Nahahanap natin ang ganitong klase ng pagsusulat kahit saan. Sa mga pahayagan, mga magasin, mga blogs at kahit sa mga patalastas. Sa kabuohan, ang isang mapanghikayat na nilalaman ay napukos sa isang panig ng paksa at gumagamit ng mga pangungusap na humihikayat sa iba para tumugon ng tama o sasang-ayon sa ano ang gusto.
Nagsisimula ito sa isang tesis at ang buong katawan na nilalaman ay naglalaman ng mga malalakas na ebidensya para suportahan ang tesis. Nagpapahayag din ng mga taliwas na punto at ideya ang katawan ng nilalaman. Ang pangwakas ay isang pahayag na naglalayong mapalakas ang argumento ng katawan ng iyong nilalaman para suportahan ang buong tesis.
Image credit
"Thesis Statements"
Ang pahayag ng tesis ay nagsasaad ng iyong paniniwala o kung anung panig ka ng argumento pupunta. Ang iyong pahayag ng tesis ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang iyong gawang tesis at ang paksang iyong ginamit nagpapakita din ito ng effort mo para mairaos ang iyong gustong impormasyon na ibabahagi. Isa itong repleksyon ng iyong gawa bilang mga makatotohanang bagay na naghihikayat sa mga mambabasa na kumunekta sa iyong akda.
Sa kabuohan, kailangan mong ilagay ang iyong pahayag ng tesis sa una o sa pangalawang talata. Nakadepende ito kung saan ang iyong pambungad na mga salita o talata.
Mga Paksang Pangungusap
Ito ay klarong klaro madali lang intindihin, sa salita palang, alam na atin kung ano ang mga ito. Ito ay mga direktang pangungusap na nag-uugnay sa iyong pahayag ng tesis at kung anong relasyon meron ang iyong pahayag ng tesis sa iyong paksang ginamit.
Ito rin ay nakatutulong sa mga mambabasa na malaman kung anong eksakto ang kanilang makikita o malalaman sa susunod na mga talata. Ang mga pangungusap na ito ay dapat nakalagay sa una o sa pangalawang posisyon sa iyong talata. Kung ilalagay mo ito sa ing bahagi ng talata, siguraduhin na hindi sa hulihan na parte.
Magkaibang Argumento o Pahayag
Isang magandang paraan para maiangat ang iyong nilalaman na tesis kung masasaad mo ang mga magkaibang argumento o pahayag na taliwas sa napili mong panig o pahayag ng iyong tesis. Nagpapakita ito na sa kabuohan ng iyong gawa, alam na alam mo ang sinusulat mo at ang paksang iyong ginamit. Sa pagpapakita nito, nai-aangat mo ang iyong kridibilidad bilang manunulat.
Sa paggamit ng mga magkaibang argumento, siguraduhin na taliwas ka sa mga puntong ito at mahikayat mo ang iyong mambabasa na tama ang pinili mong panig o argumento. Wag gumamit ng mga magkaibang punto na maaaring makasira ng iyong tesis dahil di ito kayang ipaliwanag kung bakit di mo ito pinili. Laging tandaan na gusto mong mahikayat ang mga bumabasa ng iyong akda para maniwala sila sa punto mo.
Pangwakas
Ito ay ang ating mga panghuling talata at dapat walang anong bagong impormasyon ang pumapaloob nito. Ugaliing umiwas sa paggamit ng salitang "sa huli" o "sa pangwakas" kapag klaro naman na nagiiwan ka na ng mga pangwakas na salita sa iyong mga mambabasa. Isang magandang ideya ay ang pagsiwalat kung bakit ang paksang iyong ginamit ay importante at ibahagi ang iyong personal na pahayag.
Image credit
This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.
Thanks for sharing! :)