapal mo naman, hindi ko lang sila type at mas lalong hindi ikaw ang gusto ko. Ayoko sa torpe!" bara kay Rei ni Joey.

HIndi na agad nakasagot si Rei dahil pumasok na ang professor nila para sa subject na iyon. Kung anong subject, hindi niya alam, dahil hindi niya pinagbabasa yung schedules niya.

"Biology pala yun! Ano namang kaugnayan ng living cells sa fine arts?," Tanong ni Rei sa kanyang isip habang lumalabas mula sa classroom.

Vacant subject ang subject na kasunod ng klase nilang 'yon kaya tumambay muna silang dalawa ni Joey sa coffee shop sa labas ng school. Pilit pa nga niyang inagaw sa mga dati pang kaklase ang kaibigan, nagplano pala silang kakain ng ice cream pero hindi naman nagpatalo si Rei at sinabi niyang hohold-up-in pa niya si Joey ng isang tasang kape. Napilit din naman niyang payagan si Joey na sa kanya na lang sumama. Hindi din naiwasan na tuksuhin silang dalawa pero sabi nga ni Joey, hindi sila talo.

High school pa lang ay magkakilala na sila at do'n din nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, magkapatid na ang turingan nilang dalawa at parang si Rei na rin ang kuya ni Joey.

Bago kasi sila nagkakilala ni Joey ay may'ron siyang nakatatandang kapatid, na sa kasamaang palad ay naaksidente at binawian ng buhay noong si Joey ay nasa elementarya pa. Isa sa dahilan kaya naging malapit silang dalawa ay dahil nakikita ni Joey ang kuya niyang si Ald kay Rei.

"Papatayin mo ba sarili mo sa dami ng asukal na nilalagay mo dyan sa kape mo? Black coffee ang inorder mo pero asukal yata ang balak mong inumin." puna ni Joey sa ginagawa ni Rei sa kape niya, nginitian lang siya ni Rei sa sinabi niyang 'yon.

"Baliw ka talaga! Kinakausap, ngingiti lang. Buti pa yung aso, tumatahol pag kinakausap." pang-aasar pa ni Joey na nakasimangot na dahil sa 'di pagsasalita ng kinakausap.

"Sa susunod, ikaw naman manglilibre sa akin." dagdag pa ni Joey.

"Doon ka sa aso magpalibre, baka tumahol bigla masatisfy ka..." balik ni Rei ng asar sa kanya.

Naubos ang isang oras nilang libre at dumiretso na sila sa sumunod na klase. Nagpagawa ang professor nila ng pencil drawing, dahil nga lutang si Rei palagi at parang walang pakialam sa mundo, hindi niya narinig na cityscape pala ang iguguhit. Nakakuha tuloy siya ng zero sa ipinasa niyang guhit ng tasa ng kape na umaapaw ang asukal. May remarks pa yung papel niya na "Know what still life and cityscape is and how they differ."

Tatlo lang ang pareho nilang subjects ni Joey at madalas ay nauubos lamang ang mga ito sa pag-uusap nilang dalawa. Humahabol sa mga oras na hindi siya nagparamdam kay Joey noong nakaraang bakasyon.

"Masyado kang madaldal, papagalitan na tayo ng prof oh! Hinaan mo lang boses mo," saway ni Rei sa kanya kasi napapansin na sila ng professor na hindi nakatuon ang atensiyon nila sa kanyang pagtuturo.

"Okay lang yan, first week pa lang hindi pa yan masyadong maghihigpit sa atin," kontra naman ni Joey na nagpatuloy pa rin sa pagkukwento.

"Mamaya mo na ako kausapin, makinig muna tayo nang may pumasok naman sa mga utak natin," pakiusap niya kay Joey sabay lingon sa pisara upang makinig.

Madaldal si Joey at halos siya lang ang nagsasalita kapag nag-uusap sila, yun nga ang gusto ni Rei sa kanya kasi hindi siya nababato kapag kasama niya ito. Ewan na nga lang ni Rei kung ganun din si Joey, hindi lang niya alam na gustung-gusto na siyang batukan ni Joey dahil sa hindi siya palasalita at puro oo at ewan lang ang isinasagot niya sa mga tanong nito.

Halos limang taon na silang matalik na magkaibigan ni Joey, halos alam na rin ni Rei ang lahat tungkol sa kanya. Si Joey yung tipo ng babae na one-of-the-boys, pero hayop kung tumili kapag malapitan ng insekto, lalo na ng ipis. Hindi rin siya mahilig sa kape, 'di tulad ni Rei, nagtitiis lang siya sa tuwing niyayaya siya ni Rei na lumabas para magkape. Ayaw daw ni Joey sa amoy nito, hindi alam ni Rei kung bakit. Mahilig si Joey sa makukulay na bagay. Masipag siyang magkulay ng mga iginuguhit niya, gayon din ang mga iginuhit ko. Hindi siya mahilig sa gulay at lagi naman siyang pinipilit ni Rei na kumain nito pero ayaw talaga niya. Katabi niya laging matulog ang teddy bear na regalo sa kanya ng kuya niya nung huling kaarawan bago nawala si Ald.

Maganda si Joey at hindi gaanong katangkaran, cute sa paningin, maraming nanliligaw sa kanya pero agad niyang tinatanggihan ang mga ito. Hindi pa siya nagkakaroon ng kasintahan, hindi pa raw siya handa sa mga pakikipag-relasyon at mas balak niyang pagtuunan ng pansin ang ibang bagay.

Kay Rei naman ay kaunti lang ang nalalaman ni Joey, dahil hindi ito palakwento at laging umiiwas sa mga tanong tungkol sa mga personal na bagay. Nahihirapan kasi siyang ilagay sa salita ang lahat ng nangyayari sa buhay niya o ang mga nararamdaman niya, at yun ang madalas na ikinaiinis ni Joey sa kanya. Lagi siyang inaaway ni Joey dahil doon.

(Patay... Wala akong maisulat sa part na ito. Need ko ng research! San ba pwede silang mamasyal. Ginagawa ng magbestfriends. Wala akong alam sa mga ganun, kaya wala akong maisulat. Shit! Di ko rin alam kung paano naiinlove mga babae. Wala akong kwentang writer! May plot na ko ng story, details wala!!! Help???)


This story actually has 2 Chapters already but none have been finished. As you can see on my note at the top, I vented out my frustration how I can't continue writing it anymore because of inexperience and lack of ideas, to the point where I even typed that I'm asking for help already.

If you would like to read the 2nd Chapter, you can download and view the .pdf file from here. I don't suggest doing it though. First, not even the chapters are finished. Second, let along the whole story itself. So, why am I sharing this here? I don't know, I have nothing to post. I just think it's also one of my coolest works around that time.


Maraming Salamat!

Thank you so much!




Sort:  

Ganda nga ni Joey..sure di sya bading?
Me balak kang ituloy yan kuya?? Asan na un girl sa jeep?

Haha. Girl yun Tita.

Wala pa po - tagal na po nito super. Kahit ako di ko na alam sinulat ko haha - di ko pa binasa ulit.

Uy ituloy mo to. Mukang maganda. parang wattpad story na printed. Haha I suggest na magbasa ka ng isang wattpad story para lng makakuha ka ng idea kung saan namamasyal mga babae at kung paano sila naiinlove 😂

Thanks sa encouragement at suggestion! :))) Iko-consider ko yan. Pag may time.

Ako rin man ay hindi mahilig sa kape. Sa buong pamilya ko (nuclear family), ako lang ang hindi mahilig mag kape.

One time may kasama akong babae sa trabaho na mahilig mag kape. Lagi niya akong niyayaya dahil pareho kami ng work schedule. Most of my BPO career kasama ko sya. Attached kami sa isa't-isa kaya sinasamahan ko sya palagi. Pilit iniinom ang kape na kailanma'y hindi ko ginusto. Gustuhin ko mang humindi, wala akong magagawa. Siya ang tibok ng dibdib. Hindi niya man alam, pero alam nyang mahalaga siya sa akin. Kaya ayun, kape ako ng kape kahit hindi ko kailanman nagustuhan. Dahil sa pagmamahal :

Walang bulag, pipi, at bingi pero TANGA marami XD

Nice. Ayos to. ;)

Hahaha lol. Thanks!

Napakaganda! Parang ramdam na ramdam ko ang pagkakaibigan ni Rei at Joey... ohhh nakakamiss mag aral! Ipagpatuloy mo to, sayang ang nasimulan mo. Lalo na at maganda siya. Kung in love na bababe ang hanap mo, tanungin mo si @dreamily, inlababo siya ngayon. For sure marami siya masheshare :)

Salamat! :)) Haha natawa ako sa suggestion nyo po lol.

hahaha. expert yan!

natwa ako dito "Mabuti na lang at matibay ang salamin at hindi nabasag"
sweet story:) pedeng ibenta.:) tapusin mo muna lols

Pwede na ipublish no? Baka may lurker na publisher dito. Okay na'ko sa Viva Psicom. :D

pedeng pede, ang gleng naman! tsk! baka meron sa tabi tabi...tuloy mo..sarap basahin.
tas gawing pelikula hehhe ako bida lols

Salamat! Haha. Pwede, pwede. Sino gusto mong leading man?

hahha lol ikaw na lang? lols kaso lola mo na ako harhar

Angas pre, pwede ng ipublish to :), Resteemed! baka madiscover

Nice, salamat sir! Pwede na ba? Kaya lang di naman tapos haha. Aawayin ako ng editor at producer sa bagal ko.

Hang ganda ng graphics ah. 💖💖💖 Babasahin ko mamaya may work pa e hahaha

Thanks! Yehey!

ganda nang story

Salamat!

Makaka isip ka rin ng karugtong nyan hehe.

Just write and write. Matatapos mo rin yan. Di lahat ng novel eh smooth yung pagkakagawa. Go out and find inspiration! @deveerei

Maraming salamat! :) Welcome to Steemit!

Ikaw na talaga debay

Ang ganda ng pag susulat mo. Madaling namnamin. More power! Tuloy tuloy mo to! Ang Galing mo Pre! :)

Maraming salamat po! Yung mga kasabayan ko sa blogging may books na, writer na talaga - I lack talent or cultivation.

No, you don't lack talent. YOU HAVE TALENT. Steemit is a platform to cultivate that god-given talent. I envy you na you're so good in writing. Unlike me :) Go lang tuloy tuloy mo lang yan! :)

Hehe. Salamat ng madami!

Hmmmmmmm. I will have to share this post to my community

Thank you so much for that, much appreciated!

It take pure love to feel a glimpse of heaven. Love comfort, it gives life and makes it quality.

beautifull writing..!😎

There is only one happiness in this life, to love and be loved.

Ang ganda po. Hihintayin ko po continuation nyan. Hehe

Ganda naman ng kwento ne2.. sir pa follow and pa resteem. :)

Bading nga kaya? Pakituloy bro...

I wish to finish your heartfelt novel dev if you give me a chance to. :)