Ung classmate ko, representative ng section namim bilang Lakambini ng kung ano man yun. So suot suot sya ng filipiniana, ganyan. Andun si mother nya. Tapos may nakalimutam sila sa haus nila. Bilang bida bida ako at gusto ko may participation din ako, nagprisinta ako na ako na kukuha. Syempre part na rin yun na gusto ko makalabas ng school kahit di pa uwian. Inabot sa kin ang susi ng kayamanan. Mind you, andaming susi dun sa keychain. Parang may 100 na bedrooms sa bahay ang datingan. Tapos binigyan pa ako ni mother ng pamasahe plus pang chicha ko na rin daw. Bilang patay gutom tayo, inuna kong bumili ng chicha bago sumakay mg jip. All's well naman. Nakarating ako sa house nila at nakabalik din ng school just in time. Pero dahil sa kakalafang ko, hindi ko namalayan na nahulog pala ang susi. Di ko rin alam kung saan. Nataranta ako kasi andaming susi nun. Feeling ko pati susi ni San Pedro andun din. So binalikan ko yung jeep na sinakyan ko. Syempre backtrack tayo ng mga pinuntahan diba. Pagtingin ko sa jip, butas pala yung sahig nya! Ganun tayo ka shutay tomi na di natin namalayan na wala na pala tayong inaapakan. Literal na byaheng langit ang peg. So hindi ko alam kung saan na hahanapin ang susi!
Ang lola niyo, no choice kundi lakarin at baybayin ang Nagtahan bridge para lang tingnan kung san banda dun nalaglag ang mga susi ng kayamanan. Mukha akong lukring na naglalakad habang lumuluha sa Nagtaham bridge. Nakita ko yung susi. Sa kabilang dulo ng tulay. Sa gitna ng highway! Buwis buhay talaga ang pagdampot ko ng susi mga bes. Sa ngalan ng chichirya at chance na makalabas ng school kahit di pa uwian, muntik pa akong masagasaan ng truck.
Lesson learned nung panahon na yun, di masaya makipagpatintero sa 10 wheeler truck. Wag din bida bida. Pero di ko natutunan na wag maging shutay tomi sa fuds. Haha. Ang pinakamalupit kong natuklasan dun, pwede palang lakarin ang Nagtahan bridge. Kaya ayun, pag pauwi, naglalakad na lang ako mula school namin. Tipid sa pamasahe, tamang walkig trip na rin.
HAHAHAHAHAHA, yan ang napala, lolol. Pero lucky you kasi nakita mo pa rin ah. At buti di nahulog sa kunh saan or madala ng sasakyan tas mahulog sa kanal. Aba'y ang laking didaster sana yan kung nagkataon, hahaha. Pero at least bukod sa nay lesson kang natuto, may natuklasan ka din namang bago, so blessings pa rin HAHAHAHAHA.