NOONG Grade 8 ako, ako yung muse nila sa Filipino subject namin. Tapos, hindi ako aware na may rampahan na magaganap. 😠Hindi ko alam if kakayanin ko ba yang rampahan na yan kasi hindi ako marunong mag pose-pose at kumendeng-kendeng. 🤧 Nung nagprapraktis na kami na mga candidate sa rampahan, isa sa hindi ko makakalimutan yung pagpuri sakin ng mga bakla na tumutulong samin sa mga rampa sa stage at pagsayaw ng introduction. Yung palakpak nila. Magaling daw ako magpose kahit hindi na turuan ganern.
hindi pa ako PWD non
Pero syempre, buti nalang hindi pa ganon kalapit yung date ng rampahan, nalaman ko na pera-pera pala yun kasi nagmeeting ang mga parents sakto nasabi ng adviser namin sa Lola ko. Narealized ko na problema ko din pala yung ipapambayad doon sa mga mag aayos sakin tsaka sa costume ko. Hindi pa kasi ganon kalaki sweldo ni Mama non at hindi din suportado sakin yung Tita ko. Kaya nag back-out ako at pinalitan ako ng isang kaklase naming babae. Kaya bilang kapalit ng disappointment ng mga kaklase ko, nag volunteer nalang ako na ako ipambato sa poster making pero napunta ako sa Slogan. Kasi yung Crush ko pambato na nila sa poster making. Pero at least nakahinga ako ng maluwag nun kasi hindi yun natuloy. Hindi ko kasi keribels ichebels yung humarap sa maraming tao tapos may Q and A pa, tapos yung heels na matataas kasi pandak ako. HAHAHAHA 😂
Yan lang naman ang naalala ko. Pero ngayon, ako na yung nagtuturo sa pinsan ko kung paano yung magpose or rampa sa stage. Tsaka, naranasan ko din gumawa/tumulong sa costume para sa pageant sa Buwan ng wika nila.
Kayo? @jude.villarta @demotry @bunchful ano ang naalala niyo nung Buwan ng wika niyo?