Question Of The Weekend: Buwan Ng Wika Karanasan | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH4 months ago

QOTW.png

May tanong kami..

We have this new portion where we ask questions and you answer via the comments. It will run over the weekend. Once the weekend is over, we will decide the top 3 best and amazing answers from the comment section and we will let you vote for the best commenter in discord and on chain.

dividerphv1.png

Last Week's Winner

Last week, our winner is @coolmidwestguy! You win 1 HSBI!

image.png

dividerphv1.png

Question Of The Weekend (QOTW)

For this weekend, our question is:


Anong karanasan mo sa school ang hindi mo nakakalimutan tuwing Buwan ng Wika?
or
What experiences during the "Buwan Ng Wika" that you will never forget?

Sumasali ka ba sa labanang tula?
O baka balagtasan?
Marami ka bang karanasan tuwing Buwan ng Wika?
I-share mo na sa amin 'yan!

dividerphv1.png

Contest Rules

The rules are pretty simple:

  1. Answer the question in the comment section. No need to create a post about it.
  2. There's no minimum word count but more than 1 sentence is greatly appreciated.
  3. No plagiarism. Syempre!
  4. Content must be in Filipino and/or English.
  5. Invite another person to join the contest.
  6. You don't need to be a Filipino to join this contest. Everybody is welcome to join!

Deadline of this contest is on September 1 EOD PH time.

Chosen commenter will win 1 HSBI!

What are you waiting for? Comment now!

Click on the banner to join the Hive PH discord server. Special thanks to sensiblecast for this awesome images.

Sort:  

Since I was in my High School days, I remembered it so well, we celebrate "Buwan ng Wika" in our school campus headed by the School Head, Teachers, and Students. The SSG(Supreme School Government) prepared different activities to celebrate the national language of us Filipino. My memories are very lucid I remembered it very well, when this month is approaching our adviser made a list or pick students to compete. I was picked with our School Guidance Counselor to be a Lakambini to compete in Balagtasan Contest at first it was a school-based competition but God moves in a mysterious ways in just a blink of my eye I will be competing in division based contest. I also remember how we used to wear classical and traditional dress in order to get a points for our subject teacher. We have different surprises, we also spoke Tagalog only for 24 hours. I also compete with different contest like Sayawit and Tula, and the best part is how we get the gold medals for our different category awards. Buwan ng Wika is a nostalgic and yet prideful month for us Filipino.

Ang karanasan ko sa school na hindi ko malilimutan tuwing buwan ng wika ay yung mga binibentang pagkain at inumin na gawang Pinoy gaya ng mga kakanin, buko juice, at iba pa tapos ang mura pa kaya marami akong nakakain palagi😂✨

Ever since elementary grades up till High School, the Buwan ng Wika was strictly observed in the schools that I attended, I think one of the most memorable experiences that I had in Buwan ng Wika was when I was in Grade 8 in High School, I've never been active in participating in events such as wearing of traditional clothes like Filipiniana but then I can still vividly remember how hectic it was since the school made it mandatory to wear one, We were still innocent at that time and instead of renting out dresses, we've only created our own Filipiniana dress utilizing what is available in our homes. It was truly a memorable experience and a funny one since my classmates at that time looked so cute with its costumes as for me, I only borrowed some Saya from my cousin and paired it up with a white sleeve with a handkerchief around my shoulders, those memories can still be relived if I scroll out some pictures to my classmates account on Facebook, I think that what we have at that time can never be forgotten no matter how old be become for it was an experience worthy to be treasured.

What about you guys?
@jenajean
@swtzyserrah
@tellsbymoren

Naa miy experience ni @tellsbymoren na gi sangka sa balagtasan, nya grabi kaayo to😭

Btaw, sayanga ato😭

I can't remember much my experiences during school events of buwan ng wika, pero may isang mejo natatandaan ko. It's when each students was asked by our Prof to wear Filipiniana. Plus points if we we wear it, not really required. And because wala akong mahiraman ng costume, di ako nag join. Sayang coz plus points daw, kuno, haha. Di ko na tanda masyado basta ganyan.

Kayo guys?

@lhes
@coolmidwestguy
@madimoire
@tegoshei
@jpatrick28
@anonymous02
@cthings

Hindi KO makalimutan nuon Ng buwan Ng wika Ng sumali ako SA quiz bee at natalo🤣

Ang karanasan kong hindi ko malilimutan noong ako ay nasa high school pa lamang ay ang pagkanta ng mga makabansang awit. Kaya sa panapos na programa ng buwan ng wika sa aming paaralan, ay aming binigyan ng halaga ang mga ito sa pamamagitan ng patimpalak sa solong pag awit. Nagwagi ang aking kalahok na inawit ang "Tagumpay nating lahat." Bihira na lamang sa mga kabataan ngayon ang alam ang mga makabansang awitin. Kaya sana ay mabigyan ito ng pagkakataon na maging bahagi ng ating pagiging makabansang Pilipino.

Ikaw @jijisaurart at @minelwanders20 ,ano naman kwento nyo?

Tenks sa tag! Naalala ko lang ako lagi pambato sa art contests. Yun lang haha 😆

!PIZZA

 4 months ago  

Ung classmate ko, representative ng section namim bilang Lakambini ng kung ano man yun. So suot suot sya ng filipiniana, ganyan. Andun si mother nya. Tapos may nakalimutam sila sa haus nila. Bilang bida bida ako at gusto ko may participation din ako, nagprisinta ako na ako na kukuha. Syempre part na rin yun na gusto ko makalabas ng school kahit di pa uwian. Inabot sa kin ang susi ng kayamanan. Mind you, andaming susi dun sa keychain. Parang may 100 na bedrooms sa bahay ang datingan. Tapos binigyan pa ako ni mother ng pamasahe plus pang chicha ko na rin daw. Bilang patay gutom tayo, inuna kong bumili ng chicha bago sumakay mg jip. All's well naman. Nakarating ako sa house nila at nakabalik din ng school just in time. Pero dahil sa kakalafang ko, hindi ko namalayan na nahulog pala ang susi. Di ko rin alam kung saan. Nataranta ako kasi andaming susi nun. Feeling ko pati susi ni San Pedro andun din. So binalikan ko yung jeep na sinakyan ko. Syempre backtrack tayo ng mga pinuntahan diba. Pagtingin ko sa jip, butas pala yung sahig nya! Ganun tayo ka shutay tomi na di natin namalayan na wala na pala tayong inaapakan. Literal na byaheng langit ang peg. So hindi ko alam kung saan na hahanapin ang susi!

Ang lola niyo, no choice kundi lakarin at baybayin ang Nagtahan bridge para lang tingnan kung san banda dun nalaglag ang mga susi ng kayamanan. Mukha akong lukring na naglalakad habang lumuluha sa Nagtaham bridge. Nakita ko yung susi. Sa kabilang dulo ng tulay. Sa gitna ng highway! Buwis buhay talaga ang pagdampot ko ng susi mga bes. Sa ngalan ng chichirya at chance na makalabas ng school kahit di pa uwian, muntik pa akong masagasaan ng truck.

Lesson learned nung panahon na yun, di masaya makipagpatintero sa 10 wheeler truck. Wag din bida bida. Pero di ko natutunan na wag maging shutay tomi sa fuds. Haha. Ang pinakamalupit kong natuklasan dun, pwede palang lakarin ang Nagtahan bridge. Kaya ayun, pag pauwi, naglalakad na lang ako mula school namin. Tipid sa pamasahe, tamang walkig trip na rin.

HAHAHAHAHAHA, yan ang napala, lolol. Pero lucky you kasi nakita mo pa rin ah. At buti di nahulog sa kunh saan or madala ng sasakyan tas mahulog sa kanal. Aba'y ang laking didaster sana yan kung nagkataon, hahaha. Pero at least bukod sa nay lesson kang natuto, may natuklasan ka din namang bago, so blessings pa rin HAHAHAHAHA.

Ang naalala ko lang tuwing Buwan ng Wika ay isa ako sa mga tagasuporta ng aking mga kaklase kapag sumasali sila sa paligsahan. Kayo naman po ma'am @diamondinthesky and ma'am @asiaymalay. 😊

Thanks for the mention😁

NOONG Grade 8 ako, ako yung muse nila sa Filipino subject namin. Tapos, hindi ako aware na may rampahan na magaganap. 😭 Hindi ko alam if kakayanin ko ba yang rampahan na yan kasi hindi ako marunong mag pose-pose at kumendeng-kendeng. 🤧 Nung nagprapraktis na kami na mga candidate sa rampahan, isa sa hindi ko makakalimutan yung pagpuri sakin ng mga bakla na tumutulong samin sa mga rampa sa stage at pagsayaw ng introduction. Yung palakpak nila. Magaling daw ako magpose kahit hindi na turuan ganern.

hindi pa ako PWD non

Pero syempre, buti nalang hindi pa ganon kalapit yung date ng rampahan, nalaman ko na pera-pera pala yun kasi nagmeeting ang mga parents sakto nasabi ng adviser namin sa Lola ko. Narealized ko na problema ko din pala yung ipapambayad doon sa mga mag aayos sakin tsaka sa costume ko. Hindi pa kasi ganon kalaki sweldo ni Mama non at hindi din suportado sakin yung Tita ko. Kaya nag back-out ako at pinalitan ako ng isang kaklase naming babae. Kaya bilang kapalit ng disappointment ng mga kaklase ko, nag volunteer nalang ako na ako ipambato sa poster making pero napunta ako sa Slogan. Kasi yung Crush ko pambato na nila sa poster making. Pero at least nakahinga ako ng maluwag nun kasi hindi yun natuloy. Hindi ko kasi keribels ichebels yung humarap sa maraming tao tapos may Q and A pa, tapos yung heels na matataas kasi pandak ako. HAHAHAHA 😂

Yan lang naman ang naalala ko. Pero ngayon, ako na yung nagtuturo sa pinsan ko kung paano yung magpose or rampa sa stage. Tsaka, naranasan ko din gumawa/tumulong sa costume para sa pageant sa Buwan ng wika nila.

20240829_220953.jpg

Kayo? @jude.villarta @demotry @bunchful ano ang naalala niyo nung Buwan ng wika niyo?

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@jijisaurart(2/10) tipped @cup-bearer

Buwan ng Wika is my least favourite school event because girls get to wear Filipiniana. I hate the outfit, but I'm glad it's not required. I'd be dressing in a barong if it were! Hahaha! Joke aside I only remember watching people perform on stage to whatever Filipino thing they were doing. Once I get bored, I go around the campus talking to my classmates about anime, go to the canteen to eat snacks, sign the attendance sheet, and then go home, hahaha

ano experience niyo? @wittyzell @ayanechan @adamada @demotry

 4 months ago  

Pa see ng picture of Jude wearing Filipiniana hahahaha

HAHAHAHAH thank God wala 😂😂😂